KURT DE MERCEDES Habang kumakain kami ni Tia ng hapunan dito sa mesa ko. Napatawag naman sa akin si Ethan. Alam ko na mangungumusta na ito sa akin. Iyon naman ang palagi niyang ginagawa. Nasanay na rin ako sa pagiging maalahanin niya. Sinagot ko na ito dahil ayaw kong maghintay siya sa akin. "Hi, I love you," bungad ko. "I love you too. Matagal ka pa ba, Langga?" tanong niya sa akin. Sa boses niya, sabik na siyang makita ako. Napatingin ako kay Tia. "Oo. Baka mga 12 siguro, nandiyan na ako." "Sige. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo. Anyways, huwag kang magpakapagod." "I will. Ikaw? Busy ka rin ba?" "Oo. Gumagawa rin ako rito ng lesson plan at activities." "Sige. Babawi lang ako pag-uwi. Salamat sa pag-intindi," nakangiti kong sabi. "Okay, sige na. Baka nakakaabala na ako sa iyo." "Ang