CHAPTER 7 “KAUNTI na lamang ang nalalabi mong oras, bakit parang ipinapakita mo pa kung sino ka? Bakit parang hinahayaan mo pa ang sarili mo na malagay sa alanganin?” Nagpipigil nang galit si Pandora, nang pasukin nito ng walang sabi sabi ang kuwarto ni Drifher. “Umalis ka Pandora. Hindi ka puwedeng pumasok nang hindi ko sinasabi.” Walang emosyon ang pagkakasabi niyon ni Drifher. Nakatayo lamang ito malapit sa bintana at tinatanaw ang buong sakop nilang lugar. Isang hiwalay na mundo nilang mga Bampira sa mundo ng mga tao. Isang komunidad kung saan payapa sila at gaanong nakikisalamuha sa mga tao na maaari nilang masaktan. Kahit paano ang mga ito ang nagbibigay lakas sa kanila. “May gusto ka na ba sa kanya?“ may iritasyon sa boses ni Pandora. Nilingon na ito ni Drifher, kan