Chapter 3

1271 Words
Chapter 3 Selina’s POV “Hoy! Natulala ka na riyan!” pukaw ni Gwen sa malalim kong pag-iisip. “Ano ba kasing ibig ninyong sabihin?” tanong ko sa kanila. “Ang ibig naming sabihin magpakasal ka kay James, tapos kapag okay na at ayos na sa lola mo, maaari mo na siyang hiwalayan. Iyon ang ibig ang sinasabi namin sa iyo. Suhestyon din nitong si Erich na gumawa kayo ng kontrata. Isang marriage agreement,” sagot ni Gwen. Napapaisip akong muli. May punto naman ang mga ito. “At, Dai, hindi ka na lugi kay James, ’no! Sa gwapo at yaman noon, baka nga si James pa ang lugi sa iyo,” natatawang saad ni Erich. Tiningnan ko siya nang masama. Nakukuha pa talagang magbiro nito sa ganoong sitwasyon. “Oh, joke lang! Ikaw naman, hindi ka na mabiro!” wika pa nito. “Sige na nga! Pag-iisipan ko ang sinasabi ninyo!” anas ko na lamang. “Hala siya, oh! Ineng, bakit kailangan mo pang pag-isipan. Eh, siya naman ang nag-aalok sa ’yo. Ang sabi pa nga niya, pumayag ka lang magpakasal sa kaniya kahit bayaran ka pa niya. Oh, ’di ba, solve na ang problema mo sa lola mo, nagkapera ka pa!” ani ni Erich. “Okay, sige. Okay rin naman sigurong pag-isipan ko muna ’di ba?” Pinandilatan ko sila ng mga mata. “Ikaw ang bahala!” si Gwen. “Kaya nga!” sang-ayon naman ni Erich. *** Para na akong timang dahil paroo’t parito ako sa loob ng aking kwarto. Mataman kong pinag-iisipan ang sinabi ng aking mga kaibigan. Tama ang mga ito, hindi na ako lugi. Huminga muna ako nang malalim, bago kinuha ang calling card na ibinigay sa akin ni James noong kasal nina Marfa at JC. Agad kong idinayal ang numero niya. Ilang ring lang ang hinintay ko nang sumagot ito. “Hello!” Napasinghap ako nang marinig ang boritonong tinig niya. Tumikhim muna ako at nahihiyang nagsalita, “Ah. . . Eh. . . Hi!” “Who’s this?” seryoso tanong niya. “It’s me, Selina, kaibigan ni Marfa. Natatandaan mo ba ako?” mabilis na sagot ko. Natahimik ito. Tila nag-isip muna. “Oh, yes! Natatandaan kita! Bakit ka nga pala napatawag? Don’t tell me pumapayag ka na sa alok ko sa ’yo?” aniya. Halata sa tinig niya ang kasiyahan. “Hmm. . . nasa Pinas ka ba ngayon?” balik-tanong ko sa halip na sagutin siya. “Mmm, yes. Nandito pa ako sa Pinas,” tugon niya. Narinig ko pang may kung anong gumulong sa kabilang linya. Tumayo siguro ito. “Why do you ask?” Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang pakay ko? Napakamot ako sa noo sabay hugot ng hangin sa aking dibdib bago muling nagsalita. “Tinatanggap ko na ang alok mong maging asawa ako.” Pabulong lang iyon. Para ngang hindi lumabas sa bibig ko. “Oh! Really?” hindi makapaniwalang sambit niya. “Ano namang nagpabago sa isip mo at ngayon ay tinatanggap mo na ang aking alok?” Nahihimigan ko ang amusement sa kaniyang tinig. “Sasabihin ko na lang kapag nakipagkita ka sa akin,” sagot ko. Mas gusto ko pa rin na harapan kaming mag-usap. “Okay, fine. Saan mo gustong makipagkita?” tanong niya. “I-t-text ko na lang kung saang lugar.” Saka ko mabilis na pinatay ang tawag. Para kasing may nakikipaghabulan na kung ano sa dibdib ko. Ayaw tumigil! Tinitigan ko muna ang aking cell phone, saka ako nag-text sa kaniya. Agad ko inayos ang aking sarili pagka-send ko niyon. Pagkatapos ay tinungo ko na ang sinabi kong lugar sa kaniya. *** Napatingin muna ako sa aking sarili habang nakatingin sa salamin ng restaurant— kung saan kami magkikita ni James. “Kaya mo ito, Selina,” anas ko sa aking sarili. Naglakad na ako papasok ng restaurant. Pagdating ko sa loob ay agad ako puwesto sa pinakadulo kung saan hindi kami mapapansin ng mga tao. Agad naman akong binigyan ng menu ng waiter, ngunit sinabi ko rito na mamaya na lamang ako mag-o-order. Hihintayin ko muna si James. Magalang namang nagpaalam ang waiter sa akin. Subalit, halos isang oras na ang nakalilipas ay hindi pa rin dumarating ang aking hinihintay. Hindi na maipinta ang mukha ko. Ni anino kasi ng lalaki ay wala. Tinawagan ko na rin siya pero hindi ko naman siya makontak. Nahihiya na rin ako dahil panay ang balik ng waitress sa kinauupuan ko. Tinatanong nito kung ano raw ba ang order ko. “S**t! Iindyanin pa yata ako ng lalaking iyon, ah!” inis na bulong ko sa sarili. “Humanda talaga sa akin ang hudyong iyon oras na hindi siya magpakita ngayon,” gigil na dagdag ko pa. Tinawag ko na ang waitress para maka-order na ako ng food. Bahala na lang si James na mag-order para sa sarili niya, tutal, late naman ito. Nang masabi ko ang lahat ng pagkain na order ko nagpaalam na ang waitress. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya. “I’m sorry kung na-late ako,” wika ng lalaking nasa tapat ng aking table. Napaangat naman ako ng ulo sabay taas ng kilay rito. Pagkuwa'y ngumiti ako nang matamis. “Ayos lang, pinaghintay mo lang naman ako ng isa’t kalahating oras.” Madiin iyon. Kung wala lang kami sa mataong lugar ay kanina ko pa siya sinapak, dahil sa sobrang gigil ko at sura ko sa pagmumukha niya “I’m really sorry, Selina. Nasiraan kasi ang kotse ko kaya hindi ako nakarating sa tamang oras,” hinging-paumanhin niya. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Umupo na rin ang binata sa katapat kong upuan. “Ahm, hindi na ako um-order ng food mo. Ang akala ko kasi hindi ka na darating pa,” sarkastikong wika ko. Tumingin siya sa akin, sabay ngiti nang matamis. “It’s okay. Mag-o-order na lamang ako.” Tinawag nito ang waitress na agad namang lumapit sa table namin. Habang kinakausap ni James ang waitress, napapatitig ako sa mukha niya. Walang maipipintas sa itsura nito. Daig pa nito ang mga kilala kong artista at modelo sa kagwapuhan. Kaya naman hindi ko maiwasang matulala sa kaniya. Isa ito sa dahilan kaya maraming kababaihan ang gustong pikutin ang lalaki. Ang mapupungay niyang mga mata na kakulay ng tsokolate, ay napaparisan ng mahahabang pilikmata— na daig pa nga ang akin. Maging ang ilong niya ay napakatangos. Mapupula rin ang kaniyang mga labi na kasing kulay ng makopa. Matangkad din siya. Kung hindi ako nagkakamali, mga six-eleven ito. Nagmumukha akong bata kapag katabi siya. Sa sobrang pagkamangha ko sa kaniya ay hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang laway! Literal na nag-dr-drool ako sa kaniya! Bumalik lang ako sa aking katinuan nang may kamay na kumaway sa aking harapan. Ikinisap-kisap ko ang aking mga mata. “Tulo na laway ang mo!” ngingisi-ngising turan ni James. Pasimple ko namang hinawakan ang magkabilang gilid ng mga abi ko. At gano’n na lamang ang gulat ko at pagkapahiya nang may makapa nga akong basa roon. Sh*t! Nakakahiya! “Masyado ba akong gwapo sa paningin mo kaya ganiyan na lamang ang pagtulo ng laway mo?” mapang-asar na turan pa nito. Sinamaan ko siya ng tingin. Bago ako nagsalita ay pasimple akong tumikhim para mawala ang pagbabara sa aking lalamunan. “Grabe, ah! Hindi ko akalaing may dala ka palang electric fan sa iyong katawan?” asar na sabi ko naman. Kumunot naman ang noo niya. Halatang hindi nakuha ang aking sinabi. “Ano’ng electric fan? At paano ko naman madadala ang isang electric fan?” Tsk! Ang hina naman nitong p-um-ick up!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD