Chapter 4

1455 Words
Chapter 4 Selina's POV Napaikot na lamang ang aking mga mata sa kawalan. Napabuntonghininga bago ako nagsalitang muli kay James, “Wala. Ang sabi ko malakas ang hangin, baka matangay ka.” Umiling-iling naman ito. “Nakakatawa ka talaga! Kaya nai-inlove na ako sa ’yo, eh,” aniya na eksakto namang umiinom ako ng tubig, kaya naibuga ko ang iniinom ko— saktong tumama sa mukha niya. “Oh!” Napaawang ang mga labi ko, na mabilis ko ring tinakpan. “Sorry. . . Ikaw naman kasi, bakit bigla ka na lamang nagsasalita ng hindi maganda? Iyan tuloy,” paninisi ko sa kaniya. Napahilamos siya sa mukha sabay kuha sa tissue para ipunas doon. “Hindi ko naman sinabing bugahan mo ako ng tubig,” saad niya habang patuloy lamang sa pagpupunas ng mukha. “Pasensya na, nagulat lamang ako. Sa susunod kasi huwag kang magsasalita ng kung ano-ano. Masyado pa namang pasmado ang bibig mo.” Naiinis na naaawa ako sa itsura niya. Mukha na kasi siyang basang sisiw. “Ibang klase ka talaga. Parang lumalabas na kasalanan ko pa ang nangyari, ah,” aniya. A Tinaasan ko na lamang siya ng isang kilay. Magsasalita pa sana ako nang dumating na ang waitress na dala ang aming pagkain. Habang kumakain ay nagbukas siya ng usapan. “Bakit mo nga pala ako nais makausap?” Nakatutok ang mga mata niya sa kinakain, kaya hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isip. Uminom muna ako ng tubig, sabay pahid ng table napkin sa aking labi. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Tinatanggap ko na ang alok mo sa akin.” Napatitig siya sa akin. Wala akong nababasang emosyon o kahit ano sa mga mata niya. Tumikhim siya bago sumagot, “Bakit tila nagbago yata ang isip mo at inaalok mo na ako ng kasal ngayon?” Nakataas ang dalawang kilay niya habang nakatitig sa akin. Napanganga naman ako sa tinuran nito. “Hoy, hoy, Mister! For your information mali ang sinasabi mo, kaya itatama ko lang, ah,” naiirita kong wika. “Tinatanggap ko lang ang alok mong kasal sa akin! Ikaw ang nag-alok at hindi ako. Iyon ang mas maliwanag.” Diniinan ko pa talaga ang mga salita. “Ay, mali ba ang sinabi ko?” Tila nag isip pa si James habang hawak ang baba niya. S**t! May tama nga yata sa utak ang lalaking ito! “Okay. . . okay, sige. Ano nga ang nagpabago ng isip mo?” tanong niya. “Simple lang, need ko rin ng asawa ngayong katapusan. Dahil kung wala ako ipakikitang asawa o married certificate sa aking abuela, ipakakasal niya ako sa longtime manliligaw ko— na kahit ilang beses ko ng binasted ay patuloy pa rin.” Napangiwi pa ako nang maalala ang itsura ni Palito sa aking isip. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo upang mabura roon ang larawan nito, saka nagpokus sa aking gwapong kaharap. “Hindi ba need mo rin ng asawa para wala ng magtangka mamikot sa ’yo? So, parehas na tayo ngayon. Ako, ang kailangan ko naman ay asawang maipakikilala sa lola ko para tigilan na niya ako. Kaya ngayon, pumapayag na ako sa alok mong kasal. Pero, kailangan natin ng kasunduan na hanggang one-year lang ang bisa ng kasal natin. Pagkatapos noon, mag-d-divorce na tayo. At sabi mo pa, kapag pumayag ako ay babayaran mo rin ako, tama ba ako?” hinihingal na litanya ko. Napainom tuloy ako ng tubig. “Wait! Ang dami mo namang sinabi! Puwede bang isa- isahin mo lang? Saka, kumakain pa ako, hindi ba puwedeng tapusin muna natin ang pagkain?” sagot niya. Sumama ang mukha niya. “Ibig mong sabihin, sa dami ng sinabi ko gusto mo pang ipaulit ulit ang mga iyon? Eh, sino ba sa ating dalawa ang nagtanong?” Ang sarap talagang bigwasan ng mukha nito. “Ako! Pero sino ngayon ang nangangailangan?” balik-tanong niya. “Ako!” sagot ko naman. “See? Kaya wait lang. Tapusin ko muna ang pagkain ko.” Ngumuso pa siya na parang isang bata. Napatirik naman ang mga mata ko sa inis. Ang sarap tusukin ng tinidor ng kaniyang mga mata sa totoo lang. Bwisit! Napapaisip tuloy ako kung tama nga ba ang gagawin ko. Ngayon pa nga lang iritang-irita na ako sa kaniya, papaano pa kaya kung nagsasama na kami bilang mag-asawa? At sa loob pa talaga ng isang taon! Gosh! Baka mabaliw ako! Eh, kung maghanap na lang kaya ako ng ibang lalaki na magpapanggap na asawa ko? Mabilis ko iyong pinalis sa aking isipan. Bukod sa wala naman akong kilalang papayag sa kagustuhan ko, saan naman ako kukuha ng ibabayad sa mahahanap ko kung saka-sakali. Baka pulubi ang abutin ko! “Haist! Buhay nga naman talaga, oh!” nasabi na lang niya sa sarili. “May sinasabi ka ba?” biglang tanong ni James, kaya napatingin ako sa kaniya. “May naririnig ka ba?” masungit kong sagot. Sinabayan ko pa iyon ng pag-irap. Napatawa siya. “Para ka kasing bubuyog diyan na nagsasalitang mag-isa,” mapang-asar na sagot niya. Masama tinging ibinigay ko sa kaniya. “Jusko lord, bigyan mo po ako ng mahaba-habang pasensya para mapagtiisan ko ang lalaking ito. Hindi nga ako magpapakasal sa lalaking dugyot, mapupunta naman ako sa tila takas sa mental na lalaki,” usal ko sa sarili. Lord naman kasi, nasaan na ba ang prince charming ko? Iniligaw mo pa yata ng daan kaya hindi pa kami magkatagpong dalawa. Heto tuloy ang binagsakan ko ngayon. “Ano, titigan mo lang ba ako?” Napatigil ang pag muni-muni ko nang magsalita ang lalaki. “Kapal talaga ng face mo, ’no? Feeling mo talaga sa ’yo ako nakatingin.” Umiling-iling ako. “Ano? Kailan tayo ikakasal? Dapat sa lalong madaling panahon— kahit sa huwes lang okay na ako,” wika ko. Naiinip na kasi ako sa kaniya. Nagulat naman siya. “Daig mo pa si Flash, ah. Ang bilis,” komento niya. “Eh, bakit, may masama ba? Ayaw kong umabot pa ng katapusan ang lahat ng ito. Saka, kayang-kaya mo namang gawin iyon dahil mayaman ka. Saglit lang sa ’yo ang lahat,” tugon ko. “Okay, sige!” Kinuha niya ang cell phone. May tinawagan. ** “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya nang nasa biyahe na kami. Pagkatapos niyang makipag-usap sa telepono ay umalis na kami sa resto. “Ang gulo mong kausap. Ang sabi mo magpakasal na kaagad tayo dahil kailangan mo ng may maipakilalang asawa sa lola mo,” sagot niya. Nilingon niya ako sandali, pagkatapos ay itinuon muli ang paningin sa kalsada. “Pupunta tayo sa kaibigan ni Kuya Jayson na judge para doon magpakasal,” dagdag pa niya. “Ah!” Tumango-tango ako. “Pero bakit naman ngayon kaagad? Ang akala ko bukas o sa makalawa pa? Saka, wala pa tayong nagagawang kasulatan.” “Alam ko, pero unahin muna natin ang magpakasal. Madali na lang gumawa ng kasunduan,” aniya. “Ikaw yata si Flash, eh?” tudyo ko sa kaniya. Ngunit tumawa lamang siya. Ilang oras din ang naging byahe namin bago narating ang magandang mansyon. “Kaninong mansyon iyan?” tanong ko habang hinihintay na may magbukas ng gate sa amin. “Sa kaibigan ni Kuya,” tipid niyang sagot. Hindi naman kami nagtagal. Maya-maya, may security guard na nagbukas ng gate. “Kayo po ba ang sinasabi ni Judge Costa?” tanong nito nang silipin kami sa bintana ng kotse. “Opo, kuya!” sagot ni James. Ngumiti ang guard sa amin, saka kami pinatuloy. Kanina pa raw kasi kami hinihintay ng judge na tinutukoy ni James. In fairness sa hudyo, genteman naman. Ipinagbukas niya ako ng pintuan ng kotse. Iyon nga lang, nagulat ako nang bigla na lang niyang hapitin ang beywang ko upang magdikit ang aming mga katawan. Pakiramdam ko, may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. “Hoy, Mr., bakit may paganiyan ka pang nalalaman? Masyado naman tayong malapit sa isa’t isa, puwede bang lumayo ka?” Sabay tulak ko sa kaniya. Ngunit para lang akong tumulak lsa bato dahil sa tigas ng dibdib niya. “Sweetiepie, paano maniniwala si Judge sa atin kung wala tayong ka-sweet-sweet sa ating katawan?” aniya na nakangisi. “Baka hindi tayo maikasal, sige ka,” bulong niya sa tainga ko na ikinataas ng aking balahibo sa katawan. Bumukas ang malaking pintuan at niluwa ruoon ang isang gwapo at matikas na lalaki. “Oh my G!” Bakit ang guwapo naman niya! “Laway mo tumutulo na naman!” seryosong bulong ni James sa akin. Pasimple ko namang pinahid ang gilid ng labi ko, sabay tingin nang masama katabi ko. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Namumuro na talaga ng lalaking ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD