13

2562 Words
MIA? “HEY sweetie!” bati ko kay James. “Miss Maurine, please can you bring my food to my room,” sabi ni James sa mutchacha at hindi ako pinapansin. “Yes young master,” sagot naman ng katulong at umalis na para kuhanan ng pagkain ang bata. “Bakit hindi mo ako kinakausap? Ako ang tunay mong ina,” sabi ko. “You are not my mom and you will never be,” sabi naman nito at umalis na papuntang kwarto niya. “That brat how dare him speak to me like that,” sabi ko at nagngangalit ang aking mga ngipin. Hindi nagtagal, pumasok si Lia sa bahay. “Anong ginagawa mo pa dito?” mataray kong tanong. “Well, wala kang karapatang tanungin ako.” sabi nito. “Talaga, substitute lang kita, pero dahil nandito na ako, bakit hindi ka na lang pumunta sa impyerno,” sabi ko. “As you can see I'm about to leave I just need to take my luggage and then i'm out,” sagot niya at umalis at umakyat sa taas para siguro kunin ang mga gamit nito. Mabuti naman hindi na ako mahihirapang pakisamahan ang babaeng iyon, akin lang sina Gavin at hindi ako makakapayag na makuha niya ang matagal kong pinaghirapang makuha. GAVIN “KAKAUSAPIN mo raw ako?” Bungad sa akin ni Amanda kararating lang nito kanina dahil tatlong araw itong namalagi sa tunay nitong magulang. “Sit down, Amanda!” pinapormal ko ang aking boses at ang aking mukha, kahit gustong gusto ko itong yakapin dahil namiss ko ito, pero hindi ko na kailangan na ipakita dito dahil bumalik na ang tunay kong asawa, at wala ng bisa ang aming kasal dahil buhay pa pala si Mia. “Bakit ka nagsinungaling sa akin, na patay na ang asawa ko?” tanong ko kaya naningkit ang mga mata nito. “So kakausapin mo lang ako dahil diyan,” sagot nito kaya tumango ako. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ako nagsisinungaling, wala akong babaguhin sa mga sinabi ko dahil iyon ang totoo, buksan mo ang puso mo Gavin, patay na ang asawa mo at ang babaeng iyon ay isang impostor.” “S-shot up, bakit mo ba ito ginagawa gumaganti ka ba dahil sa ginamit lang kita? para sa kaligayahan naming mag-ama kaya ka humabi ng mga kasinungalingang ito?” Ayaw ko mang sabihin ito sa kanya pero gulong gulo na ako, Oo, parang may nagbago nga sa asawa ko ngayon ng bumalik ito sa akin, pero lahat ng katibayan na pinapakita nito sa akin lahat iyon totoo kaya naniniwala akong totoong si Mia ang babaeng iyon. “Kung ayaw mong maniwala wala na akong magagawa pa Gavin, pero alam ng Diyos na nagsasabi ako ng totoo, patay na si Mia at naniniwala akong hindi siya ang kakambal ko dahil, dugo't laman niya ay dugo't laman ko rin kaya alam ko sa sarili kong hindi siya ang kakambal ko.” Pagkasabi nito sa akin ay umiiyak itong lumabas nang opisina ko. Gusto kong maniwala rito pero malakas ang katibayan ni Mia na siya talaga ang nawawala kong asawa! Gulong gulo na ako, anong dapat kung gawin? JAMES NASA Kwarto ako nang pumasok si mommy Amanda. “Baby,” sabi nito sabay yakap niya sa akin. “Mommy saan ka po galing bakit po tatlong araw kang wala na miss po kita!” sabi ko sabay yakap rin sa kanya. “I miss you too but i'm not your real mom James and you know that,” she said. “Kahit na po ikaw parin po ang gusto kong maging mommy kahit po na tita lang po kita.” Sabi ko na may luha sa aking mga mata. “I can't stay here forever because I don't belong here and besides bumalik na ang tunay mong mommy,” mommy said. “Hindi siya ang aking ina, nararamdaman ko pong nagpapanggap