Chapter 5
“Moonshine, Alam mo namang mapanganib sa ‘yo ang dilim hindi ba?” May galit sa tono ni Alena kahit hindi naman iyon kalakasan. Sinabi ni Moonshine dito ang tungkol sa sayawan na magaganap, umaasa siya nag malaki kaya naman naiiyak siya dahil sa mga paliwanag ng magulang. Isang beses lang naman, bakit hindi pa siya mapagbigyan.
“Ma, please dala ko naman yung ibinigay mo,” pagmamakaawa niya rito. Dala naman niya ang ibinigay nitong rosaryo na mabisa ngang pangontra ayon narin mismo sa ina.
Naroon sila sa kuwarto niya nang pumasok ito para ibigay ang baon niya sa araw na ‘yon. Nakatayo ito sa harapan niya at tila galit na galit dahil talagang pinupunto siya nang mga muwestra ng kamay nito.
“Hindi, wag mo na kaming suwayin tigilan mo ‘ko!” duro nito sa kanya,kasama ang panlalaki nang mga mata. Umiiyak siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. Nakakaramdam siya nang inis, isang araw lang naman. Hindi naman niya sinuway ang mga ito kahit minsan, ngayon lang naman siya humingi nang pabor.
Paanong hindi siya iiyak? Sinabi na niya iyon kay Driefher at malaki ang posibilidad na pupunta ito, pagkatapos siya naman pala ang hindi makakapunta?
Iniwan siya nang ina na mukhang isusumbong pa siya sa papa niya. Sinamantala niya iyon para i-lock ang pinto. Naupo siya sa likod nang pintuan at doon hinayaan niyang tumulo ang luha niya dahil sa sama ng loob.
Hindi naman matiis ni Alena ang anak kaya bumalik siya para muling kausapin si Moonshine. Pero nakalovk na ang kuwarto nito.
Bihiralang itong magpaalam at kung tutuusin ngayon lang nito ginustong pumunta sa isang party sa eskuwelahan dahil hindi naman ito mahilig sa mga ganoon, ang hilig nito ay magbasa, magkulong sa kuwarto at pagkatitigan ang pang gabing kalangitan na nadedekorasyonan nang makikinang na mga bituin at ang buwan na siyang tanglaw sa kadiliman ng gabi.
“Moon, alam mo naman na makakasama sa ‘yo. Iniinagatan ka lang namin ng papa mo ‘di ba alam mo naman iyon anak? Alam mo din iyong dahilan,” paliwanag ni Alena, kahit nakakaramdam nang awa sa anak, hindi pa rin nito mapayagan dahil nag-aalala naman siya talaga dito kung wala naman banta sa buhay nito magiging maluwag sila dahil alam nila na hindi ito katulad nang ibang kabataan na magagaslaw. Pinalaki nila ito sa pangaral at pananampalataya.
“Paano kung hindi na maulit yung araw na ‘yon? Alam ko naman na gusto n ‘yo lang ako mapabuti. Pero gusto kong makasama sa araw na ‘yon yung taong gusto ko. Maaring hindi na maulit kasi nga kailangan konag magpakasal! Gagawin ko naman yung gusto ninyoo,” humihikbing sagot ni Moonshine habang pinapahid ang luha sa mga mata niya. "Isang beses lang naman, iingatan ko naman yung sarili ko …”
Naramdaman na lamang ng Ina ang pagtapik nang asawa niya sa balikat. Para bang sinasabi nito na heto na ang bahalang makipag-usap sa anak.
“Anak, papayagan ka namin basta huwag kang mag papagabi nang husto, mag aalala kami ng sobra sa ‘yo.” Napipilitan man pumayag na ito dahil alam niyang bata pa rin naman ang anak nila at gugustuhin din nitong magsaya tulad ng isang pangkaraniwang kabataan. Iba na ang panahon noon at ngayon. Kung noon kapag labing walong taong gulang kana p’wede ka na talagang mag-asawa. Pero ngayon parang batang-bata pa ang edad na ‘yon para lumagay sa tahimik. Biglang umingit ang pintuan at bumukas iyon, niyakap ni Moonshine ang ama, kanina pinagbabalakan na niyang takasan na lamang ang mga ito sa araw na iyon. Salamat naman at hindi na siya makakagawa nang kasalanan.
**
SINIPAT-SIPAT ni Moonshine ang kanyang hitsura sa malaking pabilog na antigong salamin. Natural na maalon ang kulay tsokolate niyang buhok na binagay sa pares ng mga mata niya na matingkad ang pagiging kulay tsokolate na binagayan pa nang matangos na ilong at maninipis na labi gayon din ng malalantik na pilik-mata, makurba ang katawan niya at may katamtamang laki nang dibdib. Isa siya sa pinakamaganda sa eskuwelahan nila may pagkamataray lang talaga siya kaya hindi siya gaanong ligawin. Pero sa totoo lang ay mahiyain siya talaga.
Cocktail dress ang suot niya. Sa totoo lang sa lola pa niya ‘yon, gusto nga siyang ibili nang bago ng ina pero tumanggi siya. Napakaganda kasi ng tela niyon kaya itinago niya nang mamatay ang lola niya. Inayos lang niya para bumagay sa panahon ngayon. Puting-puti iyon na at napapalamutian nang mga maliliit na perlas. Kung titignan nang malapitan para iyong tube dress pero may nakasuporta talaga na transparent na pa spaghetti strap.
Naramdaman niyang isinuot nang ina ang isang kuwintas sa kanya. Kitang-kita niya ang silver cruxifixion na pendant niyon sa repleksiyon niya sa salamin. Hinawakan niya iyon bago hinarap ang ina. Hindi sinundan nang kanyang ina ang pagiging mangkukulam nang lola niya dahil nga pinalaki ito nang lola niya na may takot sa Diyos na isinalin ng mga ito sa kanya.
“Take care of yourself okay?” Nginitian siya nito na nakapagpagaan nang loob niya. Bago man lang siya ikasal, alam niya na minsan sa buhay niya mas inisip nang mga magulang niya ang kaligayahan niya kahit mahirap para sa mga ito ang desisyon na binitiwan. Gusto niya talagang makita si Drifher at makausap ito nang mas matagal. Siguro nga gusto niya talaga ito, napapaniwala na nga siya nang damdamin niya na itinatangi na niya ito.
Hinatid siya nang kanyang ama gamit ang may kalumaang sasakyan nito pero dahil nga maingat itong gumamit ay di mo mahahalata na matagal na ang sasakyan.
Kinakabahan talaga siya. Umaasa siya na totoo ang sinabi nito, ito lang naman kasi talaga ang ipupunta niya sa party.
May nagugustuhan ka na? “ biglang tanong ng papa niya na bahagyang ikinakislot niya mula sa pag-iisip kay Drifher.
“Po? Magagalit po ba kayo?” Diretsong tanong niya sa ama. Sa pagkakaalam niya may napipiga na ang mga itong maging asawa niya.
“Nandito na tayo anak,“ ang papa niya na nanatili naman nakangiti. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon pero mas nanaig ang mabilis na pagtibok nang puso niya, lalo na nang bumaba ang papa niya para ipagbukas siya ng pintuan sa backseat.
PAGKAPASOK niya sa loob nang naturang pag gaganapan nang pagtitipon sa loob nang eskuwelahan sa mismong ground maraming mga matang nakatingin sa kanya. Iisa lang naman ang lalaking hinahanap ng mga mata niya. Hindi nga niya gaanong pinagtutuunan ang magandang pagkakaayos nang buong lugar, maliban sa nangingibabaw na kulay na gustong-gusto niya dahil may hawig iyon sa mga mata ni Drifher.
“Goodness! You’re so pretty,” ang lawak nang ngiti ni Jelly nang lapitan niya ‘to sa table sa bandang duluhan. Nagbeso-beso sila at wala pa rin siyang tigil sa pasimpleng pag oobserba sa paligid dahil baka naroon na si Drifher.
“Tumigil ka nga nakakahiya ka Jelly!”saway niya rito. Pinagtitinginan sila nang mga tao at totoo naman na talagang maraming humahanga sa kanya. Pero kahit siguro may mag-aya sa kanyang sumayaw, hindi niya pagbibigyan dahil isa lang naman ang gusto niyang makasayaw sa gabing iyon.
Nasaan na nga kaya si Drifher Draven?
“OMG! I really thought you wont attend! Uh, wait lemme get you a date…Its unnerving to see a beautiful lady like you without a date!”
“ Jelly, no I do –“ wala siyang nagawa dahil hindi na ito maawat at namimili pa talaga sa mga lalaki sa paligid. Natatawa na naiinis siya, kung p’wede lang na iumpog niya ‘to sa pader para matigil.
“Jelly!” May babala sa boses niya.
Nahiya na siya nang hilahin nito palapit sakanya si Dexter. Tss, ang kulit na babae.
“You guys know each other, right?“ si Jelly na nasa gitna pa talaga nila.
“You look very very beautiful today.“ Dexter said while looking at her intently, kung hindi siguro siya nakaharap dito buong katawan niya ay papasadahan nito nang tingin.
“Tss. Just now? Wow ha! Grabe ka naman makainsulto!” sinubukan niya ‘tong tarayan para naman kusa na itong lumayo. Hindi niya gustong makita siya ni Drifher na may ibang kasama. Sikat na varsity player si Dexter, minsan nadin siya nitong tinetext-text pero hindi niya ‘to pinapansin. Lakas nang loob manligaw sa text samantalang nasa iisang eskuwelahan lang naman sila.
“Hindi naman –“
“So dapat matuwa ako na may iba pa ‘yong meaning?“ bakit ba nag-iinit ang ulo niya. Pero imbis na maasar ‘to sa kanya lalo pa itong nangiti. Kailangan maitaboy niya na ‘to bago pa makita ni Drifher. Sandali lang, ano naman kung makita ni Drifher? May pakialam ba naman? Napakaraming magagandang babae, kung tutuusin ang simple pa nga nang suot niya at marami pang mas magaganda at kurbang-kurba ang mga katawan sa mga kasuotang pinangrarampa ngayong gabi.
