Ang Rebelasyon

1114 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ----------------------------- "Ang Ninong ko!!!" ang sigaw ni Abel habang nanginginig siya sa galit. Walang sinayang na oras si Abel. Agad niyang binigyan ng instructin ang kanyang chief staff. "Ella, please secure all the sensitive documents of the company without anyone knowing. Do it discreetly and ASAP. Also, please call all share holders for a get-together tonight. Tell them I'm giving a surprise party. Kindly rush arrangements para sa catering of foods, drinks, mag-invite ka na rin ng singers. Ask any events organizer if they can handle this rush activity?" "Okay po, sir. I'll handle it!" Dumalo ang lahat ng shareholders pati mga asawa nila sa nasabing get-together party. Naroon din ang ninong niya. Na proud na proud sa kanyang pagdating. Niyakap siya, kinumusta. "Kumusta ang aking hijo! Mukhang hiyang na hiyan ka sa bukid ah. Medyo umitim ngunit naroon pa rin ang kapogian!" ang sambit ng kanyang ninong sabay tawa. "Salamat po, Ninong. Mas maganda nga po sa bukid. Malayo sa mga toxic na tao, malayo sa mga taong magaling ngumiti sa harap ngunit kapag nakatalikod, hindi mo alam na sinaksak ka na pala," Tumawa lang ang kanyang ninong na tila walang kaalam-alam na para sa kanya ang patama na iyon ni Abel. "Totoo ang sinabi mong iyan hijo. May mga tao sa loob at labas ng kumpanyang ito ang handang gawin ang lahat, kahit pagtatraydor, makuha lang ang kanilang inaasam-asam." Tumango lang si Abel habang binitiwan ang isang pilit na ngiti. "Sigie po ninong, may aasikasuhin pa akong ibang bisita..." sabay talikod. Nagsimula ang programa. Ang una ay may isang singer-artista na kumanta, sinundan naman iyon nga sayaw ng isang sikat na dance group. Pagkatapos naman noon ay ang isang sikat na banda na habang tumutugtog ay nagsayan naman sila. Masayang-masaya ang lahat, lalo na ang ninong at ninang ni Abel. Wala silang kaalam-alam na may nagbabadyang hindi maganda. Pagkatapos ng sayawan ay doon na pumasok si Abel. "Gusto kong i-share sa inyo ang mga kaganapan na nadiskubre ko habang nasa bukid ako at tinahak ang bagong mundo...." Isinaksak niya ang isang USB na hinugot niya mula sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay pinindot niya ang remote ng malaking TV. Lumabas ang video tungkol sa mga eksena at kaganapan ng imbistigasyon sa pagkamatay sa kanyang mga magulang. Ipinakita ang parte ng high-way kung saan naganap ang inakala nilang aksidente, ang mismong bangin kung saan nalaglag ang sasakyan at sumabog. Ipinakita rin ang naagnas nang sasakyan. Ipinakita rin ang dokumento na kung saan ay ipino-focus ang salitang "Case Closed". Hininto niya ang projector. "Sa una ay naniniwala talaga ako na sarado na ang kaso. Halos makalimot na ako sa nangyari at unti-unti ko nang natatangap sa aking puso na isang aksidente ang lahat at walang dapat managot nito. Ang pakunsuwelo ko na lang sa aking sarili, na hanggang doon na lang talaga ang kanilang buhay. Ngunit totoo nga marahil ang kanilang sinabi na hindi natutulog ang nasa taas. O di kaya ay ang mga magulang ko ang nagbigay daan upang malaman ko ang katotohanan..." Muli niyang pinindot ang remote upang magpatuloy ang ipinapalabas. Si Hector ang nasa video at isinalaysay niya ang nauna nang sinabi niya tungkol sa pagkakita niya sa insidente, at ang inisulat niya sa isang papel na itinago niya sa leeg ng ibon. Gulat na gulat ang lahat na mga share holders. Nagbubulungan naman ibang mga guests, halatang hindi makapaniwala. Nang tiningnan naman ni Abel ang kanyang ninong, kitang-kita niya ang galit sa kanyang mukha. Akma na sanang tumayo ang kanyang ninong upang pabulaanan ang lahat na sinabi ni Hector. Ngunit biglang dumating ang mga pulis at pinosasan ang kanyang ninong. ""Hindi ko po akalain na kayo pala ay isang ahas! Pinatay mo ang aking mga magulang. Traydor ka! Hindi ko akalain na pinagplanuhan mong angkinin ang aming kayamanan! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa bilangguan!" ang sigaw ni Abel. habang naka-posas na ang kanyang ninong at ineskortan ng mga pulis palabas ng hall. "Abel... hijo, w-wala akong kinalaman sa sinabi mong pagpatay sa iyong mga magulang! 'Di ba ang pumatay sa kanya ay itong magsasakang Abel ang pangalan? Inamin na niyang siya ang bumaril sa iyong mga magulang. May pinirmahan siyang affidavit!" "Magaling po kayong magtanim ng kasinungalingan, ninong. No wonder, madali ninyong napatay ang aking mga magulang na nagtiwala sa iyo. Iyong affidavit ni Hector ay pinirmahan niya na wala siyang kasamang abugado. Bawal po iyon. At pinuwersa ninyo siya. Di ba kayo rin ang pumatay sa kanyang mga magulang? Sa korte na lang tayo magkita, ninong!" "Hijo... Mniwala ka sa akin!" ang sigaw ng ninong niya habang palabas na ito sa pinto. "Huwag po kayong mag-alala ninong. Nag-request na po ako sa NBI na ipa-exhumed ko ang mga labi ng aking mga magulang upang ma-imbistigahang muli at upang klaro po ang lahat," ang pahabol ni Abel. ----- Natapos ang kaso at napawalang sala si Hector. Lumabas din sa ang totoong dahilan kung bakit pinatay ng kanyang ninong ang mga magulang ni Abel. May itinatago itong matinding inggit dahil nanligaw pala ito sa ina ni Abel ngunit ang ama niya ang pinakasalan. May inggit din siya sa tagumpay ng kanyang ama sa negosyo. Ikinanta rin ng lider ng hitman na kung hindi si Abel nanatili sa bukid, siya ang isusunod na itumba nila. Lumabas din sa mga dokumento ng kanilang kumpanya na halos mabangkarota na ito dahil unti-unting inililipat ng kanyang ninong sa ibang bangko ang kita ng kumpanya. At sa inaasahan, habambuhay na pagkabilanggo ang ibinabang parusa sa kanya ng korte. ----- "Mahal ka ni Victoria," ang sambit ni Hector nang matapos na ang kaso at inimbita siya ni Abel na magdinner sa isang restaurant. Iyon ang huling pamamaalam ni Hector. "B-bakit ikaw? A-ayaw mo na rin bang bumalik sa bukid?" "Hindi mo naman ako mahal, 'di ba? Ang gusto mo ay isang normal na buhay, may asawa, may anak... Si Victoria ang nararapat para sa iyo." Binitiwan ni Abel ang isang malalim na buntong-hininga. "K-kaso... h-hindi naman siya babalik sa akin? May isang tao siyang babalikan sa nakaraan. At nagbunga ang kanilang relasyon." "K-kung kayo talaga ang itinadhana, babalik din siya sa iyo. Katulad ni Hero, bumabalik siya para kay Damsel..." "I-ikaw? Paano ka?" "Hahanapin ko ang babaeng sinabi ko sa iyo. Tutuparin ko ang hiling ng inay. 'Di ba, ito rin ang sinabi mong pangarap sa sarili? Tatahakin ko ang isang normal na buhay? At sabi mo ay susuportahan mo ako." Binitiwan ni Abel ang isang hilaw na ngiti. "So kung hindi na talaga mababago ang isip mo, good luck na lang... at pakisabi kay Victoria na mahal na mahal ko siya. At sana ay babalik siya. Maghihintay ako." (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD