Chapter 2

917 Words
Chapter 2 NAKASARA ang bintana ni Moonshine nang makarating siya sa kanyang kuwarto. Nangiti si Moonshine dahil madalas sinasara ng ina ang bintana ng kuwarto niya. Iniiwan niyang bukas iyon napapayapa siya kapag nakikita niya ang mga bituin at maliwanag na buwan. Natutulog siya at gumigising ng bukas ang bintana. Hindi gusto ng mama niya ang ganoong gawain niya, nabuhay kasi sila sa pangaral ng lola Famana niya na may mga Bampirang laging nagmamasid at nagbabantay sa kanila. Ang bahay nila ay  isang malaking lupa ang kinatitirikan. Malaki ang bahay nila pero ang yari ay noon pang panahon ng kastila ang itsura. Isa na ito sa mga antigong bahay sa lugar nila. Wala silang kapitbahay dahil tadtad ng mga punong kahoy ang labas ng bahay nila at mga pananim na rosas. Sabi ng Lola niya huwag na huwag daw na hindi sila magtatanim nang mga rosas, dahil ang talim daw kasi ng mga tinik nito ay nakasusugat sa mga Bampira at nahihirapan ang mga itong paghilumin ang sarili kapag mula sa tinik ng mga rosas. Lumaki siya sa kwentong may mga Bampira, pinatunayan naman iyon ng mama niya. Maagang nag-asawa ang kanyang ina maglalabing-walo pa lamang ito ay nag-asawa na ito at iyon ang kanyang papa. Sa kabutihang palad hanggang ngayon kitang-kita niya ang pagmamahalan ng mga magulang. Birhen mula sa pamilya ng lola niya ang kinukuha nang mga ito, kaya naman bago pa maglabing walo ang mama niya ay pinag-asawa na kahit bata pa at wala pa gaanong alam sa pag-aasawa. Alagang-alaga siya nang lola niya at bilin nito na dapat mag-asawa siya sa ganoon ding edad at matatapos na ang sumpa dahil mauubos na ang lahi nang kalaban nito at ang susunod sakanya na magiging mga anak niya kahit pa babae ito ay magiging maayos na ang buhay at maaari nang mag-asawa sa edad na gustuhin nitong lumagay sa tahimik. May isa pang Bampira ang nabubuhay sa pamilya nang tumutugis sa kanila. Kaya naman kailangan niyang mag-asawa bago pa ito makakuha nang pagkakataon na kunin siya at patayin. Oras na mapatay siya nito, sila ang natalo sa laban dahil magkakaroon ito ng buhay na walang hanggan at magpapatuloy ang henerasyon ng lahi ng mga ito na ayon sa lola niya ay hindi na dapat pang humaba. “kabilugan ng buwan,ang liwanag..” ani Moonshine na nakatitig sa tila kay lapit lang na buwan. Wala man lang siyang makita kahit isang bituin. Lingid sa kaalamanng dalaga ay may pares ng matang nagmamasid sakanya mula sa isang mataas na puno nakatayo ito sa isang sanga at may nanlilisik na mga mata na tila ba isa siyang mabangong pagkain na gustong gusto nitong sagpangin. Kahit manipis lang ang sanga niyon ay hindi man lamang iyon umuuga dahil kaya nitong pagaangin ang sarili na parang bulak. Samantala naglalaro sa isipan ni Moonshine ang mukha ni Drifher. Alam niya na ipinagkasundo na siya ng mga magulang at hindi naman siya tumutol doon. Noon pa man ay ipinaliwanag na iyon sa kanya kaya naman pinagbubuti nalang niya nag pag-aaral at bahala na ang mga itong magdesisyon kung sino ang lalaking tingin nang mga ito ay karapat-dapat. Umalis na siya sa pagkakasilip sa bintana at nahiga na. Agad din naman siyang nakatulog dahil napagod talaga siya sa pagpapabalik-balik para sa pagsasaayos nang aproval letter ng gaganapin na party ng eskwelahan nila. Hanggang sa makatulog siya ay naroon ang kakaibang kiliting nararamdaman niya dahil sa kakakilala pa lamang na kaklase.       MARAHAN ang mga yabag ni Drifher nang makapasok siya sa kwarto ni Moonshine mula sa bintana. Nahihimbing na ito at hindi siya napansin. Hindi pa niya ito kailangan. Kukunin niya rin ito sa tamang oras. Dumaan siya sa salamin ngunit walang naging repleksyon iyon dahil isa siyang Bampira. Sisiguraduhin niya na hindi pa ito ang katapusan ng lahi nila. Siya ang maghihiganti at magpapalawak muli ng lahi ng mga Draven. Hinawakan niya ang salamin at umilaw iyon na unti-unti rin namang nawala, iyon ang gagamitin niya para masubaybayan ito. Dahil sa kalakasan na tinataglay niya bilang pureblood hindi niya kailangan ang pahintulot nang mga ito na papasukin siya sa bahay o kahit ang mga rosas na matitinik ay walang kahit anong pangingilag man lamang siyang nararamdaman dahil hindi siya pipitsuging bampira lang na masusugatan sa ganoong uri ng patibong. Tila naman naalimpungatan si Moonshine, nang imulat niya ang mga mata ay wala naman siyang nakitang kahit ano kaya muli siyang pumikit para ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog.                                                                “You got in? How did you do it?” Takang tanong ni Pandora kay Drifher ng makita niya itong papasok ng malaking tarangkahan ng astilyo ng mga Draven. “I’m a pureblood. Remember that, I wont fall for their cheap tricks,”Nilagpasan niya si Pandora wala siyang panahon para pahabain pa ang usapan nila. Totoo naman na nakakaya nilang pasukin iyon, ang problema lamang ay walang makakaputol ng sumpa at ang babaeng ninais makuha ng mga kapatid niya na ina ni Moonshine ay hindi na birhen kaya naman wala din nagawa ang mga ito.  Balak sana ng mga kapatid niyang patayin nalang ang buong pamilya ng nagsumpa sakanila nang pare-pareho na silang mamatay at maging talunan. Pero naisip ng mga kapatid niya na maaring babae ang isilang ng anak ni Famana at masagip pa ang lahi nila sa pamamagitan niya –saka na lamang niya daw patayin ang buong pamilya nito kapag nakamit na niya ang inaasam na imortalidad. Malakas pa ang kapangyarihan niya. Kayang-kaya niyang kunin si Moonshine pero hindi nya ginawa, maaga pa naman para kunin niya ‘to at paslangin. Paglalaruan niya muna ito sa kanyang mga palad, paiikutin at sasaktan.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD