Chapter 1

2133 Words
CHAPTER 1   MAKALIPAS ANG LABING DALAWANG TAON   Kastilyo ng mga Draven Sa pagbabalik tanaw ni Drifher sa nakaraan, lalong umigting ang pagnanais niyang mahanap ang apo nang sumumpa sa kanilang pamilya. Marami na siyang inutusan na mga Bampira para hanapin ito at alam niya na hindi magtatagal ay maisasakatuparan niya ang planong makuha ito sa paraan na ninanais niya. Paiibigin niya ito, sasaktan at ang huli ay kikitlin ang buhay para tuluyan nang maputol ang sumpang umubos sakanilang magkakapatid. “Master, narito na si Pandora,” wika nang isang tagasunod niya na may katandaan na. Nakatayo siya malapit sa bintana ng kuwarto niya nang magsalita ito. Isa itong Vampire, wala itong kalahating tao ngunit hindi maituturing na Pureblood Vampire dahil tumatanda ang mga ito. Dalawa hanggang tatlong daangtaon lang ang itinatagal nang mga katulad ni Pandora. Matatawag lamang na Pureblood ang isang Bampira kung ito ay may kakayahang maging imortal at may kalakasang natatangi at nakahihigit sa iba. Tiningnan niya ang tagasunod at tumango. Tumungo ito bilang pamamaalam at lumabas na ng kuwarto ni Drifher. Wala pang isang minuto pumasok na nga si Pandora ang kababata niya. Ang ina nito ang siyang tumayong ina niya sa pagkamatay ng ama at nakatatandang kapatid. Wala silang ina iyon ang itinanim nilang magkakapatid sa kanilang mga isipan. Dahil iniwan sila nito nang walang pamaalam nang mamatay ang kanilang ama na kinontra ang sumpa ng mangkukulam na dating nobya nito, kaya naman imbis na mamatay agad sila naagapan pa nang hanggang dalawampu’t isang taon nila. Pulang-pula ang buhok ni Pandora at talagang kaakit-akit, matangkad, napakakinis maging ang kuputian nito ay nakadaragdag sa taglay nitong kagandahan. Ang karikitan niya ang ginagamit niya para makadagit ng mga lalaking mortal na magbibigay sa kanya ng pagkakataong sipsipin ang mga dugo nito nang walang pag aalinlangan. Hindi niya kailangan na manipulahin ang mga isip nito dahil sapat na ang kariktan niya para magkandarapa ang mga ito para lang ialay ang dugo sa kanya. Hinaplos ni Drifher ang makinis at mala sutlang mukha nito ng makalapit si Pandora sa kanya. Pinaglakbay ang isang daliri patungo sa labi nitong mapulang-mapula. Si Pandora na hindi magawang magpigil ay kinabig si Drifher sa batok at hinalikan. Isang mainit na halik ang pinagsaluhan nila, umaasa siya ng malaki na siya ang pipiliin nitong magiging Reyna. Noon pa man ay gustong gusto na niya si Drifher, ito lang ang tanging itinangi ng kanyang puso. Mainit ang pinagsaluhan nilang halik na nagbigay sa kanila ng mainit na pakiramdam n dumadaloy sa bawat himaymay ng kanilang mga ugat. Sisiguraduhin niyang hindi ito maghahanap nang ibang babae maliban sa kanya. Inihiga ni Drifher si Pandora sa kama nang matalupan nila ang isa’t isa. Tila sisilaban ang pakiramdam ni Pandora sa tuwing hahalik ang labi ni Drifher sa kanyang balat. Kahit marahas ang bawat pisil ng palad nito sa kanyang katawan, hindi niya mapigilan ang pag-ungol. Ilang beses na bang may nangyayari sa kanila? Wala silang relasyon pero siya lang ang babaeng malapit dito kaya nasisiguro niyang hindi siya umaasa sa wala. Kailangan niya lang itong pansamantalang unawain dahil  sa sitwasyon nito ngayon.                 Madalas tatlumpung minuto bago ang klase ay nasa eskuwelahan na si Moonshine Valdez. Pero ngayong araw, limang minuto na lang ay klase na niya kaya medyo nahiya siya nang mabungaran ang mga kaklase na nakatingin sa kanya. Iyon ang ayaw niya kaya nga siya pumapasok ng maaga. “Good morning,” mahinang usal niya.  “Hi Sunshine!” bungad agad ni Justin nang makarating siya sa upuan niya sa pinakahuli ng row 2. Isa si Justin sa mahilig magpalipad hangin sakanya noon pa mang unang pasok niya sa naturang eskuwelahan. Iyon nga lang bahag ang buntot nito para manligaw lalo pa’t may kasungitan siyang taglay. “Don’t call me Sunshine! I’m Moonshine, M-o-o-n Shine! Hmp!” Inirapan niya ‘to bago siya umupo. She really doesn’t want someone or anyone to call her Sunshine. Dahil lola niya ang nagpangalan sa kanya ng Moonshine, ang pinakamamahal niyang lola na iniwan na sila.  Sobra talaga ng isa ang silya sa klase nila kaya inookupa niya iyon dahil madalas madami ang gamit niya,isa pa ayaw talaga niya ng may kalapit. She has friends but its not on the same class but in different class. Most of her classmates, its either they talk about late night parties or they drink at Friday night. One thing she also doesn’t like in her class is most of her classmates doesn’t respect their teacher, sometimes they bully every teacher in charge in their class. Bigla nalang may nawawala siyang kaklase at babalik kapag matatapos na ang klase, o kaya naman yung iba after attendance mag CR daw pero hindi na babalik. Kumukuha siya ng kursong Education, second year irregular siya kaya naman ibang mga course ang kasama niya kapag Psychology ang asignatura niya. Galing siya sa ibang Unibersidad at lumipat lang sa mas malapit, nangangamba kasi ang magulang niya dahil nalalapit na ang ikalabing-walong taon niya. Mapamahiin talaga ang kanyang pamilya. Dumating ang Psychology Professor nila. Natahimik na ang buong klase. Kilalang-kilala  si Mr. Hernandez bilang isa sa mga magagaling na Professor at the same time isang mahigpit o mas madaling salita terror teacher. Sa klase nito hindi sila nag o-opening prayer, kung ano man ang dahilan hindi nila alam. Kaya marami tuloy usap-usapan na isa itong Atheista o yung mga taong walang paniniwala sa Diyos. Pero hindi naman talaga dapat husgahan ang isang tao dahil lamang hindi ito nagdarasal sa pasimula at pagtatapos ng klase nila. May ilang mga tao na nagsisimba ngunit sila pa itong gumagawa nang mga masasama sa kapwa nila. God created us with his own likeness and uniqueness kaya naman lahat tayo ay may pagkakaiba at ito ang nagpapakita na espesyal tayong lahat sa paningin niya. “Good morning class, “ bati nito at inilapag ang hawak na makapal na libro sa teacher’s desk. Madalas naman itong ngumiti katulad ngayon, huwag lang talaga na hindi ka makikinigat siguradong haharapin mo ang galit nito na iniiwasan ng lahat, kahit nga ang pinakapasaway na estudyante ay tiklop dito. “Good morning din po sir,” sagot nang karamihan. Halos lahat nakatitig dito, maraming ilag  dahil nga terror ito, gayunpaman iba si Moonshine. Gustong-gusto niya ang paraan ng pagtuturo nito kaya naging favorite niya din ang Psychology. “Before we start our class, I want you to meet your new classmate.” Nangiti si Moonshine, naalala niya na karamihan sa kuwentong nabasa niya ay may bagong classmate na darating at magiging love interest ng isa sa loob ng klase. Pero hindi naman niya iniisip na siya iyon. Natuwa lang talaga siya. “New classmate?” tanong ni ni Miranda sakanya na nasa katapat niyang row. “We’re already in the middle of the semester? How come?”dagdag pa nito, hindi kasi kapanipaniwala na tumatanggap pa ng new enrollee samantalang malapit na angmidterm exam nila. “Hapit ba ang school?” Tinanggal na ni Moonshine ang mga gamit niya sa kalapit na silya. Makakalapit niya kasi ito sigurado. Wala naman silang extra seat for their new classmate. Sinenyasan ni Mr. Hernandez ang bagong classmate nila na pumasok na. Napako ang atensyon ng lahat sa unahan para tingnan kung anong hitsura ng bago nilang kaklase. Nag-angat ng ulo si Moonshine ng mapansing nagtahimikan ang mga kaklase niya na kanina lamang ay busy sa pagbibigay ng komento sa kung anong hitsura ng bago nilang kaklase, kung babae ba ito sana maganda at kung lalaki naman daw sana Hot at guwapo.  Naramdaman ni Moonshine ang mabilis na pagtibok ng puso niya tila siya tumakbo nang kung ilang ulit. Titig na titig sa kanya ang lalaking nasa unahan. Nagkakamali ba siya na sa kanya nakasentro ang mga mata nito? Hindi niya magawang mag iwas nang tingin, tila ba kinakabisado ng mata niya ang guwapong mukha nito. Emerald green ang  kulay ng mata nito, matangkad na parang isang basketball player at hindi maikakailang maganda ang built ng katawan. Ano kayang lahi nito? Manipis rin ang mapulang labi nito at matangos ang ilong –papasa ito sa deskripsyon ng mga Greek God na nababasa niya sa mga deskripsyon sa nobela. Nobela na naman, Moonshine! Bakit ba? Mas nakakainlove ang mga lalaki sa kuwento kesa sa realidad. Pero… Pakiramdam ni Moonshine nagblangko ang kanyang pandinig. Nag-uusap ang mga kaklase niya pero wala siyang marinig na kahit ano maliban sa t***k ng puso niya. Nagsasalita ito pero hindi niya maunawaan, kinakabahan siya na parang may kung anong excitement. Mukhang nagpakilala na ito, sayang naman, hindi man lang niya napakinggang mabuti ang pangalan nito! Naglalakad na ito papalapit sak anya ng ituro siya ng professor nila. Maging ang tindig at paglalakad nito halatang nanggaling sa mataas na uri ng pamilya. Naupo ito sa tabi niya. Nginitian siya nito dahilan para mamula si Moonshine. Gusto niya sanang itanong ang pangalan nito pero dumiretso nalang siya nang upo. She never felt this feeling before. She’s getting excited knowing that she’s closer with this stranger. “I'm Drifher, “ Astounded by what the new classmate said, she just looked at him with a questioning face. “MoonShine a..ako” " nagkandabuhol pa ang dila niya sa pagpapakilala kay Drifher, nate-tense siya sa presensya nito. Nginitian na naman siya nito na nagpalitaw ng maganda at pantay-pantay na mga ngipin nito. Natatanaw na niya ang ugat nito sa kamay dahil sa kaputian at kanipisan ng balat. Teka bakit ba kasi tinitignan niya ang kamay nito? Ano naman kung hugis kandila ‘yon? Mahaba at tila maging kuko nito ay mas maganda pa sa kanya? Kamay pa lang ‘yon! “Nice to meet you Moonshine,” nakakamagneto ang tingin nito. Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ng kakaiba si Moonshine sa isang lalaki, ‘yung pakiramdam na may nag-awitang mga anghel sa pandinig niya. Nakakatuwang isipin na masyado siyang obvious sa pagpapakita ng paghanga dito lalo’t sinusulyapan niya ‘to na hindi pangkaraniwan niyang gawain lalo pa’t hindi niya hilig ang magpa-cute sa mga lalaki. Teka? Hindi naman siya nagpa-pacute kay Drifher! Ano na ba ‘tong mga naiisip niya –wala pa nga ‘tong limang minuto sa tabi niya ang dami nang tumakbo sa kanyang isipan. Naglalaro ang ngiti sa labi nito at sa buong oras ng klase nila hindi niya nagawang mag recite na dati naman siya ang pinaka-active basta sa subject na iyon. Marami din namang guwapo siyang nakilala pero madalas na hindi niya gusto ang mga ugali nito, mas madalas din na wala siyang pakialam. Kaya naman nagtataka siya kung bakit napapatigil ng lalaking kalapit niya ang oras na dapat sana ay nakikinig siya. Dahil dito nakakagat niya ang labi niya at pinagpapawisan siya na parang highschool na kinikilig dahil kalapit ang crush, naroong hawiin niya ang buhok at suklayin ng kamay dahil baka frizzy na at maturn-off ito sa kanya.           “NEW CLASSMATE? Isn’t it already mid-sem?”takang tanong ni Jelly kay Moonshine.Ikinuwento niya kasi dito ang tungkol sa new classmate nila. Bestfriend niya si Jelly kahit noong highschool pa siya, kaya naman hindi siya nahirapang magdesisyon ng palipatin siya nang mga magulang sa Unibersidad na ‘yon. Hindi sila magkaklase dahil regular second year college ‘to at tourism ang course. “Yeah, but he only attends one class,” She said while flipping the pages of her book. Nagbabasa-basa sila ni Jelly sa library at magkatapat. Advance study para sa ibang mga subject nila. “Doesn’t your Pyschology class offers 3 schedules? One morning, one at noon and afternoon?” si Jelly na panay ang tingin sa salamin na kulay pink at kahugis ni hello kitty. Madalas naman sinasamahan lang siya nito sa library, mahilig kasi itong manalamin maya’tmaya kahit wala naman nagiging dumi sa mukha. “Siguro nagtatrabaho,” sagot ni Moonshine. Isinara na niya ang libro dahil hindi siya makapagconcentrate. Naalala niya ba naman ang mukha ni Drifher sa bawat pahina. Nag part-time job kaya ito? Mukha namang mayaman si Drifher at hindi na iyon kakailanganin. “Weird naman, siguro nga,“ Ibinaba ni Jelly ang hello kitty na salamin sa ibabaw ng bukas na librong hindi rin naman nito binabasa. Pinakatitigan pa nito si Moonshine na tila binabasa  ang reaksyon ng kaybigan.  “So anong hitsura?” Nangingiti si Jelly, for the first time someone caught her bestfriend's attention. “Guwapo..Guwapo,” si Moonshine sabay buntong hininga, nangiti siya dahil dalawang beses niyang sinabi na Guwapo ang misteryosong kaklase niya. Wala namang duda, ang nakakapagduda ay nasabi niya iyon nang hindi iniisip at unang beses lang niyang pumuri sa lalaki na kaharap ang kaybigan. “Full name?“ si Jelly na tumaas ang isang kilay, nawiwirduhan siya sa biglang pagngiti ni Moonshine na tutok ang mata sa libro, tila ba lumilipad ang isip nito. “Drifher.. Drifher Draven,” sagot ni Moonshine. “Ha! Now I know why You’re kinda like that. Sort of absent-minded,” pang-aasar ni Jelly kay Moonshine,natutuwa siyang tignan ang pamumula ng kaybigan, mukhang may pag-asa ng magka-boyfriend ang bestfriend niya na tila ba maraming negatibong bagay lahat ng lalaking nasa paligid nito. Ilang beses niya na ba itong ipinakilala sa mga lalaki pero wala man lang itong natipuhan? Hindi na talaga niya mabilang. “ Jelly, lets just read ,” Moonshine said while flipping again through the pages of her book, but it seems like her mind cant get enough of Drifher. And she imagines herself with him.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD