ETHAN RAMIREZ
Napangiti lang akong tinitingnan si Kurt na nagpapatugtog ng kanyang gitara habang sinasabayan niya ito ng pagkanta. Sa bawat tunog na lumalabas sa kanyang bibig ay para akong dinadala sa paraisong napakaganda. Sa bawat pagkala-kalabit niya sa kanyang gitara ay mas gwumapo siya sa aking mga mata. At sa bawat pagsabay ko sa tunog ng kanyang nagawang musika ay mas lalo akong nahulog sa kanya. Nakakainis isipin na sa daming butas na puwedeng mahulog, bakit sa kaibigan ko pa.
Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumayo sa kinauupuan niya. Nakita ko ang biglang paglungkot ng mga mata niya.
"Pssst! Ano ang meron?" tanong ko. Sana ay okay lang siya kahit alam kong may dinaramdam siya.
"May lagnat ako no'n Ethan, when Tito raped me. Tinali niya ang kamay ko, tinakpan ang bunganga ko at tinutukan ng baril sa noo. Paano niya kaya nagawa 'yon? Mahal niya ako at iyon ang pagkakaalam ko. Pero bakit nagawa niya 'yon sa akin?" pagkuwento nito na labis na ikinalungkot ko.
Nangingilid ang luha ko nang sinabi niya ang mga iyon kasi nararamdaman ko ang sakit na dinadala niya sa puso niya. Ang sakit malaman na sa murang edad niya ay biktima siya ng panggagahasa. Lalo ko lang naintindihan ang pinaghuhugutan niya ng galit sa katulad namin.
"Siya lang ang makakasagot niyan, Kurt. Ang mahalaga ay nasa kulungan na siya at pinagbayaran niya 'yong kahayupan na ginawa niya sa iyo," sabi ko habang nakatitig sa mukha niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang sakit nang inalala niya ang nangyari.
"Sorry Ethan, kung pati kayo ay nadamay. Bumabalik kasi talaga ang sakit sa puso ko. Pero ngayon, susubukan kong 'di na mainis sa mga katulad niyo. Tama ka nga sa sinabi mo, magkaiba kayo at iba ang Tito ko sa inyo. Sana noon ko pa iyon napagtanto, noh? Ang sama kong tao. Sorry," paghingi niya ng paumanhin. Naririnig ko sa boses niya ang katapatan.
"Basta Kurt, be good na to us, ha? Don't apak-apak our pagkatao. Megegelet seng kebekleen peg genewe me elet eyen," nakangiti kong sabi.
Napakamot ito sa ulo. Makikita sa mukha niya ang labis na inis habang tinitingnan ako. "Ano ba 'yang pananalita mo. Kainis! Umayos ka nga!"
Tawa ako nang tawa kasi naiinis na naman ito. Sinipa ko paa nito kaya tinapunan ako nito ng unan.
"Hindi ka talaga nagpapatalo!" sigaw ko saby tawa.
"Ako pa." Biglang naging seryoso ang mukha nito. "Bro, tanong ko lang. 'Di ba bakla ka? Pero ba't parang wala namang kabakla-bakla sa iyo? Sa pananamit, sa galaw, wala naman. Kahit sa boses, wala! Tunog lalaki pa rin. Ang weird."
"Yes, pero ang sabi nito." Paghawak ko sa puso ko. "Lalaki ang gusto ko."
"Hays! Sure ka ba talagang mainit na waffles ang gusto mo at hindi mainit na bibingka? Sayang din, ha. Habulin ka pa naman ng mga babae sa school. Malay natin nalilito ka pa sa ngayon. Pero sa palagay ko, magiging lalaki ka pa rin at the end."
"Tanggap mo ba talaga ako o hindi? Ang dami mong sinasabi," sagot ko rito. Sinamaan ko pa ito ng tingin.
"Tanggap naman. Pero basta, kung gusto mong magbalik loob sa pagiging isang lalaki? Nandito lang ako, tutulungan kita," nakangiting sabi niya. Ano naman kaya ang magagawa niyang pagtulong, aber?
"Sabi ko nga, 'di ba? Dahil sa iyo nakaramdam ako ng kakaibang feeling when we first met. Ikaw kaya ang may kasalanan nito, Kurt De Mercedes! Ikaw ang nagpabakla sa akin. Babae naman ang gusto ko no'n until we met."
"Sorry kung guwapo ako," pagmamayabang nito. Ngumiti pa ito.
At oo naman talaga. Sobrang gwapo ng lalaking minahal ko. Ang lalaking nagpaliko sa dinadaanan ko. Hindi ko mapakaila ang katotohanang iyon dahil nasa mukha niya ang ebidensiya. Nasa bakat niya ang totoong resistensiya. Urgh.
"Yabang. Buwesit!" inis kong sabi. Pero ang totoo ay kinikilig na ako. Sobra. Gusto ko siya himasin at upuan.
"Can't imagine na magkaka-boyfriend ka, bro. Tapos lalong 'di kita maiimagine na magkaka-bed scene with a guy. Maghahalikan kayo at magyayakapan. Nakakangilo lang! Peace!" tawang-tawang sabi nito.
"Sino bang nagsabi sa iyo na mag imagine ka, ha? Walang namang nag-utos sa iyo!"
Tawa ito nang tawa at ako naman, tinitingnan lang siya. Ang ganda kasi ng mukha niya. Hindi nakakasawang titigan.
Huminto na ito sa pagtawa at tiningnan ako. "Anyways, maliban sa akin. Sino pa ang type mo sa school? Pero bakit ko ba tinanong? Ako lang naman ang guwapo roon? The only Kurt De Mercedes!"
Napangiti ako. "Yabang."
"Totoo naman, e. Pero ano na! Sino? Sino ang crush mo maliban sa akin?"
Bumuntonghininga ako. "Fine. Nakakahiya, pero si..."
"Sino?" mabilisang tanong nito. Makikita mo talaga sa mga mata niya ang galak na malaman kung sino. Ang tsismoso lang.
"King Sly," pahiya kong sagot.
"Luh!" Napangiwi pa ang mukha nito. "Mas guwapo pa ako roon."
"Mas mabait naman 'yon! Mas talented," pang-iinis ko. Gusto ko lang siya maasar.
"Mas magaling pa ako roon! Sintunado 'yon kumanta tapos sobrang tigas ng katawan. Bulag-bingi ka ba?" sigaw nito. Pikonin talaga.
"Sige na, ikaw na ang magaling! Self-proclaimed ka rin talaga," sabi ko. Pero, siya naman talaga, e. Siya lang. Pahimas nga. Urgh.
"Totoo naman talaga," giit niya. Nakakunot-noo pa ito. Gusto niya talagang ipagmamayabang na mas lamang siya kay King Sly. Alam ko naman iyon, e.
"Shube!" sabi ko. Inirapan ko pa ito.
"Baklang jejemon!" sigaw niya.
"Pikoning jutay ka naman!" singhal ko.
"Naglalaway ka naman. Kahit 'di ito kalakihan," sabi nito sabay paghawak sa shorts niya. "Ipinagdadasal mong matikman ito, 'di ba? Tama ako, 'di ba? Dahil kahit anong pagtanggi mo, masarap ako."
"Talo na ako," pagsuko ko. Totoo naman kasi talagang pangarap kong matikman iyong alaga niya.
Tumabi ito sa kinauupuan ko at biglaang humiga sa hita ko. Sinubukan kong alisin ang ulo niya pero hinampas lang niya ang kamay ko. Isip bata talaga! Ito ba 'yong galit sa bakla? Honestly, mas lumambing siya ngayon. Nakakapagtaka lang. Pero gusto ko siya ganito.
"Kurt, kuwento mo naman sa akin 'yong nangyari sa inyo ni Mary," tanong ko. Curious lang ako.
"Hiniwalayan niya ako. That's it! Gusto magpa-ano, e. Tapos ayaw ko," nakanguso nitong sabi. Hinawakan niya ang shorts niya. "Hindi pa ito handa."
"Tumanggi ka talaga sa grasya?" takang tanong ko. Na kay Mary na ang lahat. Pero bakit niya tinanggihan.
"Wala akong pakialam," nakanguso niyang sagot.
