By Michael Juha
getmybox@h*********m
fb: Michael Juha Full
WARNING: R-18 (Explicit Content)
-----
Nahinto si Hector sa pag-iyak. Bagamat nagulat, hindi niya magawang pumalag. Hinayaan niyang paglaruan ng mga labi ni Abel ang mga labi niya. Hanggang sa nakaramdam siya ng kakaibang kiliti sa ginagawa ni Abel at naalimpungatan na lang niya ang sariling niyayakap niya nang mahigpit si Abel.
Ibinuka niya ang kanyang bibig upang mas lalo pang maramdaman niya ang pagsisipsip ng ng mga labi ni Abel. Naramdaman naman niya ang pagpasok ng dila ni Abel sa kailaliman ng kanyang bibig at ikinikiskis ito ni Abel sa kanyang dila, sa kanyang mga ngipin, gilagid, at pati na rin sa kanyang ngala-ngala. Lahat ng laway na pinapakawalan ng kanyang mga salivary glands ay sinisipsip ni Abel.
Hindi lubos maisalarawan ni Hector ang kiliting kanyang nadarama sa sandaling iyon. Ramdam niya ang matinding init ng kanyang katawan na halos magdeliryo siya sa magkahalong kiliti at sarap. Ramdam niya ang pagtigas ng kanyang p*********i na tila gustong kumawala mula sa loob kanyang pantalon. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap kay Abel. Sinuklian na rin niya ang pagsisipsip at paglalaro ng kalilaliman ng bibig ni Abel gamit ang kanyang dila. Iyon ang pinakaunang karanasan ni Hector sa pakikipaghalikan ngunit dahil magaling humalik si Abel, mabilis niyang natutunan ito. At kasabay sa ingay na gawa ng patuloy na pagpatak ng ulan sa bubong ng dampa ay mariringi ang mga ungol nila.
Hanggang sa kumalas saglit si Abel sa kanilang halikan at tinanggal nito Abel ang pang-itaas na saplot ng katawan ni Hector.
Mistulang napasailalim ng kapangyarinah ni Abel si Hector na sunsud-sunuran na lang ito sa kanya. Itinaas ni Hector ang dalawa niyang braso upang malayang mahila ni Abel ang kanyang pang-itaas na saplot. Nang natanggal na ito ay pinahiga siya ni Abel. Doon na itinuloy ni Abel ang paghalik sa kanya.
Muli silang naghalikan. At sa pagkakataong ito ay iginapang ni Abel ang kanyng mga labi mula sa bibig ni Hector patungo sa magkabilang tainga ni Hector. Iginapang ni Abel ang kanyang dila roon at habang sinisipsip-sipsip niya ang gilid ng tainga ni Hector, ang kanyang dila naman ay pilit na isinisingit niya sa butas ng kanyang tainga.
Hindi mapigilan ni Hector ang mapaigtad sa matinding kiliti at sarap sa ginagawa ni Abel. Hinawakan niya ng mahigpit ang makapal na buhok ni Abel na tila pupunitin niya ang anit nito habang hindi naman mapakali ang kanyang katawan at mga paa sa kaiigtad. At nang ibinaba pa ni Abel ang kanyang mga labi patungo sa leeg at sa magkabilang dibdib ni Hector at marahang sinisipsip ang u***g nito, doon pa lalong nagpupasay si Hector. Mistulang isang nakakaawang hayop si Hector na nilapa ng isang malakas at mabagsik na halimaw, walang magawa kundi ang magpaubaya, umungol nang malakas at maglupasay. Ang kaibahan lang ng kalagayan niya sa isang nilalapang hayop ay imbes na nakamamatay na kirot, nakakadeliryong magkahalong kiliti at sarap ang kanyang nalalasap.
"Ako naman..." ang bulong ni Abel kay Hector habang kumalas siya sa kanilang romansahan.
Itinaas ni Abel ang kanyang kamay, hudyat na gusto niyang hilahin ni Hector ang kanyang damit na pang-itaas.
