Chapter 15 NAMAMANHID ang katawan ni Moonshine ng dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Pakiramdam niya namamanhid ang balat sa sobrang lamig na nanunuot sa buong katawan niya. Nayakap niya ang sarili sa takot ng maobserbahan ang lugar na puno ng yelo at tila nasa tuktok siya ng isang bundok at wala siyang makita maliban sa mga yebeng nagbabagsakan na may kasamang malakas na hangin. Anong lugar to? Pinilit n’yang makatayo. Lumulubog ang paa niya kaya hindi siya makatayo ng maayos. Ipinikit niya ng mariin ang mata at inalala ang naganap kanina, bakit at paano siya napunta sa lugar na ‘yon? Tila iyon isang lugar sa ibang bansa na walang katao-tao katulad ng nakikita niya na puro bundok at malalaking puno na balot na balot na din ng mga yelo. “Nilalamig ka ba?” Boses ni Trixie