Chapter 4
Sa isang Coffee shop dinala ni Moonshine si Drifher. Madalas pag tinginan sila ng mga tao na akala mo mga artista sila na gumagawa nang isang pelikula. Ano pa ba ang nakapagtataka? Hindi pangkaraniwang hitsura ang tinataglay ni Drifher, isama pa ang pares nang mata nitong talagang agaw atensyon.
Bakit nga ba kasi niya ito sinama ‘di ba? Parang siya pa ang humingi nang date sa isang lalaking natitipuhan niya. Hindi naman siya mausap na babae kaya parang gusto niyang pagsisihan ang pag-iimbita dito. Baka naman ma-bored itong kasama siya.
Dumating ang inorder nilang brewed coffee at carrot cake. Titig na titig ito sa kanya. Nakakaramdam tuloy siya nang hiya, baka kasi kung ano na ang iniisip nito tungkol sa kanya. Pero bahala na nangyari na baka mas pagsisihan pa niya na hindi niya ‘to naimbita ngayon.
“Sorry, kung inaya pa kitang sumama sa ‘kin," aniya na tinutusok tusok ang carrotcake hindi niya magawang sumubo dahil nahihiya siyang ibuka ang bibig. Sinulyapan niya ‘to dahil iniangat nito ang tasa ng kape at nagtama ang mata nila na agad niyang ikinatungo. Bakit ba ang hilig nitong tumitig nang matiim na parang laging may iniisip itong kakaiba?
“Huwag mong alalahin, maaga pa naman at gusto kitang makasama.” Sagot ni Drifher na wala atang alam ibang gawin kundi ngumiti at makipagtitigan. Sa sinabi nito na gusto siyang makasama hindi niya napigil salubungin ang mga mata nito. Hindi siya mapalagay sa presensiya nito pero gusto niyang malapit siya rito, weird.
Pinatong ni Drifher ang mga kamay at pinagsalikop ang mga ito sa mesa matapos ibaba sa mesa ang napangalahating kape. “Anong oras ba yung sinasabi mong mascarade?”
“ Nine..” halos pabulong na nga lang nang mamutawi iyon sa labi niya piping dalangin niya na sana pumunta naito, para naman makita niya ito nang mas matagal kompara sa isang oras at kalahati na tatlong beses lamang sa isang linggo.
“I’ll go. And I have to go now, the sun is shining so bright, it hurts my eyes.” Nag-iwan pa ito nang ngiti at sobra-sobrang bayad para sa inorder nila bago tuluyang lumabas nang naturang coffee shop.
“Hihintayin kita..”
Bakit ba kasi nauumid ang dila niya tuwing kausap ito?
Bakit ba tila hindi niya kayang makipag titigan dito?
Ano bang pumasok na hangin sa isipan niya at nagawa nya itong ayain? Bumuntong hininga nalang siya, at ngayon na wala na ito sa harap niya saka niya nararamdaman ang kahihiyan, siya ng babae siya pa talaga ang nag-aya dito!
Nanatili pa siya nang ilang saglit sa coffee shop bago siya lumabas.Nakasalubong niya ang kaybigan niyang si Jelly sa labas ng gate ng eskuwelahan.
“Kanina pa kita hinahanap!” Likas talagang matutina ang boses nito kaya parang laging ipit na ipit at kapag tumili talagang masakit sa pandinig.
“Sorry na, maaga kasi kaming pinalabas.” Tuwang hinawakan niya ‘to sa braso. Kinikilig talaga siya, atleast pinapansin siya nang lalaking unang natipuhan niya.
“I’ve been looking for you on the library but you aren’t even there!” Wala talaga ‘tong planong paligtasin siya agad. Mataas ang kinalalagyan nang library nila –fourth floor at nasa kadulu-duluhan pa.
“Ililibre na lang kita ng lunch, okay?” Kung pangkaraniwang araw hindi niya ‘to ililibre, matipid talaga siyang tao pero dahil kinikilig siya at talagang parang kinikiliti ang puso niya dahil kay Drifher pati ang pitaka niya nagiging maluwag na.
So iyon pala ang epekto nang love na ‘yan? Teka, Love agad?!
“Ikaw manlilibre?” tumaas ang kilay ng kaybigan.
“Kung ayaw mo edi ‘wag, nagbago na isip ko!” pinigil niyang mangiti dahil baka nagmumukha na siyang luka-luka.
“Nako! minsan nangalang mag himala ang langit. Hay napagod man ako may maganda namang kinalabasan.”
“Hep! hep! Binawi ko di ba?”
Super duper excited na siya para sa mascarade ball. Kailangan nalang niyang isipin kung paano niya mapapapayag ang inang si Alena na dumalo siya. Nag-aalala ito para sa kaligtasan niya kaya naman mahihirapan siyang kumbinsihin ito. Noon nga hindi siya dumalo sa JS Prom nila. Hindi naman niya pinagsisisihan ‘yon dahil hindi talaga siya mahilig sa sayawan at lalo na ang maingay, mas gugustuhin pa niyang matulog na lamang. Ngayon lang siya nakaramdam nang excitement para sa isang party at siyempre dahil sa isang lalaki.
She doesn’t believe in love at first sight. Since for her, isang malaking kalokohan lang iyon. But now she met Drifher, mas lalong lumalalim ang damdamin niya para sa lalaki. Aside from his name, she doesn’t know everything, she wants to tell herself that its only love at first sight feeling. Gustong-gusto niya ito makita and if ever lang na i-skip and martes, huwebes, sabado at linggo kung saan hindi niya ito makikita ay ginawa na niya.
Hay, Drifher Draven, ano bang ginawa mo sa akin? Bakit ba kasi para kang karakter sa nobela na perfect masyado! Para kang isang tunay na panaginip!
PINIHIT NI Drifher ang seradura ng pintuan kung saan ang dating kuwarto ng nasirang ama. Mula nang mamatay ang ama, nawala narin ang kanilang ina na dati ay isang royal blood Vampire. Ang mga royal blood ang sumusunod sa kanilang mga pureblood. Gayunpaman hindi sakop halos nang pamamahala nila ang mga ito dahil sa mundo nang mga mortal nakikisalamuha ang mga ito at nagpapapalit-palit nang pangalan at lugar kung kinakailangan.
Isinarado niya ang pinto nang makapasok sa loob niyon, naroon ang isang malaking salamin. Nagtataka pa rin siya kung bakit may salamin do’n, wala naman silang repleksiyon naisipan lang kaya ng ama niya?
Madaling makuha ang loob ng babaeng si Moonshine, tila walang kahirap-hirap niya itong makukuha. Hindi totoong takot siya sa araw, hindi rin sya takot sa anumang matutulis na bagay. Kung sasaksakin naman ang puso nila nang matulis na bagay katulad nang sibat, itak o anupaman p’wede talaga silang mamatay.
Isa lamang ang hindi nila kayang pasukin ang simbahan o anumang sagradong lugar. Ang kawalan ng repleksiyon ay pagpapakita raw na wala silang mabuting kaluluwa. Pero kaya nilang linlangin ang mata ng isang normal na tao. Kaya nilang lumikha nang repleksiyon at anino na hindi kaya ng ibang mababang uri nang bampira. Sa pagsapit nang ikalabing-walong taong gulang ni Moonshine papatayin niya ‘to para matapos na ang sumpa at makuha ang inaasahang buhay na walang hanggan.
Hindi niya maaaring patayin si Moonshine sa edad nito ngayon. Ayon sa kanilang ama, labing-walong taong gulang. At kung mas mapapaaga ang pagligpit niya dito, mawawalan iyon nang saysay, dahil walang magiging epekto at hindi niyon tatapusin ang sumpang iniatang sakanila.
Mula sa kuwarto nang ama, naglaho siya na parang bula. Wala siyang gustong baguhin sa kuwarto, kahit pa ang salamin na wala namang silbi sa kanila. Pag-aari iyon nang kanilang ama kaya iniingatan at pinahahalagahan nila ang bawat naiwan nito.