ETHAN RAMIREZ "BABY, kailangan mo pa ba talagang umalis?" umiiyak na tanong ni Mommy. Nandito siya sa tabi ko ngayon at tinutulungan akong magligpit ng mga gamit ko. Luluwas kasi ako ng Canada for good bukas. It's been 1 month nang mangyari ang aksidente at hiwalayan namin ni Kurt. Malaki ang nawala sa akin dahil buong buhay ko ay siya. Wala akong tinira sa sarili ko at aminado ako roon. Kaya noong sinaktan niya ako, hindi ko na mahanap ang sarili ko. Isang buwan na ang lumipas, pero bitbit ko pa rin ang sakit. Kaya ang ginawa ko, naghanap ako ng paraan para mawala ito. Gusto kong magpakalayo. Nag-apply ako ng trabaho bilang isang professor sa isang university sa Canada at sa awa ng Diyos, natanggap ako. Noong nalaman ng pamilya ko ang ginawa ni Kurt sa akin, labis ang galit nila rito.