"Pero hahayaan mo na lang ba talaga na wala ng kayo? Ipaglaban mo, oy!" sabi ko sabay kurot sa ilong niya.
"Nope. Masasaktan ka at ayaw kong mangyari 'yon." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sinabi nito. Bumangon ba naman ito at nag-asal bata na parang ewan. Hinampas niya ang balikat ko ng dalawang beses. "Kinikilig ka! Kita ko sa ngiti mo. Hoy, Ethan!" pag-iinarte nito. "Kinikilig ka. Ethan naman, e. Traydor ka."
"Assuming ka lang. Hindi mo alam?" pagsisinungaling ko. Pero ang totoo ay grabe iyong kilig ko sa narinig ko. Inaalala niya ang mararamdaman ko. Ang sweet ng best friend ko. Sana all.
"Hays! You promised na hindi mo na ako gugustuhin," pagpapa-alala niya.
"Sabi ko, susubukan ko! Hindi naman ganoon kadali 'yon," paliwanag ko sa parang ewan na si Kurt. Nagsimula na naman siya.
Napatango ito habang napakagat-labi. "Pero may point ka."
"What if 'di ito mabilisang mawala?" seryosong tanong ko habang tinititigan siya.
Ngumuso ito at parang iniisip pa ang isasagot niya. Tinitigan niya rin ako nang seryoso. "What if kung tayo na lang kaya?"
Napaubo ako sa nasabi nito. Hindi ko napaghandaan na ganoon ang sagot niya. Malayo kasi sa sinabi ko.
"Ano? Baliw ka ba?" tanong ko.
"Napa-isip ako, Ethan. What if kung tayo na lang?" tanong niya.
"Baliw ka ba? Parang kanina lang galit na galit ka sa akin dahil gusto kita, 'di mo pa ako pinansin nang halos isang buwan at pagkatapos request mo pa na 'di na kita gugustuhin, 'tapos ngayon? Gusto mo, tayo na lang? Baliw ka na nga, Kurt," paliwanag ko. Hindi ko kasi siya maiintindihan. Pinapaasa niya ako. Gusto ko naman iyon gusto niya, e. Pangarap ko iyon. Ang mapasaakin siya at maging kami.
Humiga itong muli sa binti ko. "Sobrang saya ko 'pag kasama kita, ewan ko ba! Baka gusto rin kita, bro. Baka parehas tayo ng nararamdaman sa isa't isa."
Napangiti ako sa sinabi nito. "Gusto mo ako, totoo 'yon. Pero bilang isang kaibigan lang. 'Wag mong lituhin ang utak mo," sabi ko. E, kasi pinapaasa niya na talaga ako. Marupok pa naman ako. Kunti na lang, bibigay na ako. Pilitin mo pa ang gusto mo, Kurt.
"Hays! Bahala ka! Ang arte mo naman! Tinanggihan mo pa ako. Hindi ba mahal mo naman ako? Iniyakan mo pa ako," pangungulit nito.
"Ikaw? Gusto mo ba ako? 'Di ba hindi? So shut up!" singhal ko. Magpumilit ka pa muli, please. s**t! Isagad mo pa, Kurt.
"Natutunan naman ang love, 'di ba?" seryosong tanong nito.
"Oo, pero wala ka naman sa tamang pag-iisip," sabi ko sabay laro sa buhok niya. Magulo kasi ito.
"Babawiin ko 'yong hiling ko. I will let you to love me, feel free to love me. Hahayaan na kita. Basta 'wag na 'wag ka lang sa iba. Lalo na sa King Sly na iyon! Hindi naman iyon gwapo. Tsk! Akin ka lang bakla ka," asik niya.
Hindi ko na napigilang hindi mapangiti dahil sa mga sinabi niya. Seryoso ba talaga siya? Parang kailan lang ay inis na inis siya sa akin dahil sa pag-amin ko sa kanya. Pero ngayon, siya pa iyong humiling na sana kami na lang. Parang nanalo na rin ako sa lotto nito.
Bongga! Mukhang maya-maya, matitikman ko na siya! Hindi ako tatanggi, tutuwad ako. Boom! Pasok! Urghhhh.
~~~