Chapter 13 Palakad-lakad sa kanyang silid si Moonshine. Hindi siya makatulog. Hanggang ngayon hindi siya mapakali sa sinabi ni John sa kanya. Pakiramdam n’ya si Drifher ang tinutukoy nito.“Drifheeer!” Gigil na banggit nya sa pangalan nito sa sobrang panggugulo nito sa kanyang isipan. “Hanggang kailan mo ba balak umikot diyan?” Nagulat si Moonshine ng marinig ang pamilyar na boses. Nang lingunin niya ito mula sa pinanggalingan ng boses nito, nakita niyang nakaupo ito sa barandilya ng bintana niya at hindi siya nagkakamali na nakasilay ang ngiti nito na dagli nitong tinanggal. “Drifher?” Sinisiguro niya kung totoo ba ito o ilusyon lang niya. Nawala itong bigla sa bintana, naalala niya ang matalim na bagay na pang-depensa niya na ibinigay ni John. “Pinaglalaruan mo na naman