lang siyang mommy ko.” ko naman kay mommy Amanda or Lia kahit ano pa ang pangalan nito ay siya parin ang gusto kong maging mommy. “Basta kahit wala na ako rito ay maging mabuting bata ka sa kanya hanggat hindi pa natin alam ang totoo, siya pa rin ang mommy mo, dahil wala pa tayong hawak na nagpapanggap lang siya. Kaya laging kang makinig sa kanya at sa daddy mo, okay!” “Please po 'wag mo akong iwan mom,” naiiyak kong sabi dito pero umiling lang siya. “Galit sa akin ang daddy mo dahil pinaghihinalaan kong hindi siya ang totoo mong mommy, kaya wala tayong magagawa kundi pagbigyan muna ang kagustuhan ng daddy mo na lumayo muna ako, but i promise to you, dadalaw-dalawin kita rito okay!” Sabi nito at kumalas na sa yakap ko. “Pasensya na James, gusto ko sanang mag-stay pero hindi ko na kaya dahil hindi na ako kinakausap ng daddy mo, and I promise to come back for you, kapag natapos na ang lahat ng ito.” Dugtong pa nito sa akin kaya lalo akong naiyak. “Promise mom!?” sabi ko kaya tumango ito. “I promise,” sabi nito at itinaas ang kanang kamay na nanunumpa na tutuparin nito ang promise niya sa akin. “Sige po mommy, maghihintay ako.” sabi ko at saka kami yumakap sa huling sandali na magkasama kami. AMANDA DALI-DALI kong kinuha ang damit ko at isinuot iyon, ngayon ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil magsasaya kami ng aking ama sa abroud kakalimutan ko muna ang lahat ng masasakit na naranasan ko ng wala pa akong naalala. Hindi na ako nakapag-paalam kina James na aalis muna ako para wala munang pumigil sa akin, susulitin ko muna ang mga araw na magkasama kami ni Daddy at babawiin ang mga panahong nawalay kami sa isa't isa. Nakakalungkot lang na hindi na namin magagawa ito nakasama namin si Mia. May Mia ngang nagpakilala pero hindi ko maramdaman na siya talaga ang kakambal ko. “Lia!” tawag sa akin ng ama ko, ”Yes daddy!” sabi ko pagpasok sa kusina. Nakahanda na ang pagkain, tara samahan mo ako be snappy para hindi tayo ma-miss sa flight natin,” sabi nito kaya napangiti ako. Sana makapagsimula na ako ng bagong buhay, sana ma-let go ko ang mga nakaraan ko at maging masaya na ako ng tuluyan. We now have to go the airport as fast as possible cause I don't want Gavin to find me, dahil alam ko sa mga oras na ito ay baka alam na nilang umalis na ako sa bahay nito, pero alam ko naman na hindi niya ako hahanapin dahil bumalik na ang asawa nitong si Mia at nakalimutan na ako nito ng tuluyan, dahil nga naman masaya na siyang kumpleto na ang family na matagal na nitong inaasam asam na mabuo. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa paliparan, walang hangganan ang aking kagalakan na malapit na kaming umalis sa Pilipinas, patungo sa ibang bansa kahit panandalian lang, kung saan maaari kaming magsimula ng isang bago at masayang buhay, isang buhay na lagi kong pinapangarap sa buong buhay ko. “I'm gonna miss here, am not sure I can erase those moment here in this city, I wish all it's citizens best of luck,” sabi ni dad habang tumutulo ang mga luha ko, kinuha nito ang panyo niya at pinunasan nito ang mga luha ko. Masaya ako na malungkot pero kailangan ko muna itong gawin para kahit paano ay maging masaya naman muna ako. GAVIN NAGULAT ako nang magising ako kaninang umaga at nalaman kong wala na siya, walang Amanda akong nakita, at kung may masamang mangyari dito ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko