10

2306 Words
MARLON TINAWAGAN ko si Gavin, upang ipaalam dito na umuwi na kami galing Canada at pupunta kami ngayon sa bahay nito. Para makita na namin ang anak naming si Mia, nagtaka pa ito kung paano raw namin nalaman na natagpuan na niya si Mia. Sabi ko kapag nakadalaw na lang kami ay saka ko na dito ikukwento. Nandito na kami bahay ng manugang kong si Gavin, at nakita na namin ang nawawala naming anak. Ibang iba na ang itsura nito, simple lang itong manamit at napansin ko ritong parang may nag-iba dito, parang ibang tao ito. “Anak! Kumusta ka na?” naluluha kong tanong dito at kaagad ko itong niyakap ng mahigpit. “Ayos lang po ako, pasensya ka na kung hindi ko po kayo naalala may amnesia po kasi ako,” Sabi nito kaya lalo akong naiyak pati ang asawa kong si Michelle ay hindi maiwasang mapahagulgol. “Talaga bang hindi mo kami naalala?” tanong ko kaya umiling ito. “Hindi po!” “Okay lang iyan, anak, may sasabihin sana kami sa inyo ni Gavin.” Sabi ko kaya napakunot ang noo ni Gavin sa akin. “Ano pong totoo dad?” saad naman nito. “Hindi talaga kami ang totoong magulang ni Mia.” Sabi ko. “Ano pong ibig ninyong sabihin dad?” nalilitong sabi ni Gavin habang si Mia ay walang reaksyon na mababakas dito “I am not your real father Mia, ako ang nagligtas sayo noong bata ka pa nang maaksidente ang school bus ng sinasakyan mo anak, or sinasakyan ninyo ng kakambal mo na si Lia.” Pagsisimula ko sa pagsisiwalat ng katotohanan. “Pero ikaw lang ang nailigtas namin at hindi namin alam noon na dalawa kayong natira sa buss na nahulog ng mawalan iyon ng preno. Halos tulala ka at wala sa sarili noon. Pinagtanong ka namin noon kung kanino kang anak pero wala kaming nakita ng mommy Michelle mo na naghahanap sayo. Kaya ipinasya namin na ampunin ka na lang matapos ka naming ipagamot. Nalaman mo ang katotohanan ng nasa edad katorse ka na at naalala mo na ang lahat. Kaya wala kaming inilihim sa iyo, sinasabi ko ito sayo kasi alam kung wala kang naalala ngayon.” Pagkukuwento ko kaya napaluha ito. “Dad, bakit hindi ko ito alam?” nagtataka namang tanong ni Gavin matapos marinig ang mga sinabi ko. “Dahil ayaw ni Mia na malaman mo lalo na dahil matagal na iyong nangyari at ayaw niyang isipan mo siya ng masama, kapag nalaman mong ampon lang namin siya. Pero may balak naman itong umamin sa iyo kapag daw natagpuan na niya ang kapatid nito at mga magulang nilang magkapatid. Nagpatuloy ito sa paghahanap sa kakambal nito at huling usapan namin ni Mia, bago siya naaksidente ay natagpuan na raw niya ang kakambal nitong si Lia, kaya nang araw na magpaalam ito sa iyo ay alam namin nakatatagpuin nito ang kapatid niya. Pero ang masamang balita ay naaksidente nga ito at nakasama sa kanyang aksidente ang kakambal niya.” Mahabang paliwanag namin kay Gavin. “Bakit ngayon ninyo lang po ito sinasabi sa akin?” muling tanong ni Gavin na naiiyak na dahil nagegets na nito siguro nais naming ipahiwatig. “Siguro naman ay nakatanggap ka na ng mga copy ng mga nakalap na ebidensya sa pagkamatay ni Mia, na galing sa totoong magulang ni Mia. At tinatanong mo na siguro ngayon kung sino ang kasama ng asawa mo sa aksidente?” tanong ko rito kaya napatango ito. “Oo nga po, kaya lang malabo ang mukha ng kasama ni Mia sa sasakyan nito.” “Iyan ang gusto kong sabihin sa inyo ni Mia, ang kasama mo anak sa aksidente ay ang kakambal mo. Kaya posibleng isa ka sa kambal na naaksidente sa sasakyan na iyon at isa sainyo ang nakaligtas sa pagkabangga ng sasakyan na sinasakyan ninyo ng kakambal mo. Kaya pwede kang maging si Mia na anak namin or pwede kang maging si Lia na kakambal ng anak namin.” Baling ko kay Mia. Kaya napakunot ang noo nito. “Paano ninyo masasabing isa ako sa kambal?” naguguluhang tanong nito at napatingin ito kay Gavin. Napamura naman si Gavin kaya nagtataka akong napatingin dito. “Gavin may problema ba?” naguguluhan ko ring tanong dito kaya napabuntong hininga ito. “Daddy Marlon at mommy Michelle may dapat kayong malaman!” Nanghihinang sabi ni Gavin. “Ano ang dapat naming malaman?” “Impossible pong maging si Mia or si Lia ang kaharap natin. Dahil kamukha lang po niya ang asawa ko at kakambal nito kung meron man, dahil po hindi talaga