Chapter 14 Pumasok si Moonshine nang mas maaga para hindi makita ang mga magulang. Oo nagtatampo siya. Alam naman niya na gusto ng mga ito na mapabuti lang siya kaya naiintindihan niya ang mga ito. Nagtuloy siya sa library dahil maaga pa naman para sa unang klase niya. Naupo siya malapit sa bintana ng makuha ang isang novel na isinulat ni John Steinbeck ang The pearl. May grupo ng mga freshmen siyang nakahanay sa mahabang mesa at kapwa mga babae na may pinag-uusapan na talagang nakaagaw ng atensyon niya. Nagkuwari siyang nagbabasa kahit wala na doon ang atensyon niya. “Nakakatakot na talaga parang ayoko na ngang lumabas ng bahay,” nasa boses nito ang pagka-takot na tila ba nasa isang horror movie sila at ganoon na ganoon ang mga eksena. “Angela, anong nangyari?” isang babae