Katas Ng Limon

583 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ----------------------------------- Doon na nag-isip si Abel. Tinitigan niyang maigi si Hector. Kinilatis sa kanyang mukha kung nagsabi ito ng katotohanan. Hinawakan niya ang kamay ni Hector. Hinugot niya ang panyo sa kanyang bulsa at pinahid ang mga luha sa pisngi nito. "A-anong nangyari sa mga magulang mo?" ang naitanong na lang niya. "Patay na ang aking mga magulang... may mga tama ng baril sa kanilang mga ulo." Muling humagulgol si Victor. "I-ito ba ang dahilan kung bakit binangungot ka nang naroon ako sa dampa mo?" Tumango si Hector. "Halos gabi-gabi ay palagi kong nakikita ang pagpaslang ng mga magulang mo, ang pagtugis nila sa akin, at ang pagpatay nila sa mga magulang ko." Mistulang tinadtad ang puso ni Abel sa kanyang narinig. Ramdam niya ang sakit sa pagpaslang ng kanyang mga magulang. Tila naroon siya sa mismong lugar at oras ng pagpaslang sa kanila. Naimagine niya sa kanyang isip ang malagim at walang-awang pagpatay ng kanyang mga magulang. "K-kaya naisipan kong magpakalayo, magtago..." "Kayo ni Victoria..." Tumango siya. "Sa sobrang pagka-guilty ko ay kahit sa panaginip, nagmamakaawa ako, sumisigaw na huwag silang barilin..." Nanatiling nakinig si Abel. Gusto niyang maniwala sa mga sinasabi ni Hector ngunit dhail hindi pa niya alam ang buong kuwento, may kaunti pa siyang pag-aagam-agam. "A-ako ang gusto nilang idiin sa pagpatay..." ang dugtong ni Hector. Tinitigan ni Abel si Hector. "Ikaw ang main suspect dito, Hector. Natural lang na iligtas mo ang iyong sarili. Ano ang pruweba mo na hindi ka nga nag-imbento ng kuwento? Namukhaan mo ba sila?" Nag-isip si Hector. "A-ang ibon. M-may papel akong itinago sa kuwintas niya... Isinulat ko roon ang petsa, ang narinig kong sinabi ng lider nila bago niya binaril ang mga magulang mo." "A-anong ibon?" ang nalilitong pagtanong ni Abel. "S-si Damsel. Siya ang alaga kong ibon na inihagis ko sa hitman. Muling nahuli siya ng aking bitag nang nasa bukid na ako." Nahinto si Abel, binalikan sa kanyang isip ang araw kung saan ay dinala niya si Damsel sa beterinaryo. "M-may nakita ngang papel sa leeg ni Damsel. Ngunit walang nakasulat doon," ang sambit niya. "Invisible ang tinta na ginamit ko, gamit ang katas ng lemon at kaunting tubig." Hinugot ni Abel ang kanyang mobile phone. "Mang Estong, naalala mo ang papel na ibinigay sa akin ng veterinary doctor? Iyong nakuha niya sa leeg ni Damsel? Nasa drawer iyon ng aking mesa... Puwedeng pakidala sa akin ASAP?" Kinahapunan ay dumating ang isang tauhan ni Abel, dala-dala ang nasabing papel. Agad na inilatag niya iyon sa ilalim ng lamp shade base sa itinuro ni Hector. Nang nainitan ang tinta, doon na lumantad ang nakasulat. Ang petsa at oras ng pagpatay, ang lugar, at ang sinabi ng "boss" ng mga hitman bago niya barilin ang mga magulang ni Abel, 'Huwag kang mag-alala pare... ako na ang bahala kay Tisoy.' Siya ang sunod kong itumba!" Doon na kinilabutan si Abel. Mabibilang lang sa mga daliri ang mga taong tumatawag sa kanya ng 'Tisoy". "Namukhaan mo ba ang sinasabi mong lider?" "Opo..." Agad na kinuha ni Abel ang kanyang cell phone. "Ella, can you scan mugshots of all 10 share holders of the company? Send them to my personal email. ASAP please." Maya-maya lang ay nasa inbox na ni Abel ang mga litrato. Isa-isang ipinakita niya ang mga ito kay Hector. At nanlaki ang mga mata ni Abel nang itinuro ni Hector ang larawan ng nasabing lider ng grupo na pumatay sa kanyang mga magulang.  (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD