Pamilyang Tagak (Last Part)

1004 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full ---------------------------- Muling sumapit ang Decemebr 10. At kagaya ng mga nagdaang taon, punong-puno ng mga tao ang rest house. May nadagdag pang feature sa pagkakataong iyon. Naglagay ng higanteng TV monitors ang malalaking TV networks at pribadong kumpanya sa matataong lugar para sa live streaming. Excited ang lahat. Hindi lang iyon. Dahil nalaman na ng mga tao ang paghihintay ni Abel kay Victoria, isa rin ito sa kanilang inaabangan. Subalit sa kasamaang palad ay hindi sumipot si Hero sa nakatakdang petsa. Nalungkot ang mga tao. At ang mas lalo pang nalungkot ay sina Damsel at Abel, dahil hindi rin dumating si Victoria. Ang mga haka-haka ng tao ay baka nakahanap na si Hero ng ibang babaeng tagak kaya hindi na siya bumalik. Sa panig naman ni Victoria, alam na ni Abel ang dahilan. Ngunit hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. "P-parang isang simbolismo ang hindi pagdating ni Hero. Baka ito rin ang mensahe para sa akin – hindi kami para sa isa't-isa ni Victoria..." ang bulong ni Abel sa kanyang sarili. December 19 ng umaga. Nagulat sina Abel at Mang Estong sa ingay ng mga tao sa labas ng rest house. "Bumalik si Hero! Bumalik si Hero!!!" Dali-daling lumabas si Abel. At nakita nga niya si Hero na nakadapo sa isang mababang poste hindi kalayuan sa pugad ni Damsel. Matagal na nakatayo lang siya roon at tinitingnan si Damsel na nasa kanyang pugad. Naguluhan si Abel sa inasta ni Hero. Nang tinangka na nitong lumipad patungo sa pugad ni Damsel, doon niya nalaman ang dahilan. Nalaglag si Hero sa lupa at hindi na niya maiangat pa sa ere ang sarili. Halata rin ang kanyang panghihina. Nagtatakbong nilapitan ni Abel at Mang Estong ang ibon. Hindi nga sila nagkamali. May pinsala ang kaliwang pakpak ni Hero. Tama ng bala! Kinarga ito ni Abel patungo sa pugad ni Damsel. Nang naroon na, tuwang tuwa ang lahat sa reaksyon ni Damsel at Hero na tila nag-uusap, ang kanilang mahahabang leeg ay inuunat, nag-iingay at itinatango-tango nila ang kanilang mga tuka, bagamat halatang nahihirapan si Hero. Ang isa niyang pakpak ay nakalaylay. Tinawagan ni Abel ang Beterinaryo ni Damsel. Dahil napanood din niya ang live streaming, nakita raw niya ang nangyari kaya agad siyang sumakay sa kanyang pick-up car at kasalukuyang nasa daan na patungo sa rest house. Maswerteng naagapan si Hero. Kinahapunan ay ininterview ng mga TV networks si Abel. "Pinutol ang napinsalang pakpak ni Hero. Kagaya ni Damsel ay baldado na rin siya. Masakit... ngunit kung titingnan natin ang kabuuang sitwasyon, may mabuti rin itong naidudulot dahil hindi na niya muling iiwan pa ang mahal niyang si Damsel..." ang paliwanag ni Abel. "Tungkol naman sa iyong paghahanap ng assistant na mag-aalaga kay Damsel, may napili na ba kayo?" ang tanong ng isang reporter. Binitiwan ni Abel ang isang malalim na butong-hininga. "Sa totoo lang, marami ang nag-apply ngunit hinihintay ko pa rin siya..." "Si Victoria ba? Babalik pa ba siya?" ang follow-up na tanong ng isang reporter. "Hindi ko po iyan masasagot. Ngunit kapag nandito lang sana siya, buong-buo na ang aking buhay. Pareho na kaming masaya ni Damsel. Kaya kung saan man siya naroon at nanunuod siya ngayon..." hindi na naituloy pa ni Abel ang kanyang sasabihin gawa nang nag-ingay at nagkagulo ang mga tao na nakapaligid sa kanila. Nang binibigyang-daan ng mga tao ang taong pinagkaguluhan, halos hindi makapaniwala si Abel sa kanyang nakita. Si Victoria. Sa sobrang pagkamangha ay hindi makapagsalita si Abel. Nakatitig na lang siya kay Victoria. Pati ang mga taong naroon ay natahimik rin, halos pigil ang kanilang paghinga. "H-hinintay kita..." ang halos pabulong na sambit ni ni Abel sabay yakap at dampi ng mga labi niya sa mga labi ni Victoria. Hinayaan ni Victoria na halikan siya ni Abel. "Sino ba ang mahal mo? Si Victoria? O si Hector?" ang tanong ni Victoria nang kumalas siya sa yakap ni Abel. "Ikaw... alam mo iyan." Tinanggal ni Victoria ang kanyang damit, ang kanyang bra at padding, ang kanyang wig hanggang ang jeans na lang niya ang natira, wala siyang saplot pang-itaas. Lumantad ang katawan ng isang lalaki. Si Hector. Gulat na gulat ang mga tao sa kanilang nasaksihan. Lahat sila ay nagbubulungan at hindi makapaniwala. "Kaya mo pa rin ba akong halikan? Kaya mo parin ba akong mahalin?" ang tanong ni Hector. Muling tinitigan ni Abel si Hector. "Ikaw ang mahal ko, ang buong pagkatao mo, si Victoria ka man o maging si Hector," ang sagot ni Abel sabay yakap niya kay Hector. At sa harap ng mga tao at camera, idinampi niya ang kanyang mga labi sa mga labi ni Hector. Nakakabingi ang palakpakan ang mga tao. "P-paano na si Sally?" ang tanong ni Abel kay Hector. "Nasa Canada. Nakapag-asawa siya ng isang dayuhan. Ayaw tanggapin ng dayuhan ang bata at iniwan ito sa pangangalaga ng kanyang lola. Ang sabi raw ni Sally sa bata ay hanapin niya ako..." sabay turo ni Hector sa isang batang nakatayo sa hindi kalayuan, nakatingin sa kanila. "Siya si Victor" dugtong ni Hector. Tinitigan ni Abel ang bata. Napakacute at guwapong bata. Manang-mana kay Hector. Tumingkayad si Abel at inunat niya ang kanyang dalawang braso. "Halika Victor!" ang sambit niya. Lumapit ang bata. Nang nakalapit na ay niyakap niya ito, hinalikan sa pisngi ay pagkatapos ay kinarga niya sa kanyang mga bisig. "Mula ngayon, dalawa na kaming magiging papa mo..." ang sambit niya sa bata. Nagyakapan silang tatlo. Pareho nilang hinalikan ang magkabilang pisngi ni victor. ------ "Nakita ko na ito sa aking panaginip," ang sambit ni Abel. "Ang alin?" "Ito..." Turo niya kina Damsel at Hero na naglalakad sa kahabann ng aplaya nakabuntot sa kanila ang kanilang limang sisiw habang sila naman ni Abel at Hector ay nasa unahan, naglalakad, pinagitnaan at parehong hinahawakan ang magkabilang kamay ni Victor. Binitiwan lang ni Hector ang isang ngiti. "Ngayon ay masasabi kong buo na ang aking pamilya. May asawa ako, may anak... isang normal na buhay..." "At kasama pa natin ang pamilyang Tagak." WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD