KURT DE MERCEDES KABUWANAN na ni Tia at sobrang kinakabahan na ako sa panganganak niya. Sana hindi siya mahirapan. Sana mapagtagumpayan niya ito. Kahit may malaki akong kasalanan na nagawa sa Diyos, hindi ko pa rin naman nakakalimutang magdasal. Tatlong buwan na ang lumipas nang umalis si Ethan ng bansa, nalaman ko iyon kay Kyro. Hindi ko rin alam kung saan siya galing ng impormasyon, pero ang alam kong totoo ang sinasabi niya. Sa totoo lang, gusto kong pigilan si Ethan niyon pero wala akong magagawa dahil hindi ako makakalakad at isa pa, wala akong karapatan. Una, dahil alam ko na ako ang dahilan nang paglayo niya. Tama nga ang sinabi nila, na roon mo lang makikita ang halaga ng isang tao kapag wala na ito. Kahit ako ang nanakit kay Ethan, bumalik iyon sa akin. Hinanap ko na siya ngayong