KURT DE MERCEDES
'F*CKBOY' iyan ang bansag nila sa akin dito sa campus dahil sa walang linggo ay papalit-palit ako ng girlfriend. Hindi nila alam kaya ako iniiwan ng mga babae dahil tinatanggihan ko ang mga alok nila na makasalo ako sa malambot na kama.
Kasalanan ko bang uhaw silang matikman ako?
Kasalanan ko bang gusto nilang magpatuklaw sa alaga ko?
At kasalanan ko bang walang hilig ako sa ganoong bagay?
Hindi naman sa pagmamayabang, kunti na lang kami na natitirang ganito rito sa mundo. Paninindigan ko na ito.
May girlfriend na ulit ako ngayon, si Mary. She's very pretty, matangkad, may maamong mga mata, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, natural ang kilay, malambot na pisngi, mapupulang-labi, gifted ang hinaharap, at magandang hubog ng katawan. Pero ni minsan 'di ko pa siya nasubukang galawin. At wala rin talaga akong balak. Kahit maghubad pa siya at ibuka ang hita niya sa harapan ko, aayaw pa rin ako. Magkamatayan man.
Maiba ang usapan. Nasaan na kaya 'yong Ethan na 'yon? Actually he is my trustworthy best friend, a perfect one.
Nandito ako sa garden ng school ngayon, ito kasi ang tambayan namin dahil maganda, malinis at sariwa ang hangin. May mga naglalakihang puno rin ng narra at mahogany sa paligid. Natural lang ang maingay rito, tubig na mula sa fountain at huni ng mga baklang ibon. Ang sarap lang sa pakiramdam kapag nandito ako.
Ngayon ay patingin-tingin na ako sa paligid, umaasa na dumating na si Ethan. Hindi man lang kasi nagpaalam sa akin kung saan pumunta. Nakakainis lang! Speaking of the devil, paparating na siya.
"Hoy! Saan ka galing!" sigaw ko sabay pakita ng kamao ko. As if matatakot siya.
"Bakit? Miss mo ko?" sagot nito. At tinawanan lang talaga ako. Ang sama talaga, hindi man lang niya iniisip na baka nag-aalala ako. Tsk!
"Baliw! Seryoso, saan ka talaga galing?" inis kong tanong.
Sa amin kasing magkakaibigan, walang lihiman. Kaya ganito ang naging reaksyon ko.
"Nag withdraw lang. Nagpadala kasi si Mommy."
"So may?" nakangiti kong sabi. Please, sana meron.
"Stick-o? Yes, nasa bag ko."
"Yes! Thank you, bro..." Pagyakap ko dahil sa sobrang saya. Napawi tuloy lahat ng inis ko. Bumuwag na ako sa pagyakap. "Thank you ulit, bro. I love you."
"I love you too," he said seriously while holding my right hand.
"Gago ka!?" inis kong wika rito sabay tanggal sa kamay niya. Nakangingilo.
"Oo. Gago akong mahal na mahal ka," pang-aasar nito. Yucks.
"Bro, kadiri ka! Bw*sit!" pagrereklamo ko. Tumayo kasi talaga lahat ng balahibo ko. Ewan! Pero sa palagay ko, parang seryoso siya sa mga sinasabi niya.
"Sarap mo talagang asarin, bro. Kunin muna sa bag," utos niya.
"Huwag ka ng ganoon. Kadiri kasi. Tsk!" reklamo ko.
Kinuha ko na sa bag ni Ethan ang dala niyang stick-o at sabay na rin naming kinain. Ewan ko ba kung ano'ng meron sa stick-o at kung bakit takam na takam ako rito. Maybe kung papiliin ako si bebe Mary o stick-o? I'll go for stick-o, biro lang.
Habang busy sa pagkain, biglang pumasok sa isip ko na mag-Malling. Paulit-ulit na lang kasi ang sinusuot ko. Kahit kaya ko naman sanang bumili. Marami akong pera.
"Bro, sa Mall tayo," pagyaya ko sa nanahimik na si Ethan.
"Ha? May klase pa tayo," pag-aalala niya. Sobrang matalinong tao kasi itong kaibigan ko. Nasa kanya na nga yata ang lahat. Ay, hindi pa pala. Kasi no girlfriend since birth pala siya. He's lovelife is as boring as color white.
"Hayaan mo na. Ngayon lang naman, please. Dahil binigyan mo 'ko ng stick-o, treat kita..." sabi ko na mukhang nagpabago sa isipan niya.
"Ahhh... Sige ba."
Nagpaalam muna ako sa girlfriend ko through text baka kasi hanapin na naman ako sa classroom at kung wala ako roon, magtatampo na naman 'yon at pagseselosan ang best friend ko. Pinagseselosan niya kasi itong si Ethan dahil parang kami raw ang magkarelasyon at hindi siya.
"Bro, tara na. Na text ko na si Mary," wika ko.
"Okay. Kaninong kotse ba gamitin natin? Akin o sa iyo?" tanong nito.
"Sa iyo, para kung maaksidente tayo, safe ang kotse ko," pagbibiro ko.
"Baliw! Tara na."
"Okay," sagot ko rito habang hinila ito. Excited na kasi akong makabili ng bagong mga gamit.
Habang naglalakad kami ni Ethan sa pathway. Nagpapansin na naman ang mga baklang salot sa lipunan. To be honest, I really hate gays! Sobrang naiinis ako sa kanila kasi para sa akin ang role lang nila rito sa mundo ay ang lumandi nang lumandi. Lalo na sa tuwing sila ay tumitig? Inuuna talaga ang bandang ibaba bago sa mukha. Mga maniac talaga. Tsk!
"Si Kurt ay jutay! Si Kurt ay jutay! Nakita sa banyo, si Kurt ay jutay!" sigaw nila habang nagtatawanan para galitin ako. They hate me kasi alam nilang ayaw ko sa kanila. Hindi ko kasi tinatago ang pagkainis ko sa kanila.
"F*ck you to the moon and back!" sagot ko sa kanila.
"Patola ka talaga," tumatawang sabi ni Ethan.
"Patola? Ano 'yon? Gulay?" tanong ko.
"Mapagpatol," mabilisang sagot nito. May ibang tawag na pala iyon?
"Ahhh, okay! Ang jejemon mo, Ethan!" sabi ko.
"Outdated ka naman, bro," pagbulong nito sa akin.
"Mga salot na bakla! Mamatay na kayo!" huling paghirit ko kasi wala sa aking bokabularyo ang magpatalo na lang sa kanila.
"Mabuti pa si Prince Ethan. Dakota de mercedes! Arghhhh!" sigaw ng mga bakla.
Tiningnan ko si Ethan at nakangiti lang ito. Ano kaya 'yong dakota? Mga bakla talaga! Salot na nga, jejemon pa! Anu-anong salita na lang ang lumalabas sa mga malalanding bibig nila.
•••
Nasa mall na kami at agad kong inayang kumain ang best friend ko. Nagugutom na rin kasi akong muli. Mahilig kasi talaga akong kumain. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ako tumataba.
"Bro, saan gusto mong kumain?" tanong ko.
"Ikaw na bahala, ikaw naman manlilibre," nakangiti nitong sabi.
"Okay. Sunod ka na lang sa akin," wika ko.
Dumating na kami sa isang restaurant at agad nang namili. Habang naghihintay na ihatid ang pagkain sa table namin, napatingin ako kay Ethan at nagtaka ako dahil ang laki ng ngiti nito. Tiningnan ko kung sino tinitingnan niya at laking gulat ko, isang lalaki na may itsura rin. Pero malayo lang siya sa kaguwapuhan ko.
"Ethan," sambit ko.
"H-huh?" takang tanong nito.
"Bakit ka ngiti nang ngiti riyan? Ba't ka ganyan makatitig sa kapwa nating lalaki?" tanong ko. I am quite curious sa nakita ko. His eyes magnetized.
"Gago ka? 'Yong babae tiningnan ko sa likod ng lalaki! Ano ako? Bakla?" sagot nito.
"Buti naman. Kinabahan tuloy ako," sabi ko sabay ayos ng aking magulong buhok.
"Ba't naman?" tanong nito.
"Natakot akong baka binabae ka. Alam mo naman na ayaw ko sa kanila at sobrang nandidiri ako, 'di ba?" paliwanag ko.
"Hindi 'yan mangyayari. Pero bakit Kurt, kung bakla pala ako, 'di mo na ako magawang kakaibiganin?"
"Oo. Kakalimutan ko talaga lahat-lahat ng pinagsamahan natin. Pero ano ba! Never ka naman maging bakla, 'di ba? Ba't ba tayo napunta sa usapang ganito? Hays! Tagal kasi ng waiter..." Napakamot ito sa ulo. "Paparating na pala."
"Kurt after this? What's next?" pag-iba niya ng usapan.
"Bibili ako ng mga damit at tutulungan mo ako sa pagpili. Ikaw naman kasi ang magaling sa styling. You have fashion sense. G'wapo lang ako, pero wala akong talent diyan. Mabuti na lang naging best friend kita at may tagapili ng mga damit ko. Hindi na ako lugi sa iyo."
"Huwag mo ko tawaging best friend, Kurt..." Napayuko ito. "Kasi at the end, 'di mo 'yan kayang mapanindigan."
Inilapag na ang order namin. Tiningnan ko ang waiter. "Thank you..." Muli kong tiningnan si Ethan. "Why?! Best friend kita. Ikaw lang ang kaibigan ko at never kitang ipagpalit sa iba. Magkapamilya man tayo we're still be friends forever, promise ko 'yan. Ako si Kurt na nangangakong magkamatayan man, si Ethan ay ang matalik kong kaibigan. Ang drama ko! Mahal kita best friend," sabi ko.
Tumulo bigla ang luha nito kaya tumayo ako at niyakap ito. Ganito talaga kaming magkaibigan, nagdradramahan.
Nakasanayan lang.
Emotional kasi itong si Ethan.
"Ay. Sayang! Ang guwapo pa naman ng dalawa," pagpaparinig ng mga magkakaibigan na nasa kabilang mesa. Alam kong kami ni Ethan ang tinutukoy nila dahil malakas ang loob nilang tinitingnan kami.
Napatingin ako sa kanila. "Ano ang sayang na pinagsasabi niyo?!" inis kong tanong.
"Kurt, kalma. Ang init ng ulo mo," suway ni Ethan.
"Tsk! Kasi..." sabi ko sabay tiningnan sila nang masama.
"Kain na tayo. Kaya inaaway ka ng mga bakla e, kasi sobrang pikonin mo," anito.
"Please don't mentioned anything related sa mga gays, Ethan. Nandidiri ako. Ilang ulit ko ba dapat sabihin iyon sa iyo, ah?" pagpapa-alala ko.
"Gays are human too," seryosong wika nito.
"Then? The f*ck I care?" inis kong sagot.
"RESPECT! RESPETO! Pitong letra lang 'yan, Kurt. Mahirap bang gawin? Sobra na 'yang bunganga mo. Diyan ka na! Kumain ka mag-isa!" inis na wika nito sabay alis.
"Hoy!" pagtawag ko.
Ano ba nangyari roon? Napatayo ako sa aking inuupuan at napakamot sa ulo. Tiningnan kong muli ang mga bakla at inirapan sila. Sila naman kasi ang dahilan kung bakit kami nagtalo ni Ethan.
~~~