siya ang totoong si Mia, ang pangalan po talaga niya ay si Amanda Lorenzo.” “Ano bang pinagsasabi mo Gavin?” ako naman ngayon ang naguguluhan sa mga sinasabi ng dalawa. “Ang totoo po niyan ay hindi ko pa po talaga natatagpuan si Mia, at pinagpanggap ko lang po siya dahil kay James dahil inakala nito na siya ang mommy nito, para hindi na po ito malungkot,” sabi ni Gavin kaya napakunot ang noo ko. “Sinasabi mo ba na hindi siya ang isa sa kambal?” nagigimbal na saad ko at hindi ako makapaniwala. “'Wag kang magbiro ng ganyan Gavin,” sabi naman ng asawa kong si Michelle. Umiling lang ito at walang balak na sabihing nagbibiro lang ito kaya nanghina kami ng asawa ko sa narinig namin. “So wala ring saysay na umuwi kami dito, dahil posibleng wala na talagang nabuhay sa anak namin at sa kakambal nito?” nanghihinang tanong ko. “O-opo, daddy Marlon patawad po!” Sagot naman ni Gavin. “Paanong nangyari iyon? Mapapatunayan mo bang hindi talaga siya ang kambal na si Mia at Lia?” hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na isa sa kambal ang kaharap naming ngayon ng asawa ko. “Totoo po, pinagpanggap ko lang po siya at wala naman po talaga siyang amnesia, pinagpanggap ko po siya para sa anak namin ni Mia. Kaya po imposibleng isa siya sa kambal daddy Marlon.” Umiiyak nang saad ni Gavin. “Ano nga ang pruweba mo na hindi siya si Mia or si Lia, tell me, Gavin!?” “Dahil po, noong una ay naisip ko na noon na siya so Mia, kaya po nagsagawa ako ng DNA TEST kina James at Amanda noong araw na pinakasalan at inuwi ko si Amanda rito. Pero po nag negative po ang result.” Saad nito at tumayo ito at pumasok ito sa opisina niya na nandito lang sa sala. Saglit lang itong nawala at maya maya ay lumabas na ito habang may hawak na brown na envelope. Nanginginig kong kinuha iyon at agad kong tiningnan, negative nga ito dahil zero percent ang nabasa ko sa nakasulat sa papel. “Gavin, pina DNA TEST mo ako na hindi ko alam!” Saad naman ng babaeng kamukhang kamukha ng anak naming si Mia. “Sorry, gusto ko lang kasing maunawaan kung bakit mo kamukha ang asawa ko, kaya nga nang malaman kong hindi ikaw siya ay ang pinagamit ko sa iyong totoong pangalan para walang bisa ang kasal natin dahil umaasa ako noon na buhay pa si Mia ang asawa ko kung sakaling bumalik siya or mahanap ko ay hindi na tayo mahihirapan.” Paliwanag naman ni Gavin kay Amanda. “Kung ganoon ay wala na talaga ang ating anak na si Mia, Marlon!!” Umiiyak na sabat naman ng asawa ko kaya napatango ako. LOGAN I CAN'T believe my mom, actually went ahead and set a wedding date for me at sa babaeng hindi ko pa nakikita without my knowledge, ang kulit talaga nito, mapagtitiyagaan ko pa ang pangungulit nito sa akin na magka-anak na ako, pero ang ganito ay parang kalabisan na sa pagkatao ko. Inimbitahan pa nito ang lahat ng mga kaibigan nito sa darating ko raw na engagement party kaya lalong kumulo ang dugo ko sa inis ko sa aking ina. “Mom you are joking right?” naiinis kong tanong dito ngunit ngumiti lang ito. “Syempre hindi si Son, kailan ba ako nagbiro pagdating sa buhay mo,” sagot naman nito. “Pero mom, hindi ko pa nga siya nakikita or nakikilala man lang kaya paano ko siya pakakasalan?” “Basta, magugustuhan mo siya at alam kung magugustuhan ka rin niya at saka isa pa kilala ang mapapangasawa mo kaya alam kung bagay kayo son.” Kinikilig pang sabi nito. “Pero mom, ayoko pang mag-asawa.” Naiinis ko ng sabi dito. “No buts, okay and as you can see am getting old so what will make me right now is to see you a happy married,” saad pa nito bago ito umalis ng hindi man lang niya ako pinagsalita pa. GAVIN I AM so happy that the judge gave Claire a very good punishment but it's not enough because the Claire I knew will always find a way para makalabas sa kulungan na iyon which means I have to make sure both Amanda and James are safe. Nasa opisina ako ngayon at nag-aayos ng files nang bumukas ang pinto at tumambad sa harapan ko si Logan. “Hey dude, kumusta ka na?” “Okay lang eto, marami akong iniisip nitong mga nakaraang araw,” sagot ko na naman dito. “Narinig ko nga pala kung ano ang nangyari kay Claire at siya pala ang may kasalanan ng pagkakaaksidente ng asawa mo, pasensya na dude kung wala ako dito para damayan ka may sarili din kasi akong problema,” Saad nito sa akin kaya tinapik ko ang balikat nito. “Ano nga pala ang sadya mo rito at napadalaw ka.” “Ikakasal na kasi ako sa hindi ko kilala kaya naiinis ako, kahit kailan talaga si mommy ata na mag-asawa at lalo na magkaanak ako.” Nakabusangot na sagot nito. “Seryoso ka ba? Aba congrats, mabuti nga iyan para magseryoso ka na ngayon at hindi ka na pabata,” sabi ko naman na natatawa rito kaya napakamot ito ng ulo. “Seryoso ka dude ni hindi ko pa nga nakikilala ang gustong ipakasal sa akin ni Mommy. At ang malalapa ay ngayong weekend na ang kasal ko,” seryoso nitong sabi. “Oh, eh congrats parin, malay mo magustuhan mo rin ang mapapangasawa mo, subukan mo lang dude at kapag 'di kayo nag work ang dali lang mag annull.” Natatawa kong sabi kaya napabusangot ang mukha nito kaya natawa ako. AMANDA NANDITO ako ngayon sa clinic para magpacheck up, dahil habang tumatagal ay patindi ng patindi ang mga napapanaginipan ko, kaya kailangan kong malinawan sa mga panaginip ko na iyon at para na rin mahanap ko na ang sarili ko kung sino ba talaga ako. Matapos kasi nang usapan namin ng mga magulang ng totoong Mia at ni Gavin ay lalong gumulo ang mga nakikita ko sa aking panaginip at napapadalas na ang pananakit ng aking ulo, kaya napagdesisyonan ko nang magpatingin sa isang psychologists. Ilang minuto lang ang hinintay ko at sa wakas ay tinawag na ang pangalan ko para makapag-appointment na ako dito. Ilang oras din akong nasa loob at nang makalabas ako ay medyo guminhawa ang isipan ko. Kaya sana ay tuloy tuloy na ito para sa lalong madaling panahon ay maibalik ko na ang totoo kong pagkatao. CLAIRE NGAYON na ang araw na mahahatulan ako ng pagkakakulong sa kasong pagtangka kung pagpatay kay Mia na asawa ni Gavin. Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran ko, pero hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng nagawa ko sa Miang iyon. Pero hindi pa ang oras para magsaya sina Gavin, dahil anumang araw ay darating na ang isang taong magliligtas sa akin sa kulungan na ito at handang ipaghiganti ako sa sinapit ko sa kabiguan ko kay Gavin. Nag-uumpisa pa lang ako sa lahat ng ito. Ang sakit na idinulot nila sa buhay ko ay walang kapatawaran at nagsisimula pa lang ako sa mga plano ko kung paano ko makukuha si Gavin. Kung akala ni Gavin ay ang pagtangka ko sa buhay ng asawa niya ang pinakamalaki ko ng nagawang kasalanan ay nagkakamali siya, dahil may isa pa akong ginawa na alam ko sa mga oras na ito ay ikinagugulo na ng mga isipan nila, lalong lalo na ang Amandang iyon, hindi nila alam na pinaglalaruan ko lang sila at hindi pa ito ang pinakamatinding gagawin ko sa kanila. Napangisi ako nang maalala ko ang isa pang kasalanan ko sa mag-asawa. ‘Ano nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa iyo, naipadala mo na ba ang pekeng result na DNA TEST kay Gavin sa babaeng iyon.' Kausap ko sa tauhan kong binayaran para isabutahe ang DNA TEST ni Gavin sa Amandang iyon hinarang ko lang naman ang totoong result ng DNA TEST at pinalitan ko ng pekeng result. ‘Yes, boss, at kapag natanggap na niya ang pekeng resulta ay masasaktan at malulungkot si Mr. Gavin, hindi niya malalaman ang katotohanan sa tunay na pagkatao ng babaeng kasama pinagpanggap niyang asawa nito.” Nnakangising sagot naman ng tauhan ko kaya pinuri ko ito. ‘Salamat, ipagpatuloy mo lang ang pagmamanman mo sa Amandang iyon, maliwanag.’ Utos ko rito kaya tumango ito. Kaya napangisi ako habang hawak ko ang totoong resulta. Ilang araw kasi matapos kung makuha ang totoong result ng DNA TEST na ipinagawa ni Gavin ay sabik ko itong binasa at tama nga ang hula ko, ang babaeng iyon ay isa sa kambal na pinapahanap ni Tito Jordan Guerrero na matalik na kaibigan ni daddy noong hindi pa sila nagkakasira pero wala na akong pakialam doon ang importante ay magagamit ko ito sa oras na magkaipitan ng sitwasyon. Napakuyom ako ng kamao matapos ko iyon maalala at napangisi ng nakakaloko, kaya lalo kong sisiguraduhing makakatakas ako rito sa kahit anong paraan, kaya humanda sila sa paniningil ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD