KURT DE MERCEDES
Tinawag ko ang papalayong kaibigan ko, pero hindi man lang ako nito magawang pansinin. Nagpatuloy lang siya paglalakad na parang walang naririnig. Ang lakas kaya ng boses na pinakawalan ko. Bumuntong huminga na lang at hinabol siya. Hindi ko lang kayang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan naming dalawa. Siya lang ang kaibigan ko sa school kaya hindi ko alam kung paano gumalaw rito na wala siya sa tabi ko.
Nang maabutan ko na siya ay agad ko itong hinarangan. I smile and give him a peace sign, pero yumuko lang ito. Seryoso siyang nakatitig sa sahig nang nakabusangot.
"Peace, bro. Sorry. I'll watch my words next time. Let me ask you, ba't ka ganyan? Kung ipagtanggol mo ang mga bakla parang you are one of them. Aren't you? Joke! Peace. Sorry. Sorry. Sorry."
Tiningnan na niya ako, mata sa mata. Ang talim ng tingin nito sa akin. "Yes, I am."
"Baliw! Balik na tayo sa loob," sabi ko sabay hawak sa braso niya para hilain siya pabalik sa loob ng restaurant.
Nagmatigas siya kaya napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumulo ang luha sa mga mata niya. Bakit ba siya nagkakaganito? He's too emotional.
"Ano na naman ba ang drama mo, bro?" tanong ko.
"I can't keep this forever," sagot niya nang nakayuko.
"Ang ano?" sabi ko sabay hawak sa baba niya at tinitigan siya.
"Magka-iba tayo," mahina niyang sabi. Pero rinig na rinig ko iyon. Wala pa ring humpay ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
"Tama. Guwapo ako at cute ka. Tama na nga 'yang drama mo. Umupo na tayo at kumain. Please kung may sasabihin ka, mamaya na! Gutom na kasi talaga ako," sabi ko sabay hila sa kanya pabalik sa restaurant.
•••
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa isang department store. Sa totoo lang, nababagot na ako kasi kanina pa 'di umiimik si Ethan. Ako lang ang salita nang salita, pero 'di man lang sumasagot. Mukhang may problema talaga siya, kinakabahan tuloy ako.
"Problema mo, bro?" pag-aalalang tanong ko.
"Sarili ko," anito.
"I-kuwento mo lang, makikinig lang ako habang mamimili ng damit," sabi ko.
Siya dapat ang gumagawa nito kasi siya ang magaling dito, pero dahil wala siya sa kanyang sarili. Ako na lang.
"Kurt masaya ako kasi nahanap ko na ang totoong ako. Pero malungkot kasi ang hirap itago at masakit kasi alam kung may mawawalang taong naging parte na ng buhay ko," seryosong sabi nito.
Napatango ako habang nag-iisip sa sinabi niya. Ano raw?
"Ang lalim mo, bro. But please, continue... Makikinig lang ako," paninigurado ko sa kanya. Baka kasi isipin niya na wala akong gana na makinig sa kanya.
"Naalala mo 'yong panahon na una tayong nagkita?" tanong niya.
Napahinto ako sa aking ginawa at tiningnan siya. May kakaiba kasi sa mga tono ng pananalita niya.
7 months ago
Nagpaharurot ako ng takbo nang makitang mauunahan ako ng itim na Porsche sa parking lot. Laking ngiti ko nang tagumpay kong magawa iyon. Para bang nanalo ako sa isang racing. Pagbaba ko sa sasakyan, nakasimangot na lalaki ang bumungad sa akin. May itsura rin ito na katulad ko. Pogi.
"Ako ang nauna. Ba't mo ako inagawan," pagrereklamo niya.
"Kung ikaw? Ba't sasakyan ko ang nandito?" sabi ko sabay hampas sa bagong bili kong sports car. Ang yabang ko lang.
"Inuhan mo lang ako at alam kong alam mo iyon," kalmado niyang sabi.
"Dahil naunahan kita. So hindi kita inagawan," paliwanag ko.
Napangiti siya. "But you intentionally did it. Matatawag pa rin iyon ng pang-aagaw. May utak ka ba?"
Tumaas ang dugo ko dahil naiinis ako sa sinabi niya kaya kinuwelyuhan ko siya.
"Ano ang sabi mo?" inis kong tanong.
"I guess you are not deaf. Bakit ko uulitin? Pero dahil mabait ako, may utak ka ba?" pagmamayabang nito. Kinuwelyuhan niya rin ako. "Stupid brat!"
Present Time
"Yes sa parking lot, muntik na tayong magsuntukan kasi naagawan kita ng puwesto," sabi ko.
Napangiti ako kasi naalala ko iyong first encounter namin. Muntik pa talaga kaming nagsapakan. Ako kasi iyong nang-agaw, pero ako pa iyong galit. Ininis niya kasi ako tapos may pride ako, kaya iyon.
"Weirdest feeling, I've experienced first time on that day. I asked myself? Ba't naramdaman ko 'yon na never ko pang naramdaman noon sa buong buhay ko at 'yon na nga it happens, magkaklase pala tayo at naging magkaibigan pa. How lucky I am to have you. Habang tumatagal ang friendship natin, nilabanan ko naman talaga 'yong weird na pakiramdam na 'yon. Pero hindi ko nakayanan. Ang hirap, Kurt! Alam mo bang nasasaktan ako kasi araw-araw nagsisinungaling ako sa'yo? Takot akong lumayo at mawala ka sa'kin, pero oras na para malaman mo ang totoo na 'yong mga taong pinandidirian mo, kinasusuklaman mo, pinaka ayaw mo ay ganoon a..."
Tumulo ang luha ko. "Enough. Kadiri ka!" tinulak ko siya. "Iba ka rin, Ethan! Sobrang saludo na ako sa iyo! Napakasinungaling mong tao!"
"Bro," sambit nito habang pinunasan niya ang luhang nagsilabasan sa mga mata niya.
"Bro? F*ck you! Subukan mong tawagin ulit ako niyan, 'di lang gulpi ang aabutin mo sa akin. Pinagkatiwalaan kita, pero you chose to lie! Ano? Sobrang saya mo na sabay tayong umiihi? Sobrang saya mo nang minsan sabay tayong naliligo at ako'y hubo't hubad? Ano? Sobrang saya mo sa mga panahong nagjaj*kol ako sa tabi mo na ikaw taga kuha ng lotion at gel sa bag ko!? Ano Ethan!? Ano?" pagsisigaw ko.
Wala akong pakialam kung tinitingnan kami ng mga taong nasa paligid namin. Basta nasasaktan ako, gusto kong maglabas ng hinaing.
"Sorry," paghingi nito ng paumanhin.
"Sh*t!" sigaw ko sabay tapon ng damit sa kanya.
Tumakbo ako palabas ng department store at iyak na ako nang iyak kasi sobrang sakit sa dibdib. Dahil 'yong pinakamatalik mong kaibigan ay puno lang pala ng kasinungalingan.
Paano niya nagawa 'yon? Bakla? Ba't 'di ko 'yon napansin? Ang galing rin magpanggap. I've been fooled. Matapos nang ginawa niya, he will no longer be my best friend.
~~~