Chapter 1- The Mafia Twin

2170 Words
Kryne Ruby POV* Italy... 2:30pm Mabilis kong pinatakbo ang baby (big bike) ko papunta sa headquarters ng Swift Family. Agad nilang binuksan ang malaking gate sa Headquarters at mabilis naman akong nagpaharurut papasok. Napatingin ako sa isang sasakyan na nakaparada na sa gilid. Mukhang nandito din ang kambal kong si Justine. By the way I'm Kryne Ruby Swift, 18 years old. At may kambal akong lalaki at makikilala niyo siya mamaya. May mala abo akong mata na kagaya sa Mommy namin at ang buhok ko ay kakulay sa Daddy namin. Mabilis kong ipinarada ang motor ko at tinanggal ang helmet na nasa ulo ko at agad bumagsak ang mahaba kong buhok na hanggang bewang at bumaba ng motor at binigay ang susi ko sa butler at agad pumasok sa headquarters. "Buon pomeriggio, signorina," (Good Afternoon, Young Lady) bati ng mga katulong sa akin. "Dov'è Justine?" (Nasaan si Justine?) "Nella stanza dell'addestramento, signorina." (Nasa training room, Young lady.) Tumango na lang ako at nagmartya papunta sa training room kung nasaan daw ang kambal ko. Binuksan ko ang training room at di na ako nagulat na marami ang bagsak sa sahig habang nakikipag sparring sa malademonyo sa labanan kong kambal. Syempre siya ang heir ng pamilya namin kaya kailangan niyang magpalakas, pero ako parati nila akong sinasalang sa tea party, girly stuff, at marami pang iba. Iisipin ko na lang na baka may dugo akong Royal. Ganun ang training ko doon sa England, pero nung bata pa ako nun kaya gusto ko dito sa Italy kasi mapapasabak ako minsan sa gyera na di nila nalalaman. Ayaw kasi ng mga magulang namin na masaktan ako o ano dahil ako daw ang Prinsesa nila. Pumasok ako at busy pa din sa pakikipag sparring ang kapatid ko. Kahit malamig yan mahal niya ako at parati niya akong pinuprotektahan. Kinuha ko ang tuwalya at tubig at lumapit sa kanya at agad akong umiwas nang atakehin niya ako na kinagulat niya. Di na ako nagtaka na flexible siya sa larangan ng labanan. "I'm sorry, Kryne." Agad nanlambot ang expression niya na kinangiti ko. Ang cute ng kambal ko. "Mabilis ko naman iyong nailagan, flexible kaya ako," nakangiting sabi ko sa kanya. "Kahit na, baka di ka makaiwas at tuluyan kitang masaktan." Binigay ko sa kanya ang tubig at ako na ang nagpunas sa pawis niya. This is my Twin Brother Justine Zircon, same age as mine, malamang kambal ko. May bluegreen eyes na kagaya sa Daddy namin at kakulay din sila ng buhok ni Mommy. "You like some tea?" Aya ko sa kanya at ngumiti naman siya. "Of course." Lumakad na kami at nagbihis muna siya bago kami pumunta sa labas ng headquarters. May parang balcony kasi doon na kita mo ang boung city. "So kumusta ang meeting niyo kaninang umaga? Di kasi ako nakapunta dahil ang sabi ni Mom na doon muna daw ako sa mga kaibigan ko mag talk-talk ganun ba. Ang bored kaya nilang makasama," kwento ko sa kanya at mabuti di siya na bobored na kasama ako. "It's nothing important at ang sinabi ni Dad na kakailangan nating bumisita sa England dahil kaarawan ni Prince Claudius." Natigilan ako sa sinabi ni Justine. "Prince Claudius?" gulat na sabi ko. Ilang taon din simula nung huli naming kita. Bata pa kami nun at nasa mga 5 taong gulang na ako nun at ngayon ay 18 taong gulang na kami. Sa totoo lang siya ang first love ko at matagal ko na iyong tinatago. At na love at first sight ako sa kanya nung bata pa kami pero doon na ako sumuko nang may tinadhana na pala sa kanyang ibang babae na anak din sa mayamang angkan. "And after his birthday in the next another week is his engagement party." Natigilan ako at sa pag inom ng tea at bigla na namang piniga ang puso ko dahil sa narinig. Alam ko na may itinadhana na siya pero nakalimutan ko na ngayong mag 18 years old na siya. "You love him so much pero kalimutan mo na siya at marami pang lalaking matitino." Matagal na niyang alam ang tungkol doon dahil parati niyang binabasa ang lahat ng galaw ko. "Ang batang mukha lang niya ang naaalala ko hindi ang mukha niya ngayon. Gusto kong pumunta sa England," sabi ko sa kanya. "We're invited, don't worry." Gabi na pala di namin namalayan at lumakad kami papunta sana sa mga sasakyan namin nang biglang tumawag ang pinsan namin na si Kristine. Siya ang anak ni Tita Krisha. "Yeah?" "Where are you?" tanong nito sa kabilang linya. "Uuwi na kami ng kambal ko." Narinig ko sa kabilang linya ang malakas na musika at mukhang nasa Bar na naman siya. "Who's with you?" "Who's with me? Edi itong pinsan natin na si Lindon and he's with his girls lang naman. Napakababaero hayz." Si Lindon siya ang anak ni Tito Kyzler. Napatingin ako sa kakambal ko. Thank God di babaero ang kambal ko. Nasa matinong pag iisip pa siya. "Oh my Gosh!" Rinig kong tili ni Kris sa kabilang linya. "Oh, problema na naman diyan may kaaway na naman ba si Lindon?" Sumandal ako sa Motor ko at napabuntong hininga. Dahil hanap g**o talaga si Lindon dahil ang mga nilalandi niya ay puro may mga boyfriends. "Nandito ang kalaban ni Lindon kahapon at mukhang may back up!" Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Fine, pupunta kami diyan." Binaba ko ang tawag namin at napabuntong hininga na lang si Justine sa gilid ko at iniwan ko muna ang Baby ko at sumakay sa kotse ni Justin at pumaharurut papuntang Club. Nakita ko nagkagulo sila at may natumba na at may ibang nakatayo pa. "It's not my fvcking fault I'm 100% handsome than all of you." Ayan nga naman ang pagiging hangin ng pinsan namin. Gusto kong bugbugin ang mga kalaban ni Lindon pero bawal akong makitang nakikipaglaban dahil ayon sa paniniwala ng Grandma ko sa side ni Mom na ang mga dalang babae ay hindi dapat gumagalaw na parang lalaki. Sa puso ko yun ang gusto ko pero para sa kanila gagawin ko. Di alam ng mga magulang namin na sekreto akong nag eensayo sa loob ng ilang taon. Di naman makakalapit ang mga gwardya dito dahil malalaking pamilya ang nag aaway natatakot sila na makialam. Lumapit si Justine kay Lindon at agad pinigilan ang kamao na susuntok sana sa mukha ni Lindon. Napatingin ako kay Kris na nakatingin lang na parang happy pa na nakikipag bugbugan ang mga pinsan niya sa ibang lalaki. In short s*****a yan kagaya ni Tita Krisha pero si Tita sa labanan lang s*****a pero si Kris patago ang pagka s*****a niyan. Aakalain mong mahinhing nilalang pero nakakatakot yang magalit dahil nakangiti pa yan. Pero don't worry normal yan. "Tulungan mo nga ang mga pinsan natin." "Huh? Me? Eh baka masaktan ako," natatawang sabi niya. "Eh ikaw kaya, Princess." Napatingin ako sa kanya sabay ngiti. "Kung pupwede lang pero under surveilance ako remember?" Nag crossarms na lang ako at umupo sa isang stall. "Always naman eh. Di na nabago simula nung nabuhay ka. Pamilya mo kasi parang Royal Family." Tinaasan ko siya ng kilay. "Any other words?" Malamig na sabi ko. "Okey, okey, fine. Tutulong na, Mahal na Prinsesa." Sabi nito at lumakad na. Yan ang tawag nila sa akin at nasasanay na ako kahit wala akong ranggo. Agad sumugod si Kris at enjoy naman sila sa kanilang ginagawa. "Di niyo kami kilala. Dahil myembro kami sa Mafia," galit na sabi nung isang lalaki sa Italyano na pananalita. "Tumawag na kami ng backup at di kayo makakalabas dito ng buhay dahil mamaya mapapalibutan na kayo ng mga kasamahan namin." Di nagsalita ang mga kasamahan namin at nakikinig lang sa lalaking nagsasalita. "Natatakot kayo?" nakangiting sabi pa nung nagsasalita. "Give me light drink," sabi ko sa bartender. Agad naman niya akong binigyan ng inumin at nang maubos ko ang inumin. Ako na ang tumayo at lumapit sa kanila. "Princess," mahinang sabi ni Lindon. Wala nga akong Ranggo sa England pero malaki naman ang ranggo namin sa Mafia Kingdom dahil anak kami ng Mafia King. "What family are you?" mahinhing tanong ko sa kanya. "The Top 25 Mafia Family Brambilla." Tumango na lang ako at tiningnan ang mga kasamahan ko. "May injury ba ang mga kasamahan ko?" Nakakunot ang noo niya na tumingin sa akin dahil sa tanong ko sa kanila. "Syempre, dahil malakas kami. At nararapat iyon sa kanya." Nakikita pa din sa pananalita niya na proud siya sa ginawa niya sa mga kasamahan ko. "Oh? Really?" natatawang sabi ni Lindon. "Malakas kayo? Eh bakit ako ang malakas sa mga babae?" Mas lalo atah naging mainit ang ulo ng mga kalaban ni Lindon. Biglang inilabas niya ang b***l niya at mabilis niya akong hi panatak at itinutok sa akin ang b***l. Ngayon kaharap ko na ang mga kasamahan ko na malalamig kung tumingin. Nalalantay sa dugo namin ang pagiging Swift kaya walang b***l na takot kami. Napatingin ako sa kakambal ko na galit na dahil ang ayaw niya sa lahat ay ang hawakan ako ng mga lalaki. "Keep off your hands in my sister," malamig na sabi nito sa lalaking nasa likod ko at naramdaman ko naman na nanginig siya dahil sa tensyon ngayon. Mabilis kong hinawakan ang b***l niya at isang iglap nagkapalit kami ng pwesto at siya na ngayon ang sinakal ko gamit ang kamay ko at nakatutok na ang b***l sa ulo niya. "Di mo din kilala ang kinakalaban mo," sabi ko sa pamamagitan pa din ng lingwahe namin dito sa Italya. At agad pinutok ang b***l sa binti niya na kinasigaw niya. "Once hawak namin ang b***l kami na ang bahala kung saan namin iyon itatama na walang dala dalang isip at wala ng maraming satsat." Naramdaman ko na napaatras ang mga kasamahan niya dahil sa nangyayari ngayon. "Tawagin niyo back ups natin!" sigaw nung lalaki na binaril ko. Nagsign ako kina Lindon na dalhin ang mga lalaki sa labas at sinunod naman nila at ng makalabas na kami napapalibutan na nang mga kasamahan namin sa Mafia ang mga back ups nila. "A-Anong!" "You touch one of my family so, you pay for it." "Who are you!" "You don't know who we are?" natatawang sabi ni Kris at lumapit sa lalaki. "You touch the Mafia Royal Family," sabi ni Kris sa lalaki na kinamutla nito. "R-Royal Family..." "Boss, they're Swift Family," ani nung isang lalaki sa di kalayuan. Biglang namutla ang lalaking nasa harapan namin. "Y-You're the Royal Twins!" Di na ako nagsalita at kinasa ni Justine ang b***l at itinutok sa ulo nung lalaki. "Dahil may kasalanan ka sa Royal Family. Pay the price with your own life," sabi ko bago tumalikod at isang putok ang narinig ko at naramdaman ko na lang na nasa gilid ko na ang kambal ko at binigay niya kay Lindon ang b***l na ginamit niya kanina. "Lindon, you can also pay your sins at the Palace tomorrow." Namutla siya sa sinabi ko at nakayukong tumango. "Hala ka bakit kasi ang landi mo," sabi ni Kris. "Let's go home." Sumakay na kami ng sasakyan at sumandal sa sandalan at pumikit. Nasa mansion na kami at agad kaming pinagbuksan ng mga katulong. "My babies." Napatingin ako kay Mom na kabababa lang sa hagdan with Dad. Lumapit sila at niyakap kami parehos. "Oh, pagod ba kayo?" tanong ni Mom at nakayakap sa kapatid kong lalaki at ako naman ay nakayakap sa Dad ko. Ganito kami ka close sa mga magulang namin. "Nah, we can handle. Don't worry," sabi ni Justine nang mapansin ni Mom ang sugat sa mukha ni Justine. "Anyare sa mukha ng Baby boy namin?" "Mom, I'm not a baby." "Okey, okey, gamutin na natin yan. Ikaw Baby Girl di ka naman nakisali sa g**o diba?" Nakakunot na ang noo ni Mom na kinalunok ko at agad umiling. Sa totoo lang nakakatakot magalit si Mom kesa kay Dad lalo na kung tungkol sa kapakanan namin. "Okey, mabuti naman at gagamutin muna natin yang sugat ni Baby Boy natin bago tayo sabay kumain." Napatango ako sa sinabi ni Mom pero si Kambal nakakunot noo dahil sinabihan siya ng Baby Boy. Napatingin ako kay Dad na nakangiti sa akin at pinat ako sa ulo. Pumunta sila Mom at Justine sa kusina kung nasaan ang first aid kit at kami ni Dad ang naiwan sa sala. "Sweetheart," tawag ni Dad sa akin na kinatingin ko sa kanya at mukhang alam ko na ang itatanong niya. "Dad, di nga po ako lumaban at kinausap ko lang po gaya ng gusto ni Mom." Napangiti naman siya at tumango tango. "I trust you, Sweetheart. You can used that talent pag delikado na ang sitwasyon. It's a gift for you, so don't waste it." Tumango ako sa sinabi ni Dad at yumakap ako sa kanya. "Our Kryne is still a baby." Napangiti ako at humalik sa pisngi ni Dad. Yun ang parating ginagawa ko simula Baby pa ako. "Dad, pupunta tayo sa England diba?" "Yeah, next week." "Dad, can I marry Prince Claudius?" ****** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD