15. Last Chapter

2295 Words
GAVIN HINDI ako makapaniwala, namumutla ang mukha ni Amanda, habang nakahiga ito sa hospital bed. I promise not ever forgive myself kapag may nangyaring masama kay Amanda. I pick up my phone and dial Mia's number but she is not pick up, ipapaalam ko sana rito na may nangyari sa kakambal nito, pero bakit hindi ko siya makontak. Mahina akong napamura dahil naiinis na ako dahil hindi man lang ito sumasagot. Kaya iba na lang ang tinawagan ko, si Gabriel siya ang pinaki-usapan ko rito na puntahan si Mia at si James para ipaalam dito ang nangyari. Kinausap ko si Tito Jacob at ipinaliwanag nito sa akin ang mga nangyari, kaya napamura ako, tinanong ko kung nakita nila ang bumaril kay Amanda pero hindi raw at ginamitan raw si Amanda ng sniper rifle dahil sa nakitang pulang ilaw nito kaya nga napatigil daw ito sa pakikipag-usap sa akin. Kaya napakuyom lalo ang kamao ko dahil sa galit. Oras na mahanap ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito ay pagsisihan nitong kinanti nito si Amanda. AMANDA I CAN'T imagine I'm in the hospital, what is happening to me? nasa bahay lang ako kanina, habang kausap ni Dad si Gavin sa telepono. I try to remember everything that happened but my head is hurt, pero mayamaya lamang ay luminaw na sa isipan ko ang nangyari kaya napasigaw ako. “N-no, no, no my baby!” sumisigaw na sabi ko habang tumatakbo papunta sakin si dad. “Dear what happens to you, are you alright?” tanong nito sa akin kaya napalingon ako. “Dad kumusta ang baby ko dad?” naiiyak na sabi ko, pero nanahimik ito sandali habang tumutulo ang mga luha, ni minsan ay hindi ito umiyak sa harapan ko noon bakit ngayon, umiiyak ito. “Dad please speak up and don't cry?” Sabi ko. “Lia, n-nabaril ka at tumagos ang bala sa tiyan mo,” Tumulo ang luha sa mata ko ng makita ko ang benda sa tiyan ko, hindi ako makapaniwala. “So I lost my baby?” nanginginig kong tanong. My dad only could watch me crying. He was short of words, he moved closer to me at napabuntong hininga. “Okay lang anak ang ipinagbubuntis mo, ligtas siya.” nakangiti ng sabi nito kaya napahinga ako ng maluwag. “Kaya you need to rest now and your baby too,” napatango naman ako sa mga sinabi nito Alam kong matutuwa si James dahil magkakaroon na siya ng kapatid, I felt sharp touch as my Dad tap me on my back. “Pero anak, may bad news ako sa iyo, pumunta dito si Gavin pero umalis din siya agad at ilang oras lang ng makaalis siya ay nabalitaan namin na naaksidente siya,” “No dad, 'wag kang magbiro ng ganyan!” Sabi ko habang pilit na tumatayo ngunit biglang nanlabo ang mata ko, naninigas at naninikip ang paghinga ko, habang napahawak ako sa ulo ko. “Doctor please help my daughter,” narinig kung tarantang tawag ni dad sa entercom. Ngunit parang malayo ang boses nito. “Ano nangyayari sa'yo anak?” sabi ni dad ng bumaling ang tingin nito sa akin ngunit hindi na ako nakasagot at nawalan ulit ako ng malay. MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO SA PILIPINAS DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata, ang araw ay direktang sumisikat sa aking mga mata. Nang luminaw na ang mata ko ay nakita ko ang mga luhaang mga matang nakatingin sa akin. “A-anong nangyayari? Nasaan ako?” “Lia, buti at gising ka na isang linggo kang walang malay anak.” Sabi ni Dad at nilapitan ako. Tumingin ako sa paligid nakita kong nasa isang hospital ako, nagsimulang sumakit ang ulo ko nang maalala ko ang lahat ng nangyari sa akin, ang aksidente ng naming kambal at kung paano ko nakilala sina Gavin at James, pati na ang malaman kung buntis ako kay Gavin. Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko, nilagay ko ang kanang kamay ko sa aking tiyan. Nakangiting ako habang himas-himas ko iyon sabay daloy ng mga luha sa mga mata ko. Lumingon ako muli at nakita ko sina mommy Michelle at daddy Marlon, si Gabriel si Maymay na may kasamang gwapong lalaki na hindi ko kilala at daddy Jacob kalong si James. Hindi ako makapaniwalang nandito silang lahat maliban kay Gavin kaya nagpalinga-linga ako. “Asan po si Gavin, bakit kayo lang nandito?” nagtataka kong saad kaya napabuntong hininga silang lahat. Lumapit naman sa akin si James at umiiyak itong nagsalita. “Mommy si Daddy, nasa kabilang ward po, naaksidente po siya ng iligtas niya ako sa kapahamakan ng may kumidnap po sa akin.” Umiiyak na sabi nito kaya nagulat ako. “Totoo ba dad? Akala ko ay panaginip iyon?” umiiyak na sabi ko. “Oo anak, totoo!” “Pero bakit dad, bakit niya iniligtas si James? Kanino?” “Kay Mia, tama ang hinala natin anak hindi siya si Mia at nagpapanggap lang, sinabi niya sa mga pulis nang mahuli siya na, napag-utusan lang daw siya ng isang nangangalang Gustavo Hamilton ang lalaking may malaking galit sa mga magulang ni Gavin kaya naghiganti ito sa anak nilang si Gavin.” Pagpapaliwanag na sabi ni Daddy Jacob sa akin. Sa puntong iyon ay napahagulgol na ako sa mga narinig ko napatingin ako at nadurog ang puso ko habang nakikita ko si James na umiiyak, ang batang laging masaya at nakangiti ay umiiyak ngayon dahil sa nangyari sa ama nito, “GAVIN please! gumising ka, gumising ka na dahil kailangan ka namin ni James pati na nang magiging anak natin.” sabi ko habang papalapit sa kanya matapos kasi ang dalaw nila sa akin ay nagpahatid ako kay daddy sa kabilang ward para makita si Gavin. I walked slowly to him, kinuha ko ang kamay nito at dinala ko sa aking pisngi para damhin iyon. “Sorry for letting you pass through all this alone, sorry for putting you and our child in pain.” Sabi ko sabay himas ko ng aking tiyan. “Ma'am, don't worry the doctor diagnosis confirm that he will be okay soon!” Nakangiti namang saad ng nurse kaya lalo akong napaluha. Nakahinga ako ng maluwag at aalis na sana para makapagpahinga na din ako nang maramdaman kong humigpit ang hawak ng kamay nito sa kamay ko kaya napatingin ako rito. Nakita kong naka mulat na ang mga mata nito at masayang tumingin sa akin. “Amanda, I m-mean My wife. . .! AMANDA BAGO pa man ako makalabas ay humigpit ang hawak ni Gavin sa kamay ko kaya napalingon ako at nakita ko si Gavin na gising na. “Ohh Thank God, gising ka na!” masayang sabi ko at agad ko itong niyakap. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ito habang umiiyak ako. “Salamat at gumising ka na, miss na miss na kita Gavin.” sabi ko sabay halik sa labi nito. Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga, bago ito nagsalita, “Pasensya na, kung hindi kita na protektahan, sa kung sino man ang gumawa niyan sayo,” sinabi niya habang umiiyak. “S-sorry rin kung iniwan kita, sorry kung ako ang dahilan ng lahat ng ito, kung hindi sana ako umalis at binantayan ko ang bawat kilos ng impostor na iyon, hindi ka sana nalagay sa kapahamak, sorry Gavin!” umiiyak ko parin sabi dito, pinunasan nito ang mga luha ko saka ito ngumiti. “Wala kang kasalanan, ako ang nabulag na si Mia siya kaya hindi ko na pansin na hindi siya ang asawa ko, I'm sorry! Sana pinaniwalaan kita, sana hindi ka umalis at hindi sana nangyari ang lahat ng ito.” sabi niya sabay halik sa akin. “Paano nga pala, nakidnap si James? At bakit ka naaksidente?” tanong ko dahil gusto ko ng malaman ang mga nangyari habang walang malay ako noon. Ikiniwento naman sa akin ni Gavin ang lahat. GAVIN SALAMAT naman at ligtas na ang mag-ina ko pati na si James, akala ko ay pareho silang mawawala sa akin mabuti na lamang at wala ni isa sa kanila ang napahamak dahil kung pareho silang mawawala sa akin ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. For Mandy who frame herself to be Mia ay nasa kustodiya na ng mga pulis at pinaamin kung sino ang mga kasabwat nito, nalaman kong si Tito Gustavo ang may pakana ng lahat ng ito at ang anak nitong si Claire ang ginamit nito para makapaghiganti sa akin, dahil lamang sa galit ito sa mga magulang ko noon at ako ang naging kabayaran ng mga kasalanan ng magulang ko rito. Nang puntahan ko kasi si Amanda ay hindi ako mapakali sa kakaisip ko kina James sa Pilipinas, ramdam ko sa sarili ko na parang may hindi tama sa mga nangyayari. Kaya nagpasya akong uuwi muna para asikasuhin ang lahat ng problemang dumating sa amin, ngunit nang nasa private jet na ako ay biglang tumawag sa akin si Gabriel at sinabi nito ang naabutan sa bahay kaya lalo ako kinabahan. At ilang oras bago ako makalabas sa Japan ay tumawag ulit sa akin ang kapatid ko at ibinalita nitong nakawala si Mia at dinukot ang anak ko. Kaya nang makababa ako sa building ng kumpanya ko kung saan ako nagpahatid ay agad akong umuwi ng bahay. Naabutan ko si Gabriel na tinitrace nito kung saan pumunta ang sasakyan na gamit ng babaeng iyon sa pagdukot nito kay James, sa pamamagitan ng cellphone na hawak ng anak ko ay agad nila itong nahanap. Pagkalaman ko lang ay agad kung sinundan ang mga ito, mabuti na lamang at mabilis akong magmaneho at agad kong naabutan ang sasakyan na iyon, pilit ko silang hinahabol para harangan ang sasakyan nila nagtagumpay naman ako kaya lang napalapit ng husto ang sasakyan ko kaya nagkabanggaan kami at doon na ako naaksidente. Mabuti na nga lang ay agad na nakasunod si Gabriel kasama ng mga pulis na tinawagan nito at agad kaming narescue at dinala sa hospital, hindi na rin nakatakas si Mia at ang lalaking kasama nito at agad silang nadala sa pulisya. Mabuti at walang masyadong natamong pinsala ang anak kung si James ngunit napuruhan ako kaya ilang araw akong naka confine sa hospital. At isang araw lang ang lumipas ay nahuli naman si Gustavo na may malaking pakana ng lahat ng ito. MATAPOS kaming parehong makalabas ni Amanda sa ospital ay ilang araw lang ay dinalaw namin si Mandy ang taong nagpanggap na si Mia ang asawa kong namayapa na. “Bakit kayo nandito?” walang ganang sabi nito. “Gusto ko lang malaman kung bakit nagpagamit ka, sa mag-amang Hamilton na iyon at kung bakit ka nagpanggap bilang kakambal kung si Mia?” tanong ng asawa kung si Amanda. “Patawarin n'yo ako wala akong choice, dahil hawak nila ako sa leeg at iyong pagtangka kung patayin kayo ni Mia ay utos sa akin iyon ni Claire ang anak ni sir. Gustavo.” Pagkukwento nito. “Pero nang makaligtas ako noon sa pagsabog ng sasakyan, maniwala kayo gusto ko na lang sana noon magpakalayo layo at magbagong buhay pero dahil nakuha ulit ako ni Sir. Gustavo at ipabago ang mukha ko ay wala akong nagawa dahil papatayin raw niya ako kung hindi ko susundin ang mga iniutos niya sa akin, kaya napilitan akong magpanggap na kakambal mo. Kaya lang ng mapamahal na ako saiyo Gavin ay binalak kung agawin kita sa kanya dahil gusto kung magkaroon ako nang bagong pamilya at makapagbagong buhay.” Umiiyak na sabi nito kaya nakaramdam ako ng awa pero kailangan niyang pagbayaran ang mga nagawa nitong kasalanan. “Pero maniwala kayo hindi ko naman talaga gustong kidnapin ang anak mong si James ngunit no choice na naman ako kasi nalaman ni Gustavo na sumalungat na ako sa mga plano nila. Kaya pinagbantaan niya ako na kapag sumuway na naman daw ako sa kanila ay papatayin na nila kayo at walang ititira sa inyo, kaya nga nang magbalak na kidnapin nila ang anak mo ay binuksan ko ang GPS ng cellphone ng anak mo para madali mo kaming mahanap at mailigtas mo ang anak mo.” Mahabang dugtong nito sa amin. “Kaya ba nakayakap ka sa anak ko ng mga oras na nagkabangaan tayo para protektahan siya?” seryoso kung tanong sa kanya. “Oo, kaya sana mapatawad ninyo ako, promise, magtitistigo ako laban sa mag-amang iyon kapag nahuli na sila at asahan ninyong aaminin ko ang lahat-lahat ng mga kasalanan namin sa inyo at willing akong pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko.” Sabi pa nito habang umiiyak. “Sana, Mandy para naman mabawasan ang kasong isasampa namin sa iyo? Pero may isa pa akong gustong malaman?” sabi naman ni Amanda kaya tumango ang babae ano iyon? “Ikaw ba ang nagpabaril sa akin ng nasa Japan ako?” kinakabahang tanong ni Amanda rito. “O-Oo, ako nga patawad!” hindi makatinging saad nito sa gulat ko ay malakas na sinampal ito ni Amanda ngunit hindi naman ito lumaban. “Para iyan sa ginawa mo sa aming ng baby ko, pero salamat at sa huling pagkakataon ay itinama mo ang pagkakamali mo, makakaasa kang bababa ang kasong isasampa sa iyo, dahil na rin sa ginawa mo ngayon para kay James, sana kapag nakalabas ka na sa kulungan ay magbagong buhay ka na at gamitin mo ang mukha ng kakambal ko sa pagbabagong buhay mo, nawala ng masamang gagawin, iyon lang!” Mahaba ring sabi ni Amanda kaya napangiti ako. Hindi talaga ako nagkamaling mahalin ang tulad nito dahil napakabuti ng puso nito. Umalis na kami doon at lumuwag ang nararamdaman naming mabigat sa dibdib dahil sa wakas ay natapos na rin ang lahat ng mga pagsubok na dumating sa buhay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD