16 Special Chapter

862 Words
NAKULONG na ang mga may kasalanan sa lahat ng trahedya na nangyari sa buhay namin ni Gavin. Dahil malakas ang ebidensya at sa tulong na rin ng pagtestigo ni Mandy ay hinatulan sila ng mahabang panahon na pagkakakulong. Natanggap na rin naming lahat ang pagkamatay ng kakambal ko. Alam kong may dahilan ang lahat ng ito kung bakit ito nangyari at alam kong ang Panginoon lang ang nakakaalam kung para saan iyon. Sa loob ng Anim na taon na mag-asawa kami ni Gavin ay naging napakasaya ng aming buhay, palagi siyang nandiyan para sa akin sa panahon ng pagbubuntis ko dahil sa kanyang pag-aalaga hindi ako masyadong nahirapan noong ako ay nanganganak, sa kambal naming anak napaka-cute at malusog din ang mga ito dalawang kambal ang ibinigay sa amin, lalaki at isang babae na kamukhang kamukha ni Mia noong mga bata pa kami, isinunod ko rin ito sa pangalan ng kakambal kong Si Mia. Napakasaya naman ni James ng isilang ang kambal niyang mga kapatid at minahal niya ang dalawa na may pag-iingat. The company is just great at lalo itong lumago kahit ito talaga ang totoong dahilan kung bakit kami nagkaroon ng mga mabibigat na problema dahil sa inggit ni Gustavo sa pamamayagpag lalo niyon. And James is already in his last year in highschool while Mia and Michael are they six years old at parehong nag-aaral bilang Kinder. Walan na akong mahihiling pa sa buhay na tinatamasa namin ngayon. “Ma, hindi po ako pinapahiram ni Mick ng toys niya?” isang araw habang abala ako sa pagbi-bake ng mga cupcake na meryenda ng mga anak ko. Nagsusumbong na sumisigaw ni Mia sa akin kaya naputol ang pag-iisip ko ng mga nakaraan namin noon. “Bakit naman Mick hindi mo siya pinapahiram?” kalmadong tanong ko sa kambal nito. “Eh kasi mommy, panlalaki naman ang mga toys ko at hindi pang girl!” nakabusangot na saan nito kaya binitawan ko ang pot holder na hawak ko at hinarap ko ang kambal. “Mick, play with your sister and also share your toys with her, kahit na panlalaki iyan, ayaw mo ba na may kalaro ka ng mga toys mo? Hindi ba masaya ang marami kalaro?” sabi ko naman dito kaya napaisip ito. “Okay po mommy, halika na Mia, sorry ah, masarap nga na dalawa tayo na magpi-play!” nakapag-isip-isip nito kaya napangiti ako. “Iyan ganyan nga dapat share your toys with your sister, sige na umakyat na kayo doon at malapit nang maluto itong mga cup cake, kapag luto na ito ay tatawagin ko na lang kayo, okay!” Sabi ko naman dito kaya masaya silang umakyat sa playroom na pinagawa namin ni Gavin sa bago naming bahay. Napangiti ako kasi kahit mahirap mag-alaga ng mga batang ganoong kakukulit ay okay lang lalo na at madali naman silang mapakiusapan. “Mom, nakita mo na ba ang black and red sneakers ko?” tanong naman ni James na papasok sa kusina. “Nasa kwarto mo lang iyon, anak nasa pinakababa ng sapatosan mo!” sagot ko naman dito kaya napangiti ito, “Okay mom, the best ka talaga! Lahat talaga alam mo,” masayang nakangiti ito at agad na umalis sa kusina. Mayamaya lang ay pumasok naman si Gavin galing sa trabaho at halatang pagod ito. “Hey honey!” bati ni Gavin sa akin, sabay halik sa labi ko. “Mukhang pagod na pagod ka ah, musta ang company?” sabi ko sabay hubad ko ng coat nito at inilagay ko muna sa sandalan ng upuan na nasa mesa. Alam kung galing na naman itong gym pagkagaling sa work kaya pagod na pagod na naman ito. “Medyo, maraming trabaho kasi sa opisina ngayon,” sagot naman nito. “Marami pero naisip mo pang maggym, huwag masyadong maggigym at baka bumigay ang katawan mo, lalo na kung pagod ka galing sa work!” panenermon ko rito ngunit nilapitan ko parin ito at saka hinilot ang ulo nito. Napapapikit naman ito habang minamasahi ko ang ulo nito. “Promise hindi na ako magwo-workout ulit, kapag galing trabaho, nasaan ang mga bata?” tanong ni Gavin. "Nasa playroom ang dalawa at si James ay nasa room niya," sagot ko naman at hinalikan ko ang labi nito matapos kung masahihin ang ulo nito at balikat. “I'm so happy right now honey, thank you so much sa pag-aalaga mo sa amin,” maya maya ay sabi nito at pinulupot ang braso niya sa bewang ko. “Sus, obligasyon ko ang alagaan kayo lalo na at pinangako ko iyon kay Mia, bago kami nagkahiwalay noon. Pero syempre para na rin iyon sa sarili ko dahil mahal na mahal kita. Kaya magiging asawa mo ako sa hirap at ginhawa.” Sabi ko kaya lalong humigpit ang yakap nito. “And you are my wife no matter what happen, I love you so much, Lia ikaw lang sa puso ko.” Sabi nito sa akin sa pagitan ng mga halik na iginawad niya sa akin. “I love you too honey,” sagot ko naman dito at sinuklian ko ang mga halik niya sa akin. Wala na akong mahihiling pa. THE END

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD