9

2269 Words
MARLON MATAPOS kung makita ang video at mabasa ang sulat ay masaya ko itong ibinalita kay Michelle, kaya nagpasya kaming umuwi ng Maynila at puntahan ang aking anak na kasama na ulit ni Gavin. Kinakabahan ako at ang aking asawa, dahil hindi na kami makapaghintay na makita ang aming anak. Pero ang problema lang ay alam naming hindi kami maalala nito dahil nagkaroon ito ng amnesia. At ang isa pa naming inaalala ay baka nga hindi ito si Mia at ito ay ang kakambal nitong si Lia na lumaki raw sa ampunan at nakipagkita kay Mia ng araw na maaksidente ito na ikinpahamak nilang magkapatid Masama mang sabihin ito, pero umaasa ako na si Mia siya at hindi ang kakambal nito, kaya ngayon pa lang ay humingi na ako ng sorry kay Lord, dahil sa hinahangad kung sana ay si Mia ito, dahil miss na miss na talaga namin ito. Kahit kasi hindi namin ito tunay na anak ay minahal namin ito ni Michelle higit pa sa tunay na anak. NAKARATING na kami sa isa sa aming mansyon sa Maynila, kaya ipinatawag ko ang isa sa aking mga tauhan na aking pinagkakatiwalaan, upang makakuha ng impormasyon tungkol sa mamamatay-taong iyon na nagplano sa aksidente ni Mia. “Pinaghahanap na po namin si Sir, miss Claire Hamilton at nakausap na rin namin si mr Gavin at nasabi ko na po sa kanya na umuwi na po kayo kaya anumang oras ay pwede nyo na po siyang puntahan.” Balita sa akin ng aking tauhan. “Okay, maaari kang umalis at siguraduhin mong babantayan mo ang aking anak na si Mia alam kung hindi pa rito nagtatapos ang babaeng iyon dahil alam kung alam na nito na buhay ang aming anak.” Bilin ko rito dahil pinababantayan ko ito sa kanya. “Yes boss, makakaasa ka pong wala ng nangyaring masama kay Miss Mia.” Sabi naman nito bago umalis. Konting panahon nalang anak at magkikita na tayong muli. Saad ko sa aking isipan at lumabas na sa opisina ko at pinuntahan ko ang aking mahal na asawa na nag-aayos ng mga gamit namin. AMANDA PAGKATAPOS kong umalis sa kompanya ni Gavin ay dumiretso ako sa park para pakalmahin ang sarili ko bago ako umuwi. Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Miss Maurine. “Welcome back madam,” bati agad ni miss Maurine, before i step into the house. “Salamat Miss, Maurine, naka-uwi na po ba si James?” tanong at sagot ko rito. “Opo, inihatid po siya rito ni Sir. Gabriel. Gusto mo po bang kumain?” sagot at tanong niya sa akin. “Salamat na lang po, miss Maurine, hindi po ako nagugutom, kakain na lang po ako mamaya pag nagutom na ako,”sagot ko. “Okay ma'am!” “Nasaan nga po pala si James ngayon?” Tanong ko habang inilibot ang tingin sa buong bahay. “Nasa kanyang silid po, tatawagin ko po ba?” “Okay po, miss Maurine nasa silid ko lang po ako pakisabi na lang po kay James.” “Okay po ma'am, sasabihin ko po sa kanya,” sabi niya at umalis na para tawagin si James. Kaya dumiretso na muna sa kwarto namin at nagbihis ng damit, pero habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang hindi umiiyak dahil nasasaktan siya sa mga sinabi sa kanya ni Gavin kanina. CLAIRE LALABAS na sana ako nang may mga pulis na pumasok sa bahay ko. “Who the hell are you?” Curious kong tanong. “Miss, Claire Hamilton, are you are under arrest for the murder of miss Mia Osana,” one of the men said na mga pulis pala. “Anong pinagsasabi ninyo? Wala akong pinatay at anong patunay ang mayroon kayo?” galit kung tanong. “Mayroon kaming patunay at ebidensya, kaya sa presinto ka na lang magpaliwanag.” Anito. “Inosente ako, wala akong pinapatay, pakawalan nyo ako.” Sigaw ko ngunit kinaladkad na nila ako papasok sa mobile patrol. Kaya wala akong nagawa kundi ang sumama, tinawagan ko ang abogado ko para linisin ang ibinibintang nila sa akin. SAMANTALA, Kumusta ang operasyon naging successful ba?” tanong ko sa doktor kaya ngumiti ito. “Naging maayos naman lahat Mr, Jacob!” Sagot ng doktor. “Mabuti naman, kailan siya magkakaroon ng malay?” muli kong sagot. “May malay na po siya, kanina nakatulog lang po dahil kailangan niya ng maraming pahinga dahil kakarecover lang niya mula sa pagkakacoma.” Sagot naman ng doktor kaya napangisi ako. Umalis na rin naman ang doktor at pumasok ako sa ward ng babae at pinagmasdan ito. Walang duda ang mukha nito perpekto at walang makikitang mali sa pag-opera ng doktor na ipinagkatiwala ko sa pagbabago ng mukha nito. Sa lalong madaling panahon ay makakaganti na rin ako sa'yo, Eduardo Milestone at sa anak mong kay Gavin, humanda kayo sa pasabog na ibabato ko sainyo,” aniya na may ngisi sa kanyang mga labi. MAKALIPAS ng ilang linggo ay muli akong dumalaw sa ospital at pumasok sa opisina ng doktor na lagi kung pinupuntahan. “Where's the woman, Doc. Benites?” tanong ko rito ng makapasok ako sa opisina nito. “She's very healthy and ready for your mission, Mr. Jacob.” Sabi nito. “Good news at ihatid mo siya sa akin para makita ko kung gaano ka perpekto ang ginawa mo sa kanya, Doc. Benitez.” Utos kong sabi dito kaya tumango ito. May tinawagan ito sa telepono na nakakonekta sa ward ng pasyente nito. Hindi nagtagal ay may dumating na isang nurse at kasama ang babaeng pinagamot at pina-opera ko. “Good perfect. Ano nga ang iyong pangalan iha?” tanong ko sa babae at saka ko ito hinagod ng tingin mula paa hanggang sa mukha nito. My name is Mia Osana, sir!” Sagot nito at matamang tumingin sa akin na may ngiti sa labi. Pumalakpak ako at napangisi habang ninanamnam ko ang magiging tagumpay ng aking mga plano. “Oras na!” sabi ko at saka ako tumayo sa aking pagkaka-upo. GAVIN I JUST feel so furious, angry and devastated, I know I shouldn't have talked to Amanda like that, but I can't just control the anger because I hate to let anyone see me at my worst state. Pagkaalis ni Amanda ay kinuha ko ang susi ng kotse ko at lumabas ng opisina dumiretso sa parking lot, pumasok na ako sa kotse ko at pinaandar ito. Dumiretso ako sa police station habang galit na galit ako sa nalaman ko, gusto kong makita si Claire dahil inaresto agad ito ng mga pulis, dahil matibay ang ebidensya rito, pagkarating ko roon ay agad akong dinala sa selda kung nasaan ang babaeng iyon nakalagak. “Bakit mo pinatay ang asawa ko? Ano bang ginawa ko sayo at ng asawa ko?” galit na galit kong tanong. “She was on my way dahil sagabal siya para mapansin mo ako, so I have to clear her off my path, pero hindi ako ang pumatay sa asawa mo, sabihin na natin na ako nga ang may kasalanan sa pagkawala ng preno ng sasakyan ng asawa mo, pero hindi ako ang pumatay sa kanya.” sabi nito at tumawa hindi man lang ito nagdeny sa kasalanan niya sa asawa ko. “How dare you?” Sabi ko na handang sumunggaban ito ngunit hinawakan ako ng isa sa mga opisyal na naroon. “Alam mo kung bakit ko nagawa iyon? dahil sa iyo kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit wala na siya sa iyo at patay na siya. Dahil inagaw ka niya sa akin, matagal na akong may gusto sa iyo, pero hindi ka nagkaroon ng time sa akin, para ako dapat ang mahalin mo, dahil sa kanya kaya dapat lang sa kanya na namatay na siya.” Sigaw nito sa akin, kaya lalo akong naggalaiti sa galit dito. “Hindi porke na ako ang nasa mga ebidensyang nakalap mo ay ako na ang pumatay sa asawa mo. Kaya you should better watch your back Gavin, besides maraming lihim na may galit sa iyo bukod sa akin, kaya baka malay mo nasa paligid lang sila para masaktan ka.” she said at saka ito tumawa ng parang demonyo. “I will make sure you stay here for the rest of your life here Claire at hindi ka na makakalabas dito.” Galit na sabi ko at umalis na sa station. Hindi nagtagal ay nakarating na ako sa bahay at nakasalubong ko si Miss Maurine sa sala. “Welcome home sir.” Bati niya sa akin ngunit tinanguan ko lang ito dahil wala ako sa mood para maging masigla. “Ahm, miss Maurine, nasaan nga po pala si ma'am Mia mo?” tanong ko na ang tinutukoy ko ay si Amanda. “Nasa silid na po niya si madam Mia po.” Sagot niya kaya dumiretso na ako sa silid namin, pagkabukas ko nang pinto at nakita ko si Amanda na mahimbing na natutulog na may luha pa sa mga mata nito. Naaawa akong nilapitan ito at saka ko ito mahinang ginising. “Amanda!” tawag ko at pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata nito. Nasasaktan ako na makita itong umiiyak ito ng dahil sa akin, dahil kahit sa konting nakasama ko ito ay lihim ko na itong minamahal. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil hindi ko pa alam kung buhay pa si Mia, at ayaw kong magkaroon ito nang damdamin sa akin kung sa bandang huli ay masasaktan ko lang ito. Pero nang malaman kong patay na talaga si Mia, dahil sa mga ebidensyang nagtuturong namatay nga ito sa pagsabog ng sasakyan nitong naaksidente. Ay hindi ko na maiwasang ilabas ang damdamin ko para dito na pinipigilan kong ipakita rito noon, dahil ayaw ko itong umasa na mamahalin ko ito ng higit pa kay Mia. Dahil wala pang patunay na patay na ang asawa ko, pero ngayong sure na akong wala ang asawa ko ay susubukan ko na ang sarili kong magmahal ng iba at si Amanda iyon. Asawa ko na siya ngayon kaya hindi ko na ito pakakawalan pa dahil na ipinakita nitong karapatdapat ko itong mahalin, dahil alam kung magiging mabuting asawa at ina ito sa amin ni James. Aayusin ko lang ang dapat ayusin at kapag okay na ang lahat ay sasabihin ko na dito kung gaano ko na ito kamahal. Naputol ang pag-iisip ko ng magising ito at tumingin sa akin. “G-Gavin nandito ka na pala,” saad nito at agad na tumayo at lumayo sa akin. Kaya napakunot ang noo ko at nagtataka akong tumingin dito. “Amanda?” “'Wag kang lalapit!” sabi nito nang lalapitan ko na sana ito. “I'm so sorry kung nasigawan kita kanina, hindi ko sinasadya,” sabi ko at lalapitan ko sana ulit ito ng lalo itong lumayo sa akin. “Okay lang iyon, wala naman akong karapatang magtampo kung iyon ang mga nasabi mo sa akin, alam ko naman kung saan ang lugar ko sa buhay mo, mr. Gavin!” Sabi nito at umiwas ng tingin sa akin. “Amanda, pwede bang itigil mo ang pagtawag sa akin ng Mr. Gavin, hindi ko talaga sinasadya na magsalita ako ng ganoon kaya karapatan mong magalit sa akin, pero sana huwag naman tayong bumalik sa dati na pormal ang tawag mo sa akin, you're my wife no. . . sabi ko habang nangangalit ang mga ngipin ko, ngunit sumabat na ito at hindi na pinatapos ang sasabihin ko. “Naiintindihan ko iyon at saka iyong mga sinabi mo, totoo namang substitute lang ako kaya dapat ko iyong tandaan at ilugar ang sarili ko sa inyo ni James.” Pumiyok ang boses nito ng sabihin iyon. “Stop to talk to me like that, kung anuman ang mga nasabi ko kalimutan mo na iyon, sasabihin ko sa iyo ang lahat at kung bakit ako nagalit kanina, so please, 'wag mo sanang dibdibin ang mga sinabi ko, pinagsisihan ko na iyon. So please, makinig ka sa akin at pagkatiwalaan mo ako!” Pagsusumamo ko rito. Ilang segundo niya akong tiningnan at maya maya ay tumango ito, kaya napangiti ako at sabik ko itong nilapitan at saka niyakap ng mahigpit pero hindi niya iyon sinuklian kaya nalungkot ako. CLAIRE NAGULAT ako nang may nagsabi sa akin na isang pulis na may dalaw daw ako at si Gavin Milestone ang pangalan nito. Kaya sobrang saya ko at agad akong sumama sa pulis. Para puntahan si Gavin sa visiting area at nakita ko si Gavin na hinihintay ako kaya nilapitan ko ito, tinawag ko ito kaya tumingin ito sa akin nang masama kaya napaatras ako. Dumating lang pala ito para komprontahin ako sa ginawa ko sa asawa nito. Nagkasumbatan kami at hindi ko dininay ang bintang nito sa akin at hindi ko rin ito itinama, at sa huli ay tinawanan ko lang ito at iniwanan ko ito ng palaisipan tungkol sa pagkamatay ng asawa nitong si Mia. Pagkaalis ni Gavin ay napasigaw ako sa inis at masama kong tiningnan ang nilabasan nito. “Hindi pa tayo tapos, akala mo dahil napakulong muna ako ay nakamit mo na ang hustisya sa pagkamatay ng asawa mo, hindi Gavin, hindi, dahil simula pa lang ito kaya humanda kayo sa susunod naming mga plano,” Sabi ko habang napakuyom ang mga kamao ko sa galit. Nakaupo ako sa sahig ng aking kinalalagyan ng makabalik ako sa selda, habang nag-iisip kung paano ako makakaalis sa mabahong selda na ito. ‘I need to find out who gave the evidence to the police, but first I need to find the way para makaalis dito.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD