KABANATA 4

1703 Words
ETHAN RAMIREZ Nagulat ako sa inamin ni Kurt. Ngayon, alam ko na kung bakit ganoon siya kagalit sa aming mga bakla. Alam ko na ang pinaghuhugutan niya ng galit. Pero ang hindi ko lubos maisip, bakit niya ni lahat? Iba kami sa Tito niya. Hindi lahat katulad ng tito niyo. Dapat may gagawin ako para matulungan siya at mabago ang pananaw niya sa buhay. Dahil isang malaking katotohanan, hindi lahat ng bakla ay masamang tao at sana maisip niya iyon. Ipinapangako ko sa aking sarili na tutulungan siya. Kahit na may lamat sa pagitan naming dalawa. Gagawin ko para sa kanya. "Sorry to heard that, Kurt. Pero I want you to know, iba kami sa uncle mo. Hindi lahat ganoon." Tumalikod ito at humagulgol sa pag-iyak. Masakit sa akin na masaksihan ang sakit na kinikimkim niya. "Iiyak mo lang 'yan para kahit papaano ay gagaan 'yang bigat ng nararamdaman mo. Kurt, kaibigan mo pa rin naman ako, 'di ba? Kurt?" "Oo, kaibigan kita, noon. Iba na ang ngayon, Ethan! Gusto mo ako at sobrang awkward to have you again in my life. Honestly, I really missed you. Gusto ko kasama kita palagi, hinahanap kita palagi, miss na kita sobra. Buong ikaw na best friend ko. Pero, paano maibalik 'yon Ethan? Ngayong alam kong mahal mo ako? Paano ko iku-kuwento sa 'yo kung may bago akong magugustuhan na babae? Paano Ethan? How can I share to you kung kikiligin ako sa iba? Masasaktan ka 'pag dumating ang mga oras na iyon. Sobrang nasasaktan ako kasi mukhang 'di na talaga puwede maibalik ang dati." Pumunta ako sa harapan nito tiningnan ko siya. "Wala namang ganyanan, Kurt. Susubukan kong 'di ka na gustuhin! Sapat na ba iyon? You need a friend at nandito ako. Miss na kita." "Kaya mo bang hindi na ako gustuhin?" tanong ni Kurt. "Oo. Ikaw kaya mo bang kaibiganin akong muli? Ako na si Ethan na alam mong isang bakla?" Ngumiti ito. "Trying not fall in love with me? You promised. Narinig ka ni Lord, saksi siya." Napangiti ako. "Ano? Kaya mo ba akong kaibiganin muli? Ako na isang bakla?" tanong kong muli sa best friend ko. Tumango ito kaya niyakap ko ito. Ngayon ay masasabi kong miss na miss ko talaga siya. Hindi bilang crush ko, kung hindi bilang ang matalik kong kaibigan na lagi kong kasangga sa lahat. Lalo na sa mga kalokohan. "Kinikilig ka ba, Ethan?" pag-aalalang tanong nito. "H-hindi!" sigaw ko sabay hampas sa balikat niya. Bakit ganoon na ang iniisip niya? Humiwalay na ito sa pagyakap. "Salamat. Can I still call you, bro? Isn't awkward?" "Yes. I'm still your, bro." Niyakap ako nitong muli. "Buwesit ka! Sobrang miss talaga kita. Sabi ko dati na hangin ka na lang sa 'kin na 'di nakikita. Tama nga, kasi 'di kita nakikita, pero sa dahil hangin ka. Nararamdaman pa rin kita dahil ikaw 'yan, e! Ang best friend ko." "Ang lalim mo. 'Wag kang ganyan baka mas lalong titibok ang puso ko nito," pang-aasar ko. Bumitaw agad ito sa pagyakap at hinampas ako. "Ang bakla mo! Kainis 'to!" "Biro lang, bro. We are in peace. So 'di ko sasayangin iyon," sabi ko. Napakamot ito sa ulo at daliang hinila ako pababa ng rooftop. Tinanong ko ito kung saan kami, pero ang tanging sagot niya ay may babawiin lang siya. Napakunot-noo naman ako sa kaiisip kung ano iyon. Hanggang sa... Napataas naman ang kilay ko ng sa classroom namin niya ako dinala. Napatingin naman sa amin ang lahat lalo pa at alam nilang ayaw ni Kurt sa isang bakla, sa akin. Uupo na sana ako sa aking upuan pero hinablot niya ako papunta sa harapan sa may pisara. "Ano'ng trip mo?" takang tanong ko. "Guys listen! I know iilan sa inyo disappointed sa nasabi ko a while ago. I'm so sorry. I've realized, I can't hate all gays, some of them are good especially my best friend, Ethan," wika ni Kurt. Tinitigan ko ito at nakita ko 'yong ngiting Kurt, 'yong walang halong galit at totoo lang. Nakita ko muli ang kabutihan sa mukha niya at masaya ako roon. Akala ko hindi na muli mangyayari ito. Pero dahil mabait ang tadhana, hinayaan kaming magkaayos. Iba pa rin pala ang nagagawa nito. "May chance ba na maging kayo?" tanong isang kaklase namin. "F*ck you!" inis na sagot ni Kurt. Tiningnan niya ako at inakbayan. "Wala tayong chance, 'di ba? Kasi friend lang tayo." "Oo naman." ••• Tapos na ang klase namin sa huling subject sa hapon. Hinablot naman ako ni Kurt at hinayaan ang sariling sumama sa kanya. Hindi na ako pumalag dahil alam kong gusto lang nitong bumawi sa mga buwan na hindi kami nagkibuan. Pagdaan namin sa pathway ay inaasar na naman ito ng mga bading. "Si Kurt ay jutay, si Kurt ay jutay! Nakita sa banyo si Kurt ay jutay!" sigaw ng mga kapatid kong beki na parang nasa isang fansclub. Alam kong iniinis nila ang kaibigan ko. Napahinto si Kurt at tiningnan ako habang nakasimangot. "Inaaway ako, oh? Ano ang dapat kong gawin?" Tawa ako nang tawa kasi parang batang nagsusumbong sa isang magulang. Mabuti nga ay hindi niya agad ito pinatulan. Sa sandaling ito, hinabaan niya ang kanyang pasensya. "You can smile at them. They need your attention, some of them like you. Admire you," sabi ko. Totoo naman, e. I know most of them had crush on Kurt. "Baka hahabulin ako ng beki? Ang awkward. Hindi ko kaya," reklamo nito. "It's okay. You can handle that! that's the thing I am sure of. Ngitian mo lang sila. Like this oh," wika ko sabay pagpapakita ng ngiti ko sa kanya. Nginitian na ni Kurt ang mga beking nasa bench na kanina ay inaasar siya. Ngayon ay parang mga baliw na ito na naghahampasan dahil sa sobrang saya. Masaya ako para sa kanila kasi we gays, ngiti lang ng taong hinahangaan namin ay sapat na. Ganoon naman iyong role namin dito sa mundo. We are not expecting for something. We. Are. Aware. Of. Everything. "See?" wika ko. "Oo na. Bro, sa bahay muna tayo," hiling nito. "Sige. Sila Tita? Nandoon ba?" tanong ko. Na miss ko na rin kasi iyong mga magulang niya. Close kasi ako sa mga magulang niya. "I'm not sure. Pero kung nandoon 'yon at makita ka nila? Matutuwa ang mga iyon," anito. Sa hindi pagmamayabang, tinuturing na nila ako na parang isang anak. And I am thankful for that. Minutes after, dumating na kami sa bahay nila Kurt. Pero wala sila Tita at tanging mga kasambahay lang nila ang aming nadatnan. Ang buong akala ko pa naman ay makikita ko na silang muli. Matagal-tagal na rin kasi na hindi ako nakapunta rito sa kanila dahil sa away namin ni Kurt. Only child lang si Kurt kaya isa na rin 'yan sa dahilan kung ba't sobrang lambing niyang tao. Mahal niya ang mga taong nakapaligid sa kanya kaya sobrang nag-aalala talaga ako ng panahong galit siya sa akin. Wala kasi siyang ibang kaibigan maliban sa akin. He's lovable, pero sa piling tao, maybe one of the reasons, he cannot give again his trust. Dahil sa nagawa ng Tito niya, may trust issue na siya sa mga tao. "Ethan sa kuwarto tayo," pagyaya ni Kurt. Nanlaki ang mga mata ko. "Okay lang sa iyo?" Kumuno ang noo nito habang tinititigan ako. "Ba't naman hindi? Dahil sa alam kong bakla ka? Okay lang 'yan pero may magbabago talaga like I can't shirtless na in front of you, I can't masturbate na beside you." Tama pala. Pero sayang din. Hindi ko na makita muli iyong alaga niya nang harapan. Namiss ko iyon. "Baliw! Nakita ko rin na naman lahat sa iyo!" pang-aasar ko. Hinila na naman ako nito at nagtanong. "Ano'ng naramdaman mo no'ng oras na 'yon? Nagsasarili ako sa tabi mo? Your crush?" "Nang-iinit syempree, feeling blessed," namumula kong sabi. Everytime na naaalala ko iyon ay hindi ko mapipigilang kiligin. Tumawa ito. "Kadiri ito. Lesson learned, hindi na 'yon mauulit. Magkamatayan man." "Yabang," sabi ko. Tumawa lang ito. "Tara na nga." Pagpasok namin sa kuwarto niya ay agad itong naghubad ng damit. Dahil dalagang pilipina ako, tumalikod na ako. Naririnig ko naman ang pigil niyang tawa at alam kong inaasar niya ako. Akala niya siguro madali itong sitwasyon ko para asarin niya nang ganito. "Tapos na. Humarap ka na!" sigaw niya kahit hindi lang kalayuan ang pagitan namin. Ang sakit tuloy sa tenga. Paglingon ko, naka-underwear lang ito at tawa nang tawa kaya tumalikod akong muli. Baliw ba itong si Kurt? Wagas man trip! Kainis. Pero masilip nga? Joke. Hindi ko kaya. Baka ano pa ang magawa ko saya. Ang sarap pa naman niya. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo!" pahiya kong tanong. Pero ang totoo ay nanginginig na ang mga tuhod ko. Gusto ko siyang kainin nang bubay. Lumuhod sa harapan niya at gawing mikropono ang sandata niya. "Bakit ka nahihiya? Babae ka? Babae? May monay?" panunukso nito. Sinundot pa nito ang tagiliran ko. Pero sige pa. Ah. "Sige Kurt, subukan mo ako. Tingnan lang natin kapag ako ang mapuno, hahawakan ko talaga 'yang alaga mo. 'Di pa naman 'yan kalakihan," pang-aasar ko. Pero totoo. Hindi gaano. "Grabe ito! Hays! Tapos na," patampong sabi nito. Mukhang affected nga sa sinabi ko. Paglingon ko ay nakabihis na nga ito. Napangiti naman ito habang lumapit sa akin. At pagkatapos, niyakap niya ako nang sobrang higpit. Bumuwag ako sa pagyakap sa kanya at ako naman ang nanghampas dito nang may pagmamahal. "Ang lambing mo! Ang awkward, sabi mo may magbabago? Wala naman, e. Mas lalo kang tumamis," sabi ko. "Arte nito. Miss lang talaga kita! Matagal rin kaya 'yong hindi pa tayo bati. Joke lang 'yon. Walang magbabago, sa iyo ko na nga lang mailalabas ang sarili ko. Lilimitahan ko pa. Anyways, doon muna tayo sa balcony para makalanghap ng preskong hangin," saad niya. "Okay. Thank you," sabi ko. Pagdating namin sa balcony. Umupo ito at kumanta sabay sa pagtugtog ng kanyang gitara. Ang ganda talaga ng boses niya. Sa bawat pagkanta niya, the more I realize, how I am stupidly in love with him. Sinabayan ko na siya sa pagkanta. Actually, isa ito sa mga bonding naming dal'wa. Singing together with him is one of my favorites. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD