CHAPTER 16 Sa pagmulat ni Moonshine ng mga mata, mukha agad ni Drifher ang nasilayang nakatunghay sa kanya. Nakahiga siya sa mga hita nito at nasa lilim sila ng isang malaking puno na nagiging harang ang mga sanga at dahon nito sa mainit na sikat ng araw. Naramdaman niyang hinawakan nito ang pisngi niya na nangingirot kaya napangiwi siya. Dumaloy ang alaala ng naganap sa kanya sa kamay ni Trixie na nagpanggap na guro. Hinawakan niya ang kamay nitong humahaplos sa pisngi niya at nagtaas siya ng tingin dito para salubungin ang mga mata nito. Wala siyang ideya sa nangyari, ang alam niya lang ay ang huling nakitang pag-aaway ni Trixie at ng isang lalaki maging ang mga pinagsasabi nitong hindi nya rin maintindihan hanggang sa tuluyan siyang mawalan ng malay. At ngayon ngang magi