11

2365 Words
JACOB NAKAUWI na ako galing Paris, tatlong araw na ang nakakalipas at handa na akong harapin ang asawa ng anak kung si Mia, at ang sa mga kumupkop dito, para magpakilala dito na ako ang tunay na magulang ni Mia. Mabuti na lang at hindi pinalitan ang pangalan ng anak ko ng mga umampon dito, ayon kasi sa balita na nakalap ko ay naalala naman nito ang lahat noong pa man at nabalitaan ko rin na hinanap nito ang kakambal niya na si Lia na lumaki sa ampunan at nang araw na naaksidente ito ay iyon din ang araw na makikipagkita ito sa kambal niyang si Lia. Pero sad to say ay nangyari nga ang malagim na aksidente nila, at sumabog ang sinasakyan nilang kotse dahil sa isang aksidente, hindi ako tumigil sa paghahanap ng hustisya sa mga kambal kong anak. Dahil naniniwala akong hindi aksidente ang nangyari kaya nga pinaiimbestigahan ko ito kaagad at tama nga ang hinala ko. Nasinadya ang pagkawala ng preno ng sasakyan nila, para mamatay si Mia, na sa kasamaang palad ay nadamay pati ang kakambal nito. Pupunta ako ngayon para makipagkita sa kumupkop sa anak kung si Mia, para sana ipaalam ko sa kanila na wala ng nakaligtas talaga sa mga anak ko, pero dahil sa nakalap kong bagong balita sa inutusan kong tauhan na may isang nahanap daw ang asawa ng namayapa kong anak na si Mia na kamukhang kamukha nito kaya nagbago ang plano ko, gumawa ako ng isang DNA TEST bago ako makipagkita sa kanila, para patunayan ko na ang Amandang iyon ay isa sa mga anak ko. At may nalaman ako na alam kung mag papabago ng lahat, kaya ako makikipagkita sa mga ito ngayon ay para sabihin ko ang aking natuklasan sa kanila. Pero bago iyon ay inasikaso ko muna ang kasong isinampa ko sa may kagagawan ng pagkaaksidente ng mga ito para walang maging sagabal sa pagsasabi ko ng buong katotohanan at para narin mabigyan ko na ng hustisya ang nangyari sa aksidenteng iyon dalawang taon na ang nakakaraan. SA wakas nandito na kami sa bahay ng manugang kong si Gavin. “Sir, nandito na po tayo!” the driver told me kaya bumaba na ako sa sasakyan ko at kumatok sa pintuan. Makalipas ang ilang minuto, ay bumukas na ang pintuan at nakita ko ang manugang kong si Gavin, katabi ang kamukhang kamukha na mga anak kung sina Mia at Lia. Kasama ang mga magulang ni Gavin at ang mag-asawang Osana na kumupkop kay Mia. Pinatuloy na ako ng may edad ng babae na isa sigurong katiwala nila, kaya pumasok na ako roon at binati ko silang lahat. Alam na nilang darating ako dahil nag email na ako sa kanila, nagpakilala ako na tunay na ama ni Mia at sinabi ko na rin sa kanila na ako ang nagpadala ng mga ebidensya at kuha ng video sa park saan ko nakita ang may kagagawan ng aksidente ng mga anak ko. “So, totoo nga pala talagang may kamukha ang mga anak ko,” sabi ko kaya napatingin sila sa babaeng nangangalang Amanda na matamang nakatingin sa akin at parang sini-sino ako, pero alam kung hindi niya ako makikilala. Nilapitan ko ito at nabigla sila lalong lalo na ito nang yakapin ko ito nang mahigpit at tawagin ko ito sa pangalang Lia. Oo tama kayo nang narinig. Isa siya sa mga kambal ko, pero hindi siya ang Mia na asawa mo, Gavin, siya si Lia ang kakambal ni Mia na nakasama ng araw na maaksidente silang dalawa. Napatakip naman nang bibig ang mga taong nandoon at gulat silang na natingin kay Amanda na naguguluhan din sa mga pinagsasabi ko. “Paano p-pong nangyaring isa siya sa mga anak mo po, Mr. Guerrero?” naguguluhang tanong ni Gavin. GAVIN I Was so shocked ng sabihin sa akin ni Mr. Gerrero na isa sa kambal nito si Amanda at ang nakakagulat ay ito ang kakambal ng aking asawa na Lia ang pangalan, kung lumabas sa resulta na hindi nagmatch ang DNA TEST na ipinagawa ko bago ko ito pinagpanggap na asawa kong si Mia? “Paano po ninyo na sisiguradong si Lia siya Mr. Guerrero?” kinakabahan kong tanong sa matanda. “May patunay ako na peke ang DNA Test na hawak mo ngayon Gavin, dahil ng araw na ipahanap ko ang mga ebidensya na natanggap ninyo mula sa akin, ay may inutusan akong manman kayo, dahil alam kung anumang oras ay may gagawa ng kalokohan sa inyo, kapag lumabas na ang mga ebidensyang pinapahanap mo.” Sabi naman nito kaya lalo akong nalito. “Paano pong nangyari iyon? Sino po ang nagpasabotahe sa pagpapa-DNA TEST ko?” hindi ako makapaniwala pero mukhang may idea na ako kung sino. “Kung sino ang may kagagawan ng pagkakaaksidente ng sasakyan nila ay siya rin ang may gawa ng lahat ng ito.” Sabi naman nito kaya napakuyom ako ng kamao dahil sa galit. “Si C-Claire po ba ang may pakana?” nanghihina kong saad kahit alam ko ng ito nga at napatingin ako kay Amanda na nalilito na rin sa mga pangyayari. “Yes, wala ng iba,” Seryosong sabi ni Mr. Guerrero sa amin. “Ano, hindi ako makapaniwala na gagawin ng batang iyon, muntik ko pa naman sana silang magkamabutihan ni Gavin ng mawala si Mia, iyon pala ay siya lahat ang may kagagawan nito.” Hindi rin makapaniwalang saad ni Mommy at muntik na itong mapatayo. “T-tell me sir, to how her survived in the accident, at bakit po siya lang ang nakaligtas sa pagsalpok at pagsabog ng sasakyan ng asawa k-ko?” Curious kong tanong nanghihina na rin ako dahil sa nalaman ko, kahit tanggap ko ng wala na ang asawa ko ay hindi ko parin pala talaga kayang huwag malungkot lalo na kung ang kakambal nito na naging asawa ko na rin ay nakaligtas ngunit hindi ang asawa ko. At paanong wala siyang maalala na isa siya sa kambal, totoo kayang nagka-amnesia ito at hindi ko lang gawa-gawa? Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari, durog na durog na nga ang puso ko, pero heto naman ang isa pang rebelasyon. “Iyon ang hindi ko masasabi sayo, Gavin dahil kaya ko lang na laman na isa siya sa mga anak ko ay dahil nagpagawa rin ako ng DNA TEST dahil malakas din ang loob ko na isa siya sa kambal ko at hindi lang nagkataon na natagpuan mo siya Gavin.” Saad ni Mr. Guerrero sa akin. “Ang tangi lang makakapagpalinaw ng lahat ay walang iba kundi ang asawa mo na ngayon Gavin, si Lia!” Dugtong pa nito at bumaling ang tingin nito kay Amanda na tulala at hindi makarehistro sa utak nito ang mga nalaman. Lalapitan ko na sana ito ng mapasigaw ito at mapahawak sa ulo kaya nataranta akong lumapit dito. “Lia!!” AMANDA BIGLANG sumakit ang ulo ko sa gitna nang pag-uusap nila Gavin at nagpakilalang ama ko raw at sinasabing anak niya raw ako, isa sa mga kambal nito at kakambal daw ako ng yumaong asawa ni Gavin. Mula kasi ng makita ko ang matandang lalaking nagpakilala sa aking ama ko ay bigla na lang may pumasok sa isipan ko na malalabong alaala, kaya sumakit ng husto ang ulo ko, hanggang sa ang mga napapanaginipan ko ay nagkaroon na nang malinaw na mga imahi, mula sa dalawang batang babaeng nagtatawanan na magkamukha hanggang sa aksidente sa isang sasakyan ay malinaw ko nang naalala. At tama nga si Mr. Guerrero isa nga ako sa mga kambal ngunit hindi si Mia na asawa ni Gavin kundi sa kakambal nitong si Lia. At Oo, sa isang iglap ay luminaw na sa akin ang lahat, ang lahat-lahat. Dinaluhan ako agad ako ni Gavin at saka niya ako niyakap hanggang sa mawala ang matinding sakit ng ulo ko matapos kong mahimasmasan ay pinaupo ako ni Gavin sa sopa at pinakalma after minute past ay nakita ko na lang ang sarili kong nagkukwento na sa totoo kong pagkatao. “A-ako nga si Lia, Gavin ang kakambal ng asawa mo,” pagsisimula ko kaya napatigil si Gavin sa paghagod ng likod ko. “Totoo ba? Hindi ka nagsisinungaling?” kinakabahan na tanong ni Gavin kaya napatango ako ng dahan-dahan. “Two years ago ay nakipagkita ako sa kakambal kung si Mia, masaya kami ng magkita na kami at ikinuwento niya sa akin lahat-lahat noon ng magkita kami sa park, ngunit may isang lalaki ang pilit kaming hinihila noon nang matapos kaming magkuwento ng mga naranasan namin ng magkahiwalay kami, pero nakatakas kami at sumakay kami sa kotse ni Mia, pero may lalaki palang nakasakay rin sa kotse namin at pilit niyang sinasakal si Mia, at nang makita nitong magkamukha kami ay parihas na kami nitong pinagtangkaan ng masama.” Pagkukwento ko rito dahil naalala ko na ang lahat. “Sa pagpipilit naming iligtas ni Mia ang mga sarili namin ay pinagiwang giwang nito ang sasakyan para madistract ang nagtangkang patayin kami, pero sa kasamaang palad ay nawalang ng break ang preno ng sasakyan na dala ni Mia kaya nagpahulog kami sa hindi kalalimang bangin. P-pero dahil si Mia ang nagdadrive at ako naman ay nasa tabi lang niya na sinusubukan kong buksan para makalabas kami ay hindi ko inaasahan na sisipain niya ako palabas sa sasakyan para iligtas niya ako ay hindi ko na napaghandaan na matulungan siya. Patawarin mo ako kung hindi ko man lang siya na isama ng makalabas ako sa sakyan na pabulusok sa bangin dahil ang bilis ng pangyayari. P-pero maniwala ka sinubukan ko siyang abutin pero tuluyan na akong nahulog papalabas sa sasakyan, huli kong kita sa nanlalabo ko noon na mga mata ay lumipat ang driver sa katabi ni Mia, para sana doon dumaan at iligtas siguro ang sarili nito bago pa iyon sumabog, pero kita kung sinakal ito ni Mia sa leeg gamit ang kanan nitong kamay para hindi ito makatakas at doon na sumabog ang sasakyan,” Mahaba kung paliwanag, nanginginig ako habang inilalahad ko ang tunay na nangyari. Hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang sarili ko kasi kung hindi ako nakipagkita sa kakambal ko hindi siguro ito mangyayari. “H-hindi totoo iyan, nagsisinungaling ka lang, Amanda please, sabihin mong nagbibiro ka lang.” Naiiyak si Gavin ng sabihin iyon, pero paulit-ulit akong umiling habang naghihinagpis. ”S-sana nga Gavin, biro lang ang lahat ng ito, pero iyon ang totoo, ako lang ang nakaligtas sa pagsabog ng sasakyan, at dahil iyon sa kakambal kung si Mia, pero maniwala ka h-hindi ko gusto ang nangyari.” Humagulgol na ako dahil naaawa ako kay Gavin, pero wala na akong magagawa, dahil kahit ayaw ko man ay iyon talaga ang nangyari. “B-bakit ngayon mo lang naalala ah, Amanda? Bakit ngayong pangmatagal nang nailibing ang asawa ko, sana. . . “Gavin, walang kasalanan si Lia, hindi niya ginusto ang nangyari, walang ibang may kasalanan dito kundi si Claire lang!” Putol naman ng mommy ni Gavin. Nilapitan ko si Gavin para hawakan sana ang kamay niya pero umatras siya. “Sorry Gavin, pero bago kami nagkahiwalay ay ibinilin ka sa akin ni Mia at sabihin ko raw sayo kung gaano ka niya kamahal!” Garalgal kung sabi rito nilapitan naman ako ni Daddy Jacob habang inaalo niya ako. Umiling iling lamang si Gavin bago ito malungkot na lumabas sa bahay nito kaya napaiyak na ako nang malakas. “Sshh! Matatanggap din iyon ng anak ko, Lia, kaya pabayaan mo muna si Gavin!” Alo naman sa akin ni Mr. Marlon, Osana kay napatango na lang ako. “Ayaw ko man putulin ang pag-iyak mo anak, pero kailangan ko itong malaman!” Sabat naman ni daddy Jacob kaya napatango ako. “Bakit hindi ka nakita ng mga pulis na nag imbestiga sa aksidenteng iyon, kung nandoon ka rin sa malapit sa sasakyang sumabog?” Pinunasan ko ang mga luha ko saka ulit ako nag kwento. “May napadaan po na isang lalaki sa kinahulugan ko po at nakita niya ako roon, matapos niyang tumawag ng tulong ay agad niya akong tinulungan at dinala sa pinakamalapit na ospital doon at siya po ang nagpagamot sa akin, at kumupkop ng malaman niyang wala po akong maalala.” Sabi ko naman dito. “Talaga kung ganoon ay kailangan ko pala siyang makilala, anak sino ba siya?” masayang tanong nito. “Si Nathan Alosca po na naging matalik ko pong kaibigan mula ng kupkupin niya po ako noon.” Sabi ko naman na ang tinutukoy ko ay Si Nathan na kaibigan namin ni Maymay, galing Hongkong. ONE WEEK after na magkalinawan ang lahat na si Amanda ay si Lia at hindi si Mia ay nagbago na ang pakikitungo ni Gavin kay Amanda(Lia) pero ganoon parin ang set up asawa parin siya ni Gavin at siya parin ang kinikilalang ina James. Nakakulong pa rin si Claire dahil malakas ang ebidensyang na siya talaga ang may pakana ng lahat ng mga nangyari sa buhay ni Gavin at ni Amanda(Lia). SOMEONE SA wakas ay nakarating na rin ako sa Maynila upang makipagkita sa aking mag-ama, miss na miss ko na sila, at alam kung matutuwa sila kapag nakita na nila ako lalong lalo na ang asawa ko. “Ma'am nandito na po tayo?” nasa penthouse na ako kung saan makikita ko na ang mag-ama ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako roon, nakasalubong ko ang isang guard na napapatulala sa mukha ko at sinabi kong gusto kong makausap si Gavin tapos tinanong niya ang pangalan ko na sinabi ko naman sa kanya, pagkatapos ay pumasok na ito sa loob ng bahay at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na siya at pinagbuksan ako ng gate. Pumasok ako sa bahay at nakasalubong ko si Gavin na hindi makapaniwala habang nakanganga itong nakatingin sa akin, kasama nito ang isang batang lalaki na sa tingin ko ay si James na ito na anak namin. “M-Mia? buhay ka?” hindi makapaniwalang saad nito. “Yes, my dear husband it's me ang totoong Mia Osana Milestone!” Nakangiti kong sagot sa tanong nito, nagulat ako sa pagyakap niya sa akin pero napangiti ako at sabik ko rin itong naiyakap pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD