Chapter 3

1093 Words
CHAPTER 3 “VAMPIRE?” gulat na tanong ni Moonshine sa ina. Ayon kasi sa ina ay na pasok sila ng  Bampira. Hindi naman sila nasaktan ano kayang trip nang nanay niya ngayon? Natatawa nalang siya dahil may parte talaga na hindi siya gaanong naniniwala na may mga bampira pa rin sa panahon ngayon. “May natira pa sa kanila, ilang taon na ang nakalilipas mula nang huli silang manggulo. Kailangan mo na talagang mag-ingat anak.” Inilagay nito sa palad niya ang isang rosaryo nasa mukha ng ina ang labis na pag-aalala sa kanya. “Ma , para saan to?” tanong niya sa Ina na ang pansin ay nasa rosaryong nilagay nito sa kanyang kamay. “Takot sila sa anumang sagradong bagay, ang mga bampira ay may pagkaka-pareho sa demonyo.” Hindi kaya sinapian nang lola niya ang mama niya at ganito na rin ito ngayon magsasalita? “Ma, naguguluhan ako sa mga sinasabi mo,” nakakunot ang noo niya sa mga sinasabi nito tila kasi hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na may mangugulo sakanilang bampira dahil tahimik na tahimik na ang buhay nila, kaya nga iniisip niya na pananakot lamang iyon ng Lola niya sa kanya noon. “Isinumpa nang iyong lola ang ama nang mataas na uri ng mga Bampira  para maputol na ang salinlahing mga ito. Kailangan ko nang asikasuhin ang pag-aasawa mo.” Nangingilid ang luha ng kanyang ina, niyakap siya nito kaya naman nadama niya rin ang paghihirap ng loob nito. Parang punyal na tumarak sa puso niya ang tungkol sa kasal, hindi siya pabor sa bagay na ‘yon lalo pa’t parang ngayon lang siya nakaramdam nang kakaibang atraksiyon sa isang lalaki na imposible namang pakasalan siya agad, gustuhin man lang nga hindi pa niya sigurado. “Bakit iyon ginawa ni lola?” si Moonshine nang kumalas sa pagkakayakap sa kanya ang ina tinitigan niya ito dahil sa kuryosidad na malaman ang dahilan.  Sa kauna-unahang pagkakataon ipinaliwanag ng ina ang tungkol sa sumpa. Ang pagiging mangkukulam ng lola niya at ang tungkol sa edad na dapat ay hindi na siya birhen. Nahihirapan siyang maniwala pero base sa pag-aalala nang ina, alam niyang hindi niya iyon dapat isantabi.     ** NAKITA ni Moonshine pumasok nang classroom si Drifher. Nakatitig itong muli sa kanya hanggang lumapit sa tabi niya. Napakasarap titigan nang mga mata nito, ganito din kaya ang magiging kulay ng mga mata nang magiging anak nito? “If ever I’ll have my offspring, of course it’ll be same as my eyes,” “Huh?” Gulat na gulat si Moonshine. “Will you believe me if I told you that I can read people’s mind? “ Nakipagtitigan pa ito sa kanya na animo’y sinusubok siya. Bahagyang lumapit ang mukha nito, kaya naman talagang hindi siya makahinga nang maayos. Pakiramdam niya tumatagos sa kaluluwa niya ang paraan nito nang pagtitig. “Just kidding,” ngumiti ito bago umayos nang pagkakaupo tinitingnan niya ang bawat kilos nito maging ang pagsalikop nang mga palad nito sa naturang desk at ang kahali-halinang ngiti nito na ikinalilingon talaga ng mga babaeng kaklase niya na tila gusto na siyang sabunutan sa sobrang lapit kay Drifher. Sa buong oras ng klase nila, pasimple niya itong sinusulyapan sakto rin na titingin ito at mahuhuli siya. Pero imbis na mag-iwas din ito nang tingin nginingitian pa siya nito, kaya naman gumawa siya nang paraan para mas makilala ito dahil hindi naman ito nagtatanong o mas tamang sabihin na hindi naman ito interesado sa kanya katulad ng nararamdaman niya. “Ito lang ba ang klase mo?” Tanong niya kay Drifher ng pagawain sila nang seatwork ni Mr. Hernandez na umalis din agad dahil may nakalimutan daw ito sa faculty. Nilalaro lang nito ang ballpen at hindi pa nagsusulat sabihin lang nito na gusto nitong ipaggawa niya nang seatwork ay agad niya itong igagawa. Ganoon talaga ang epekto nito sa kanya? Gusto niyang matawa sa sarili, ilang araw palang ba niya ‘tong kakilala? “I hate sunlight,” diretsong sagot nito na iniusog nang bahagya ang upuan nito at bahagyang iniharap sa kanya. Sa totoo lang marami siyang kaklaseng may gusto din dito. Pero bukod-tanging siya lang ang kinakausap nito. “Bakit masusunog ka ba?” Hindi niya napigil ang pagpapakawala nang mahinang pagtawa. “Nope, masakit lang sa mata.” Talagang nakihati pa ito sa libro niya at nang magsimula itong magsulat ay nataranta siya. Mabilis ang pagsasagot nito sa mga katanungan kaya naman nagmadali na siyang magsagot at baka makakuha siya ng mababang marka. Hindi niya mapigil sulyapan kung ano ang hitsura nang sulat nito namangha siya nang makitang mas maganda pa sa sulat niya iyon. “Pupunta ka ba Masquerade Ball?” mabilis na tanong ni Moonshine matapos niyang ipasa sa unahan ang seatwork niya na kinokolekta nang isang kaklase niya, dahil hindi na bumalik si Mr. Hernandez. “I don’t know anyone besides you.. And I don’t like noisy festivities “ Sagot naman ni Drifher sa kanya na hinintay pa siyang makasabay nito sa paglalakad na ikinatuwa  niya ng lihim. Nanghinayang siya na hindi ito pupunta. Nilakasan na nga niya ang loob para magtanong dito, negatibo pa agad ang natanggap niya kaya nahiya talaga siya sa kakapalan nang mukha niya. Bakit ba masyado siyang apektado sa hindi nito pag-attend? Gusto niya ‘tong madalas makita, sa katunayan nga hindi siya naglalagay nang kahit anong kolorete sa mukha at wala siyang pake sa maging ayos niya. Pero ngayon bago siya pumunta sa klase inayos niya pa ang sarili sa powder room nagsuklay at naglagay ng manipis na lipstick. “Bye, Moonshine,” paalam nito sa kanya nang pababa na sila ng hagdananan. Mas nauna na ito sa kanya sa pagbaba sa hagdanan na nagiging tumpukan nang mga estudyante kapag katatapos lang ng klase. Hindi maikakaila na talagang pinagtitinginan si Drifher, bagong mukha ito at nakakapagtaka para sa mga estudyante na hindi nila gaanong napapansin ang may ganoon kasimpatikong lalaki sa unibersidad nila. “D –Drifher!“ Tawag niya rito nang makababa ito. May lima pa siyang baitang bago makababa. Kipkip niya ang dalawang malaking libro at nakasukbit naman ang shoulder bag niyang kulay asul sa kaliwang balikat. Huminto naman ito at hinintay siyang makababa. Tila nakalimutan niya ang sasabihin. Humigpit ang kapit niya sa dalawang librong yakap-yakap kailangan niyang humugot nang tapang ng loob. Nang sa wakas ay nakatayo na siya sa harapan nito at doon niya napagtanto talaga na matangkad ito dahil kailangan pa niyang tumingala para hulihin ang mga mata nito. “Uhm, it’s still 20 minutes early, u-uhm would you like to join me for some coffee? “ Nilunok niya talaga lahat ng hiya niya para lamang makasama pa ito nang mas matagal. Bahagya itong nabigla sa hindi inaasahang pag-aaya mula sa kanya. Ngunit agad na nakabawi at nginitian siya. “ Sure, no problem,” sagot nito na talagang ipinagdiwang ng puso niya. Kung tatanggi na naman ito ay baka hindi na niya ito harapin sa susunod na araw sa sobrang kahihiyan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD