Chapter 18 “BITIWAN MO ‘KO!” Pinagsusuntok ni Moonshine ang dibdib ni John na buhat-buhat siya. Pagdilat ng mga mata niya ito agad ang sumalubong sa kanya. Natatakot na siya ngayon sa mga ngiti at ngisi nito. Hindi ito ang John na nakilala niya. Ganoong kaba ang naramdaman niya ng muntik na siyang patayin ni Mr. Hernandez! Hindi sya nito pinapansin malaki ang katawan nito kaya tila hindi ito nasasaktan. Hindi siya nito kinikibo, wala siyang magawa dahil tila bakal ang katawan nito na hindi man lang natitinag sa pagwawala niya. May narinig siyang kasabay nagwawala na tila ba pilit itong kumakawala sa kinasasadlakan nitong piitan. Napahinto siya sa pagpipilit na ibaba ni John. “Ano ‘yon?!” Gimbal na tanong niya kay John nang maipasok siya nito sa isang kuwarto at ibaba