tumayo ako mula sa kama. At nagmamadali akong pumunta sa banyo, naligo at nagbihis, bumaba ako at humigop ng tsaa hindi na ako kumain dahil hahanapin ko siya. “Dad saan ka po pupunta ng ganito kaaga? cause this is not when you usually wake up, I'm curious to know?” tanong ni James sa akin with full concern in voice, I guess hindi pa nito alam na wala na si Amanda sa bahay. I guess kailangan kong panatilihing ilihim muna ito sa kanya na wala na ang mommy Lia dito sa bahay. “Magsalita ka Dad, akala mo po talaga dad hindi ko po alam na wala na si mommy Amanda, alam ko dad dahil nagpaalam na siya sa akin kahapon at kahapon pa po siya umalis at iniwan na niya ako daddy,” sabi niya sa akin kaya napakunot ang noo ko. “Bakit hindi mo sinabi sa akin, anak?” tanong ko pero umiling lang ito. “Dahil dad binilin niya sa akin na huwag ko raw po ipaalam sa inyo, pero sigurado po akong may sinabi ka po sa kanya kaya siya umalis kahapon, you know what daddy, pagsisihan mo talaga ang mga sinabi mo po sa kanya.” Malungkot na sabi nito. Tama siya parang pagsisihan ko talagang hindi ko siya pinagkakatiwalaan, I can't undo my wrongs just because of my selfish instinct, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung hindi ko mahanap si Amanda ngayon. “Saka na ako magpapaliwanag sayo anak, basta dito ka lang 'wag kang aalis at hahanapin ko si mommy Amanda mo, iuuwi ko siya sa atin.” Sabi ko na lamang dito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulss ng pantalon ko at tinawagan ko si Lorence. “Lorence, mag-organisa ka ng taong maghahanap kay Amanda, kasama ang mga pulis para hanapin siya, hanapin ninyo siya kahit saan at ibalik ninyo siya sa akin, please!” utos ko sa kanang kamay ko bago ako nagpaalam kay James at lumabas ng bahay para narin hanapin si Amanda. LUMIPAS ang mga oras ay wala man lang akong natatanggap na report sa mga naghahanap kay Amanda, I pray na sana matagpuan na nila ito at maiuwi sa akin ng ligtas. Pinuntahan ko na sina Daddy pero wala siya roon, pinuntahan ko na rin ang mga magulang na kumupkop dito pero wala rin daw silang alam. At isa na lang ang hindi ko pa napupuntahan at napagtatanungan ang totoong magulang nito na si Mr. Guerrero. Kaya pinatakbo ko ang sasakyan ko papunta sa address na ibinigay nito sa akin noong una ko itong makita. Habang nasa daan ay may tumawag sa akin kaya sinagot ko ito habang nagmamaneho papunta sa Alabang kung saan doon talaga pinanganak sina Mia. “Sir, hindi po namin siya nahanap, may nag report po kasi na nasa labas siya ng bansa.” balita ni Lorence. “Out of the state?” hindi makapaniwalang tanong ko; gumawa ng masusing pagsusuri sa paligid ng airport at baka hindi pa ito talaga nakakaalis, o kung wala na talaga ay tingnan ninyo na lang ang pangalan ng mga nakarehistro na mga lumabas ng ibang bansa at kahit magdamag kayo riyan ay wala ako pakialam, naiintindihan mo?” dugtong ko habang nagpapahinga ng malalim. “Yes boss!” sagot naman nito sabay baba ng tawag nito. MANDY “I CAN'T believe mom left, I really miss her,” Narinig kong sabi ni James. Nang puntahan ko ito para sana dalhan ng makakain. Mula kasing umalis si Lia sa buhay ng mag-ama ay lagi na lang itong nakakulong sa silid nito at umiiyak dahil lang sa babaeng iyon. Nasa kwarto ito at bahagyang nakabukas ang pinto kaya pumasok na ako. “Anong ginagawa mo dito?” galit na sabi nito sa akin pero nginitian ko lang ito. “I brought you your food baby,” sabi ko naman sabay lapag ng pagkain sa mesa niya. “I don't want anything from you,” sabi nito sa akin at hindi man lang talaga ako ginalang. “Pero wala kang kinakain buong araw, nakakulong ka lang dito sa room mo.” nag-aalala kong sabi rito. “I don't want you to care about me because you are not my mom and you will never be so take these trash with you,” sabi nito sabay turo ng pagkain na dinala ko. “You know what, I will keep trying until you accept me as your mom because i'm your real mom,” sabi ko naman dito at lumabas ng kwarto niya iniwan ko na lang ang pagkain nito at alam kung kakain ito kapag nagutom ‘Ano bang meron sa Lia na iyon at hindi sila mawala wala sa isipan ng mag-amang iyon?” Frustrated kong sabi sa sarili ko. “I will have to do something to make them forget about her,” sabi ko pa sa sarili ko na may ngisi sa labi. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang isang taong alam kong may makakatulong sa akin, isa rin iyon sa taong tawagan ko raw kapag may idea na raw ako para masira ang pamilyang kinalalagyan ko ngayon. Pero sa mga panahon na nakasama ko si Gavin ay nagkaroon ako nang ibang plano at hindi na kasama dito ang taong gumawa ng mukha ko. At tama nga ng hinala si James at Lia na hindi nga ako ang tunay na Mia na asawa ni Gavin, kundi isa ako sa mga taong kinasangkapan ng mag-amang sina Claire at Gustavo ang mga taong nagtangkang pumatay sa magkambal na Lia at Mia. Oo hindi ako lalaki isa akong babae na nakasama sa pagsabog ng sinasakyan ng kambal na iyon, nakamaskara lang ako noon kaya akala ng Lia na iyon ay lalaki ang nagtaka sa buhay nila sa utos ni Ma'am Claire. At si Mia na totoong asawa ni Gavin ay ang namatay sa pagsabog at kami lang ni Lia ang nakaligtas iniwan ko lang sa loob ng sasakyan nang papatakas ako ang nga damit at maskara na ginamit ko kaya akala nila ay dalawang tao ang nasama sa pagsabog ng araw na iyon. Nakaligtas ako noon sa pagsabog at iyon nga ang dahilan kung bakit ako nakuha ulit ni Gustavo at dinala ako sa isang malayong hospital para ipagamot at ipabago ang mukha ko bilang si Mia. Pumayag ako sa plano niya na maging si Mia, para na rin makapagbagong buhay pero nagkamali ako dahil gagamitin lang din pala ulit niya ako sa ganitong paraan, pero hindi na iyon mangyayari dahil may sarili na rin akong plano ang panindigan na lang bilang si Mia Osana na asawa ni Gavin. Binidyo call ko si Badong na kakilala ko na isang mamamatay tao rin at uusapin ko para sa mga plano ko alam kung papayag ito dahil mukha itong pera. “Hello Badong si Mandy ito, may trabaho akong iaalok sayo at babayaran kita ng malaking halaga. “Mandy ikaw na ba iyan, bakit iba na ang mukha mo?” hindi makapaniwalang sabi nito kaya napangisi ako. “Yes mahabang kwento saka ko na ipapaliwanag sayo, may ipapadala ko sa iyo ang isang larawan ng isang babae, hanapin mo siya at patayin. Balita ko ay nasa Japan sila ngayon kasama ng tunay nitong magulang, ako ng bahala sa pamasahe mo basta mahanap mo siya agad ay patayin mo na. Kapag nagawa mo iyon ay sabihin mo lang at pupuntahan kita saka ko ibibigay saiyo ang kabuuang bayad.” sabi ko rito kaya napangisi ang kausap ko. “Wow, mukhang bigtime ka na, nag-iba lang ang mukha mo, nagkapera ka pa, pero sige trabaho iyan at alam kong 'di mo naman ako lolokohin.” Nakangising sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD