KURT DE MERCEDES
DALAWANG BUWAN na ang lumipas nang huli naming pag-uusap ni Ethan. Maraming nangyari sa buwan na iyon, una na rito ang hiwalayan namin ni Mary. Hindi ko siya pinigilan ng mga oras na iyon, kasi para sa akin ba't ko ipipilit ang sarili ko sa taong nagsasawa na sa 'kin? At isa pa katawan lang din ang habol niya sa akin. Wala siyang pinagkaiba sa mga dati kong kasintahan. Sa ngayon, naniniwala na akong darating din iyong babaeng para talaga sa akin. Napagtanto ko na rin naman na masyado pa akong bata para problemahin ang pag-ibig na 'yan.
Si Ethan naman ay kailanman hindi ko na pinansin simula noong inamin niya sa akin kung ano'ng klaseng hayop siya. Sinubukan niyang makipag-ayos nang ilang ulit, but I chose to ignore him. Hangin na lang siya sa 'kin na kailanman hindi ko makikita.
Nasa cafeteria ako ngayon para mag lunch mag-isa. Kung tutuusin, sampung minuto na lang para tumunog na ang bell. Pero ngayon lang ako pumasok dito kasi wala ng tao. Ayaw ko kasi kapag crowded. My ex bestfriend knows it. Nag order na ako ng makakain, pagkuha ko sa aking order ay bumalik na ako sa table at nagsimula ng kumain.
Minutes after, tumunog na nga ang bell na sinabi ko kanina, pero patuloy pa rin ako sa pagkain. Nagugutom na kasi talaga ako. Wala rin naman akong pakialam sa bell na iyon. I have my own rules. Mas mahalaga naman ang kalusugan kaysa sa pag-aaral, 'di ba? At isa pa, ngayong araw lang naman ako mahuhuli. Hindi naman siguro ako mababagsak kung mangyari iyon.
Nang natapos na akong kumain ay dumiretso na akong pumasok sa classroom habang busy sa pagtuturo si ma'am. Napalingon sa akin ang lahat nang makitang pumasok ako.
"De Mercedes, good afternoon. Sorry, I'm late," sarkastikong sabi ni Ma'am. "I'll remind you. Your attitude are too much to handle!" singhal niya na labis na ikinagulat ko. Biglang nagbago ang ugali niya. Mula sa maamong pusa, naging mapangahas na leon.
"Sorry," mabilisan kong sabi sabay upo at hindi man lang siya nagawang tingnan.
"Ano'ng klaseng sorry 'yan? Ganyan ka ba talaga pinalaki ng parents mo? Bastos?" inis na wika nito.
Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Sorry Ma'am kung nabastos kita. Pero I guess, mali 'yong isali mo pa ang parents ko rito. You're a teacher, alam mo dapat sana iyon."
"Ma'am, puwede mo na bang ipagpatuloy ang lecture niyo?" hiling ni Ethan at alam ko ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Para hindi na ako mapagalitan ni Ma'am. Iyon rin naman ang palagi niyang ginagawa sa akin. Sinasalba ako sa gulo dahil sa ugali ko.
Tiningnan ko siya. "Ano bakla? I should be thankful to you? Utang ko na ang buhay ko sa 'yo!? 'Yon ba ang gusto mong mangyari?" inis kong sabi. Katabi ko lang kasi siya sa upuan. Nakakadiri nga.
"Br... I mean Kurt. 'Wag ka naman ganyan," mahinang sabi nito.
Hindi ko na ito sinagot at mas piniling tumahimik na lang. Sayang ang oras ko kong makipag-usap pa ako sa kanya. Open forum ang activity namin ngayon at dapat isa-isa ay may maibahaging kuwento. Malapit na ako kaya naiinis na ako dahil wala naman akong maikuwento sa kanila. Ang corny talaga nang ganitong activity. Hindi ko masikmura.
Hanggang sa...
"De Mercedes, stand up," utos ni Ma'am.
Tumayo ako dahil wala rin naman akong magagawa. Bumuntonghininga ako para mawala ang antok ko. Kanina pa kasi ako naiinip. Ang corny ng story nila sa buhay. Walang aral.
"Mag-share ka na. It's your turn," sabi ni Ma'am.
Muli akong bumuntonghininga. "Fine. I hate gays. For me, they are not human. All of them are piece of trash na ang sarap itapon sa basurahan kung saan sila bagay." Tiningnan ko si Ma'am na nakatulalang tinitingnan ako. "Please don't get me wrong, I'm just being me."
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko at alam kong nagulat sila sa sinabi ko. Hindi ko rin naman sila masisisi. Pag-upo ko muli sa upuan, si Ethan na naman ang tumayo.
"Alam ko, na matapos kong sabihin ito," anito.
Napatingin ako sa kanya dahil nanginginig iyong boses niya. Alam kong may gusto siyang sasabihin sa lahat.
Pagpapatuloy niya. "Iilan sa inyo rito ay huhusgahan ako, pandidirian ako, lalayo ang loob sa 'kin." Tiningnan niya ako. "At iiwasan ako." Ibinaling na niya ang atensyon sa mga kaklase ko. "Pero ito na ang oras para malaman niyo rin ang totoo kasi pagod na rin naman ako sa pagtatago. Ang hirap pala." Huminga ito nang malalim sabay sabing, "I'm gay. Salamat."
Nagtinginan ang lahat sa akin matapos umamin ni Ethan. Napatanong naman ako sa aking sarili. Ako ba ang umamin na isang bakla? Hayop? Bakit nasa akin ang mga mata nila?
Kinalabit ako ng kaklase namin na nakaupo sa likuran ko.
Paglingon ko...
"So you hated, Ethan? Your only best friend? How come? Paano ba siya naging bakla? Baka ikaw ang dahilan?" tanong nito.
Inirapan ko ito. "F*ck you. It's none of your business."
Minutes after, class dismissed. Dumiretso na ako sa rooftop para lumanghap sana ng preskong hangin. Pero pagdating ko roon ay umiiyak na Ethan ang naabutan ko. Nagtama ang mga mata namin. Nangingilid naman ang luha ko nang makita siya. Masakit din para sa akin na makita siyang nasasaktan. Kahit galit ako sa kanya, hindi maiaalis na ang katotohanang dati ko siyang kaibigan. Malapit siya sa puso ko.
Pagtalikod ko para umalis na sana ay bigla itong nagsalita.
"You promised me to be my best friend forever. Yes, I'm gay! Basehan na ba 'yon para ganoon kadali itapon mo ang pagkakaibigan natin? Oo, gusto kita na higit pa sa isang kaibigan, pero mali ba iyon?" umiiyak na tanong nito.
Humarap ako sa kanya sabay kuyom ng aking kamao. "Nagsinungaling ka, pinagkatiwalaan kita!"
"Bakit, Kurt? Kung inamin ko ba nang mas maaga. 'Di ka iiwas? 'Di ka mandidiri? Maging kaibigan ba kita? Alam ko kung gaano mo kaayaw sa mga bakla kaya ang hirap para sa akin na aminin iyon sa iyo. Hindi ko alam kung paano sabihin sa iyo. Hindi ko alam paano simulan! Sa palagay mo ba? Madali lang sa akin na itago 'yon sa iyo!? Hindi, Kurt! Sobrang hindi!" umiiyak na paliwanag nito. Nanginginig pa ang mga kamay niya.
"Wala na akong pakialam diyan kung nahihirapan ka. Gaya ng sabi mo kanina, alam mo naman na ayaw ko sa mga bakla. Pero bakit ka pa rin nakikipagkaibigan sa 'kin? Dahil lang ba sa mahal mo ako!? Sobrang babaw mo!" sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang luha sa mga mata ko. Kusang tumulo na ito.
"Oo! Dahil lang sa mahal kita! Pero hindi mababaw ang mahalin ka, Kurt!" giit niya.
"Enough! You give me goosebumps!" pinakita ko sa kanya ang kamay ko. "Kita mo ito? Ebidensya 'yan na diring-diri ako sa 'yo! Sa inyong mga baklang hayop kayo!"
"Bakit ka ba galit sa amin? Wala naman kaming ginawa sa iyo! 1 year and a months of our friendship, wala namang baklang nambabastos sa iyo! Ang pagkakaalam ko, ikaw ang nanyuyura, nang-aapak at nanghuhusga sa mga pagkatao nila, namin! Saksi ako roon!"
Lumapit ako sa kanya. "Wala kang alam sa buhay ko. Manahimik ka!"
"Puwede mo namang sabihin, Kurt! Kaibigan mo pa rin naman ako! Ako pa rin naman ito," anito. Nagpupunas na ito ng luha sa mga mata niya.
"Gusto mo talaga?! Okay!" Huminga ako nang malalim. "4 years ago, my uncle raped me! Ngayon? Alam mo na kung bakit ganito ako!" sigaw ko.
Hindi ko na napigilang itago pa at nasabi na kay Ethan ang dahilan kung bakit galit ako sa mga bakla. My uncle raped me at 'yan ang rason kung bakit kinamumuhian ko ang mga katulad nila. I know myself na mali 'yong lahatin ko sila, pero 'di ko mapigilan ang emosyon ko kapag nakakita ako ng mga katulad nila. Bumabalik kasi sa isipan ko ang kahayupan na ginawa ng Tito ko sa'kin. Napakulong na siya ng pamilya ko after that incident. Ang sakit lang kasi dahil napamahal na siya sa akin, pero iyon ang nararapat sa kanya, ang makulong! Binaboy niya ang pagkatao ko, ang p*********i ko.
~~~