Dali-daling hinila ni Hector ang dulo ng damit ni Abel at tinaggal ito mula sa kanyang katawan. Pagkatapos ay si Abel naman ang tumihaya. Hinawakan niya ang kamay ni Hector at hinila niya sanhi upang mapahiga niya si Hector, padapa sa ibabaw ng kanyang katawan.
Nang nasa ibabaw na ng katawan niya na si Hector, niyakap niya ito at pagkatapos ay hinawakan ang ulo at idiniin patungo sa kanyang mukha. Hinalikan muli ni Abel si Hector sa bibig.
"Romansahin mo ako, paligayahin mo ako..." ang mulong ni Abel.
"D-di ko alam..." ang bulong din na sagot ni Hector.
"Gawin mo ang kagaya ng ginawa ko sa iyo..."
Inilapit ni Hector ang kanyang mukha sa mukha ni Abel. Nang nagdikit na, siniil ng halik ni Hector ang mga labi ni Abel. Muling naglapat ang kanilang mga bibig. At maya-maya lang ay iginapang ni Hector ang kanyang bibig sa magkabilang tainga ni Abel.
"Ang sarap ng dila at bibig mo..." ang bulong ni Abel na lalo pang nagpadagdag sa init ng katawan na naramdaman ni Hector. Kaya lalo pang ginalingan niya ito. At kagaya ng ginawa ni Abel sa kanya, iginapang pa niya ang kanyang dila at bibig sa leeg ni Abel, sa dibdib, sinisipsip ang magkabilang u***g nito...
Ilang saglit din ang pagsisipsip ni Hector sa magkabilang u***g ni Abel nang hindi na na nakayanan pa ni Abel ang libog, itinulak niya ang ulo ni Hector pababa.
Nagpaubaya si Hector at ibinaba niya ang kanyang mga labi at sinisipsip at dinidilaan ang tiyan ni Abel pababa, binaybay ang maninipis na balahibong nakahilera patungo sa p*********i ni Abel.
"Iyan... iyan..." ang bulong ni Abel habang hinawi niya ang garter ng kanyang pantalon.
Nang bumulaga sa maga mata ni Hector ang malaki at naghuhumidig na ari ni Abel, bigla siyang nahinto. Napatingin siya kay Abel. At bagamat nababalot lamang ng malalabong sinag ng lampara ang kuwartong iyon, naaanag pa ni Hector ang mukha ni Abel na tila nagmamakaawa. "Sige na... isubo mo na," ang bulong ni Abel.
"Eh... 'd-di ako marunong," ang mahinang sagot ni Hector.
"Basta isubo mo lang siya, ako nang bahala."
Kaya wala nang nagawa pa si Hector. Nag-aalangang isinubo niya ang mahaba at matabang p*********i ni Abel.
Hanggang tuluyang naalipin si Hector sa malakas na kapangyarihan ni Abel. Nang makaraos na si Abel ay muling hinalikan niya si Hector. Iyon ang pinakaunang karanasan ni Hector sa sex... at sa isang lalaki.
Hapdi ng kanyang likuran ang tanging nararamdaman ni Hector sa sandaling iyon na pilit niyang ikaila at iwaglit sa kanyang isip. Hindi niya lubos mawari kung bakit nangyari ang lahat, kung bakit pumayag siya sa pakikipagtalik kay Abel. Nalito siya sa kanyang ginawa. May nararamdaman siyang pagsisisi, pandidiri at awa sa sarili.Tumalikod siya kay Abel at pinilit na ipikit ang mga mata... Hindi na rin siya pinilit pa ni Hector.
Alas 9 ng umaga nang muling magising si Abel. Bumulaga sa kanyang paningin ang walang saplot na katawan ni Hector. Muling binalikan niya ang nangyari sa kanila sa gabing iyon.Tila isang panaginip lang ang lahat. Halos hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyon kay Hector. Sa buong buhay niya ay noon lamang niya naranasan ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Napatitig na lang siya sa kawalan. Muling sumingit sa kanyang isip ang mukha ni Victoria. Alam niya na si Victoria ang laman ng kanyang isip habang nagpakasasa siya sa katawan ni Hector.
Binitiwan ni Abel ang isang malalim na buntong-hininga. Bumalikwas siya at dinampot ang damit na nagkalat sa sahig, Isinuot niya ang mga ito. Ito ang damit ni Hector na ipinahiram sa kanya. Walang imik na lumabas siya ng bahay.
Halos normal na muli ang lalim ng ilog at hindi na gaanong malakas ang agos ng tubig. Wala nang ulan at bagamat may kalakasan pa rin ang hangin, unti-unti nang nagpakita ang haring araw. Binaybay ni Abel ang pampang at maiging pinag-aralan ang agos at lalim ng tubig, at kung saang banda niya tawirin ang ilog. Huminto siya sa isang bahagi ng pampang at pinag-isipan kung kaya ba niyang languyin ang bahaging iyon ng ilog. Habang nasa ganoon kaabal ang kanyang isip, nagulat na lang siya nang may biglang humawak sa kanyang kamay.
"Mas malakas ang agos niyan sa ilalalim at maaari kang higupin."
Nang lingunin niya ang pinagmulan ng boses, si Hector ang kanyang nakita. Naka-shorts lang ito at walang damit pang-itaas. Napatitig siya kay Hector. Noon lang niya napagmasdan ang ganda ng porma ng katawan nito. Bibilugin, makinis at may bahid na kaputiang kayumangging balat, at mistulang inukit ang mga linya sa tatlong pares na tila mga pandesal sa kanyang tiyan. At ang kanyang dalawang braso, tamang-tama lang ang laki ng kanyang mga biceps na tila sa isang modelong nagji-gym. Hindi nakasagot si Abel. Nanatili siyang nakatitig sa katawan ni Hector.
Nang napansin ni Hector na nakatitig si Abel sa katawan niya, hindi niya nagustuhan ito. Tumalikod si Hector at akmang babalik na sana.
Tila nahimasmasan naman si Abel. "P-paano ako makatawid? Kailangan ko nang makauwi. Siguradong nagugutom na si Damsel," ang sambit niya.
Bahagyang nilingon ni Hector si Abel ngunit tumuloy pa rin siya sa paglayo.
"Hindi mo ba ako tutulungan?"
"May kukunin lang ako," ang sagot ni Hector.
Sumunod si Abel sa kanya hanggang nakarating si Hector sa kanyang dampa. Sa ilalim noon ay may kawayang balsa. Hinila ito ni Hector palabas hanggang sa pampang.
Inilatag niya muna ang balsa habang kinuha niya ang lubid na nakatali sa naiwang poste ng naanod na tulay sa may pampang. Inihagis niya ang dulo ng lubid na may bowline knot sa nakausling poste naman sa kabilang pampang. Nang sumabit ang dulo nito ay hinila niya. Nang lapat na lapat na ay inayos naman niya ang tali sa kabilang poste na nasa pampang na kinatatayuan nila upang humigpit ang kapit nito. Ang dulo naman ng lubid na nakatali sa balsa ay itinali niya sa lubid na nagdugtong sa dalawang poste. Doon na niya ibinaba ang balsa sa ilog at pinalutang ito.
Nang nakalutang na ang balsa at sigurado na siyang malakas ang kapit nito sa lubid na nakatali sa dalawang poste ay tumalon si Hector sa ibabaw ng balsa. "Sakay na!" ang utos niya kay Abel na nasa pampang pa at nakatingin sa kanya.
Manghang-mangha si Abel sa galing at liksi ni Hector. Napatitig siya sa binata. Hindi niya lubos maisalarawan ang tindi ng kanyang paghanga. May kakaibang sundot ito sa kanyag puso. At habang tinitigan niya si Hector, tila lalo pa itong gumaguwapo.
"Halika na!" ang utos niyang muli. "Hindi ka makatawid kung nakatayo ka lang d'yan at magtitigan tayo!"
Napangiti ng hilaw si Abel sa sinabing iyon ni Hector. Maingat na bumaba siya sa pampang. Inalalayan siya ni Hector. Nang nasa ibabaw na siya ng balsa, biglang gumalaw ang balsa gawa ng pagbundol ng malaking troso rito. Nawalan ng balanse si Abel. Napayakap siya kay Hector. Ngunit dahil malakas ang tama ng pagbangga ng trsoso sa balsa, pareho silang nalaglag sa ilog.
Sa bilis ng pangyayari ay nilamon si Abel sa rumaragasang kulay putik na tubig. Mabilis ding sinisid ni Hector ang ilog. Hindi nagtagal ay nasunggaban ni Hector ang damit ni Abel at hinila ito patungo sa kabilang baybay-ilog.
Walang malay si Abel nang kinarga siya ni Hector sa kanyang mga bisig at inilatag sa dalampasigan. Ramdam ni Hector ang malakas na kalampag ng kanyang dibdib. Bagamat may kinikimkin na galit si Hector, natakot pa rin siya para kay Abel.
Dali-daling binigyan ni Hector ng CPR si Abel. Diin sa dibdib, buga ng hangin sa bibig... at sa wakas at nanumbalik din ang malay ni Abel. Nang iminulat niya ang kanyang mata ay kasalukuyang binigyan siya ni Hector ng mouth-to-mouth resuscitation. Dali-daling tumagilid si Abel at isinuka niya ang malaputik na tubig.
Nang medyo nahimasmasan, nagpasalamat si Abel kay Hector.
"Salamat sa pagsagip mo sa buhay ko," ang sambit ni Abel.
"Walang anuman."
"Paano ba ako magaganti sa iyo?"
"Alam mo kung ano..."
Nag-isip si Abel. "Ano?"
"Ang ibon. Ibalik mo siya sa akin."
Nahinto si Abel. Napangiwi. "Iba na lang, Hector. Alam mo namang naireport na iyan sa DENR kasi. Mino-monitor nila ang ibon. At kung hindi lang dahil planong gumawa ni Mang... este Sir Estong ng sanctuary para sa mga distressed na mga hayop, hindi iyan dapat ipagkatiwala sa kanya ng DENR."
Dahil sa pagkayamot ni Hector sa sagot ni Abel ay agad itong tumalikod nang walang paalam. Tinumbok niya ang ilog.
Dali-daling hinabol siya ni Abel. "Hector, hintay!" ang sigaw niya.
Ngunit tuloy-tuloy lang si Hector.
"Ganito na lang. Kung kayong dalawa na lang ni Victoria ang mag-alaga sa ibon sa bahay ni Sir Estong?"
Nahinto si Hector at tiningnan si Abel nang matulis. "Salamat na lang. Kung alagaan namin siya dito sa aming dampa, ay tatanggapin ko. Ngunit kung sa rest house, pasnesya na..." ang sagot niya sabay talikod. At nang nakarating na siya sa may pampang, bigla siyang tumalon sa ilog at nilangoy ang kabilang pampang.
Wala nang nagawa pa si Abel kundi pagmasdan si Hector habang tinawid nito ang malakas na agos ng ilog. Hanggang sa nakarating sa kabilang tabing-ilog at umakyat sa pampang.
Nang makauwi na si Abel ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto, naligo at pagkatapos ay nagpahinga. Habang nakahiga sa kama ay hindi mabura sa kanyang isip si Hector; ang pagsagip nito sa kanyang buhay, ang hiwagang bumabalot sa kanyang pagkatao, kung ano ang kinatatakutan niya, kung paano sila napadpad sa lupa niya, at kung bakit napakahalaga ng ibong na iyon sa kanya. Hindi mawaglit-waglit sa isip ni Abel si Hector. Para sa kanya ay may malalim na misteryong itinatago si Hector. At ang isa pang nagpatuliro sa isip niya ay ang nangyari sa kanilang dalawa sa gabing nagdaan.
(Itutuloy)