Continuation... "AT noong may mangyari sa amin doon sa resort, lasing ako. Nagulat na lang ako nang magising na nasa tabi ko na si Kurt. Natulala ako niyon dahil hubo't hubad siya, kaming dalawa. Pero pinangakuan niya ako ng mga salita na pananagutan niya ako kung mabuntis man ako. Aminado akong sa araw na iyon ay bumigay na ako." Tiningnan niya ako. "Sorry, sir. Wala akong mukhang ihaharap sa iyo dahil sa nagawa namin, pero nandito ako. Taos pusong humingi ng kapatawaran sa iyo." "Pero bakit umabot ng limang buwan ang pagsisinungaling?" tanong ko sabay punas ng luha sa mga mata ko. "Dahil natatakot si Kurt na saktan ka. Ayaw ka niyang makitang masasaktan..." "But still, he did. Hiding it was never an excuse." "Oo at iyon ang pagkakamali niya, namin. Sir, pero gusto kong malaman mo n