Inaya siya ni Dexter sumayaw pero tumanggi siya. Wala pa talaga itong balak iwanan siya at mukhang gusto siyang ayain kahit sapilitan lalo pa at nag-iisa lang, dahil ang magaling niyang kaybigan hayun at nakikipagsayaw na sa mga lalaking nasa dance floor sa kahit anong ritmo nang musika. Nagpapasalamat nalang siya na may babaeng pakendeng-kendeng na tila may balak bumunggo nang mga paharang-harang ang yumaya kay Dexter na hindi nito natanggihan. Lalaki nga naman!
“Babalik ako,” Kininditan pa siya nito.
“Kahit ‘wag na.”
Ano kaya kung umuwi nalang siya?
Huli na nga siyang dumating at saglit lang ang ibinigay sa kanyang oras wala naman ang inaasahan niya.
Bigla para siyang nawalan ng gana.
“Aba, bakit naman pinakawalan mo pa? si Jelly na dali-daling nilapitan siya, kanina pa ito patingin-tingin sa gawi niya kahit papalit-palit ito nang kasayaw.
“Jelly! tumigil ka naiinis na ‘ko,” naupo na lang siya sa silya at planong magbutas nang bangko hanggang sunduin siya ng papa niya. May plano ba kasi ‘tong pumunta o wala? May responsibilidad ba ‘to sa kanya? Ilang beses siyang tumangging makipagsayaw. Kung sumayaw na kaya siya? Mas masisira ang araw niya kung talagang nawalan lang nang saysay ang pagpunta niya.
“Wala ka bang balak sumayaw?” Si Justin na isa pa sa malakas ang loob na lapitan ang nakasimangot niyang mukha. “Tara, isasayaw kita.” Ngiting-ngiti ito, sasangayon na nga sana siya nang makitang papasok na sa malaking gate ang hinihintay niya. Si Drifher, simpatikong-simpatiko ito at bagay na bagay dito ang jet-black formal attire nito.
Doon tila tumigil ang musika sa pandinig ni Moonshine, tila mas malakas pa ang pintig nang puso niya sa pandinig. Nakatitig din ito sa kanya at halos mapatalon ang puso niya nang ngitian siya nito. Hindi nga ito gaanong kilala dahil napakaaga nang klase nito at iisa lang. Pero halatang hindi lang siya ang tumigil sa pagdating nito, maraming mga kababaihan ang napatunganga rito. Hindi naman kasi pangkaraniwan ang ganoong hitsura, para siyang anak ni Zeus na bumaba sa lupa.
Umaasa siya na lalapitan siya nito. Mukha naman hindi siya nagkamali dahil ilang hakbang na lang ay nasa harapan na niya ito. May mga lumapit dito pero nakangiti naman ito at tila may sinabi sa mga babae na mukha namang di na-offend dahil nakangiti pa.
“Sorry, I’m late,” nakapagkit agad ang ngiti sa labi nito
Nagpapalit-palit ang tingin sakanila ni Justin, siguro naisip nito na may namamagitan sa kanila kaya napapailing nalang itong umalis. Halata naman kasi kay Moonshine na ito ang hinihintay lalo pa’t at hindi niya napigil ang ngiti at pagkislap nang kasiyahan sa mata.
“Siya pala ang hinihintay mo kaya hindi ka nakikipagsayaw,” tudyo ni Dexter sakanya na balak na naman siguro siyang ayain. Sinamaan niya ‘to nang tingin kaya tatawa-tawang umalis. Nahiya siya dahil narinig ni Drifher ang sinabi nito.
“Natagalan kaba sa ‘kin? “ Hinawakan nito nang marahan ang ilang hiblang buhok niya at isinipit sa likuran nang tenga niya dahil humaharang iyon sa mukha niya. Nagsimula na naman magwala ang puso niya, lalo na nang magsimulang humaplos ang kamay nito sa mukha niya hanggang sa baba niya na pinisil nito.
“Hinintay kita, akala ko hindi ka na darating.” Pinaglalabanan niya ang hiya, ayaw nga niya sanang aminin. Pero wala na talaga siyang magawa.
Sa paligid nila ay may mga matang nagtatanong at nagtataka sa misteryosong lalaki. Pinag-uusapan ito lalo na nang mga kababaihan. Pero silang dalawa, parang walang ibang tao sa paligid nila. Kahit ang kaybigan niyang si Jelly ay nabigla. Isa lang ang sigurado niya ito ang lalaking transfer student na isa lang ang kinukuhang subject at marahil ito siguro ang hinihintay ng bestfriend niya kaya nagmumukmok. Ibang-iba ang tuwa ni Moonshine kahit tipid ang ngiti nito nakaukit naman sa labi nito ang hindi masukat na kaligayahan.