PROLOGUE

314 Words
"Nagbago ka na!" Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kuwelyo niya. "Bakit?" "Nakasasawa na!" Galit siyang nakatitig sa akin. Makikita ko iyon sa mga nagliliyab niyang mga mata. "Hindi mo na ba ako mahal? May bago ka na ba? Babae ba?" "Wala akong bago. I have realized na hindi puwede tayo hanggang dulo... Walang patutunguhan kung magsasama pa tayo..." "Pero nangako ka! Nangako ka sa akin!" Nanginginig na ang mga kamay ko sa galit. Sabay kaming nangako, pero bakit ganito? Ano iyon? Saan na iyon? "Alam ko. Pero ano ang magagawa ko? Hindi na ako masaya sa iyo." "Paanong hindi sumaya? Ibinigay ko naman ang lahat sa iyo, ah? Hindi ako nagkukulang sa pagmamahal ko sa iyo..." "Alam ko. Naramdaman ko iyon." "Pero bakit naging ganito?" "Parang may kulang, I mean mayroon talagang kulang." "Ano? Sabihin mo! Ibibigay ko. Oras ba?" "Hindi." Iling nitong sagot. "Ano?! Sabihin mo!" sigaw ko. "Gusto ko ng anak. Gusto kong magkapamilya. Maibibigay mo ba iyon?" Tumulo ang luha niya. Dahan-dahan ko ng binitawan siya. Tumalikod na lang ako at humagulgol. Ang sakit na marinig ko iyon mula sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. "Sorry," humagulgol na anito. "It's okay," pilit kong sagot. Humarap ako muli sa kanya. "Iyan ba talaga ang gusto mo?" "Oo." Pagtango nito. "Sige. Ibibigay ko. Malaya ka ng gawin ang gusto mo..." Muli akong tumalikod at humagulgol. Hahakbang na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Nabuntis ko siya." Nang marinig ko ang huling sinabi niya ay hindi ako makagalaw. Parang may lamang lupa na humihila sa mga paa ko. Wala na akong nagawa at tahimik na lang na pinagmasdan ang paparating na sasakyan habang ang luha sa aking mga mata ay walang tigil. Tiningnan ko muli ang lalaking nagbigay nitong sakit na aking naramdan ngayon. I give him my sweetest smile before I die. Sorry. Pinunasan ko ang luha ko. Goodbye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD