Chapter 17 Matapos ang Hapunan umakyat na agad siya. Kung noon magpe-presinta siyang mag-urong ngayon hindi na muna. Nangangati na ang kamay niyang alamin ang laman ng baul na nasa kuwarto na niya. Inilock niya ang pintuan at agad kinuha sa ilalim ng kama ang baul. Sumalampak na lamang siya sa sahig dahil mabigat kung iaangat ito hindi nga niya alam paano niya ‘to naiangat at naitakbo palabas ng kuwarto ng lola niya. Pero sabi nga kapag daw nabibigla ang tao hindi nito namamalayan na nagagawa nitong magbuhat ng mabigat na bagay ng biglaan. Binukas niya iyon ng may kaba. Isang k’wintas na may emerald stone. “Emerald?”Ganitong-ganito ang kulay ng mata ni Driefer. Hindi niya napigil mangiti. Isang panulat pa na gawa sa balahibo ng manok at isang mahabang papel na may mga nakasulat na l