KURT DE MERCEDES "BAKIT ka nagsinungaling, sir?" takang tanong ni Tia. "Dahil kailangan," sabi ko. "Pero mali ang magsinungaling sa partner. Dahil once malaman niya iyon, magkakaroon siya ng duda sa iyo. Hindi mo naman kailangan magsinungaling..." "Magseselos lang siya kung sasabihin ko ang totoo..." "Pero hindi naman siya magseselos kong wala kang gagawin na ikaseselos niya," giit niya. "'Wag na lang natin siyang pag-usapan, Tia. Kumain na lang tayo," sabi ko. Nagsimula na akong kumain habang si Tia ay hindi pa ginagalaw ang pagkain niya. Nakikita ko naman sa mga mata niya ang pag-aalala. "Kumain ka na. Para pa naman ito sa iyo," sabi ko. "Paano kung malaman niya na rito ka pala sa akin pumunta, sir? Na secretary mo..." "Hindi ka lang secretary sa akin..." Tiningnan ko siya nan