KURT DE MERCEDES HABANG papunta ako sa trabaho, napahinto ako sa pagmamaneho nang makakita ng isang ama na buhat ang kanyang anak. Kasama pa niya ang asawa niya at masaya silang naghihintay ng pampasaherong sasakyan. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila, hindi ito ngiti nang dahil saya kung hindi dahil sa sakit. Alam kong malabo akong makabuo nang ganoon hangga't kami pa ni Ethan. Hindi ko rin naman kaya iwan siya dahil ayaw kong masaktan siya nang dahil sa akin. Siguro dahil pinasok ko ang relasyon na ito, pananagutan ko na lang ito. Susubukan ko. Wala na akong ibang magagawa kung hindi ang bumuntonghininga na lang. Mukhang nakasanayan ko na ito. Minuto ang lumipas, pinaandar ko na ang sasakyan dahil baka mahuli pa ako at mapapagalitan ni dad. Nahihiya na ako dahil hindi na