Chapter 5
Selina's POV
“Hi! Ikaw ba ang sinasabi ni Jayson sa akin na kapatid niya?” saad ng lalaki nang salubungin kaming dalawa ni James
“Yes, pre! I’m James Fuentebella. Ito naman si Selina— ang aking magiging asawa,” ani James saka inilahad ang kamay rito. Ito na rin ang nagpakilala sa akin.
“I see. . .” Tumango-tango ang judge. “Ako naman si Jake Dela Costa.” Tinanggap nito ang kamay ni James. Nag-shake hands ang dalawang lalaki.
Pagkatapos naglahad rin ng kamay ang lalaki sa akin. Nakangiting tinanggap ko naman iyon.
“Tayo na sa loob,” aya nito sa aming dalawa at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng bahay nito.
Sa library kami dinala ng lalaki. “Umupo kayo.” Itinuro nito ang upuang nasa harap ng lamesa nito. Wala namang imik na umupo kami roon ni James.
“Bago pa lang kayo pumunta rito ay itinawag na sa akin ni Jayson ang pakay ninyo— na gusto ninyo munang magpakasal sa judge bago sa simbahan,” panimula ng kaharap namin.
Tumango si James. “Yes, Judge Dela Costa. Or should i say Mr. Dela Costa?” alanganing wika niya.
Natawa ang lalaki sa tinuran ni James. Ako naman ay tahimik lang.
“Masyado namang pormal pareho,” anito. “Hindi pa ako ganoon katanda. I am just thirty-eight years old.” Tumawa itong muli habang iiling-iling.
“I’m really sorry. Hindi ko kasi alam kung anong puwedeng itawag sa iyo, kahit pa nga nagkita na tayo sa mga dinadaluhan nating business party noon,” sagot pa ni James sa binatang husgado.
“Ah. . . Pero okay lang sa akin na tawagin mo akong pre or dude. Magkaibigan naman kami ng kuya mo!” ani Jake.
“Sige, kung iyon ang gusto mo, pare.” Ngumiti si James dito.
“May singsing ba kayo na puwede ninyong isuot sa isa’t isa?” tanong ni Jake na’kay James nakatingin.
Napapakamot naman sa ulo si James. “Hindi pa ako nakabibili, eh. Puwede bang isuot na lang namin ang singsing ng kami na lang dalawa kapag nakabili na ako?” tanong niya.
Humalakhak ang husgado sa naging sagot ni James.
Nagkatinginan kaming dalawa. Napayuko pa ako dahil sa kahihiyan. Saan ka nga ba naman nagkita na ikakasal pero wala namang singsing?
“Para ka rin palang ang mga kaibigan ko. Nagpapakasal ng wala singsing,” napapailing na turan nito.
Tabinging napangiti ang katabi ko. “Excited lang kasi kami, pare. Gusto kong maikasal kami agad nitong fiancée ko. Baka kasi biglang magbago pa ang isip at iwanan ako nang walang pasabi,” natatawang sagot ni James.
“Okay, sige. Saka niyo na lang isiuot ang singsing kapag nakabili na kayo. Magpapakasal din naman kayo sa simbahan. Ang importanter ngayon ay ang marriage certificate na pipirmahan ninyong dalawa,” ani Jake sa amin. “Isulat na lang ninyo ang inyong mga pangalan sa magkabilang side.” Itinuro nito sa amin kung saan dapat iyon ilalagay.
Nang matapos ay pumirma na rin kami. Hindi rin naglipas oras ay inihayag na niya kaming mag-asawa. At ang hindi niya napaghandaan ay ang sunod na sinabi ng batang husgado.
“Mr. Fuentebella, puwede mo ng halikan ang misis mo.” Malapd ang ngiti nito habang nakatingin sa kanila.
Hindi ako nakakilos nang humarap sa akin si James— lalo na nang nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Gusto ko sanang umiwas ngunit hinawakan na nito ang magkabilang balikat ko, at unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Sa tindi ng kabog niyon, halos mabingi na ako.
Parang akong natuod nang lumapat ang mga labi ni James sa akin. Segundo lang ang itinagal ng halikan naming dalawa ngunit pakiramdam ko, buong pagkatao ko ay nawindang sa ginawa niya. That was her first kiss! Walang sinuman ang nakahahalik pa sa kaniya dahil NBSB pa siya!
Gosh!
Parang may libo-libong boltahe ng pinong kuryente na gumapang sa aking buong katawan, papunta sa aking puso. Mas lalo tuloy iyong bumilis sa pagtibok na animo’y kakawala sa aking dibdib.
“Bukas na bukas rin nakarehistro na ang marriage certificate ninyo,” pukaw ng judge sa amin.
“Bakit parang kabilis naman yata,” hindi na nakatiis na wika ko. Hinaluan ko pa ng pagtataka ang aking tinig.
“Oo. . . Ganon talaga kabilis ang proseso ngayon, Mrs. Fuentebella,” nakangiting sagot nito.
Natahimik na lamang ako pagkatapos ngumiti ng tipid sa kaniya. Mabuti na lang din at hindi kami nagtagal doo. Nagpaalam na rin dito si James dahil masyado ng gumagabi.
Habang nasa byahe, nakatingin lamang ako sa labas ng kotse. Nag-iisip pa rin ako kung tama nga ba talaga ang ginawa ko. Kung hindi nga ba ako nagpadalos-dalos na pumayag magpakasal kay James.
Pero isang taon lang naman. Kayo ko naman sigurong pakisamahan siya.
“Saan mo gustong mag-honeymoon, sweetie pie?” basag ng aking katabi sa katahimikan. Kaagad akong napabaling sa kaniya.
“Anong sabi mo?” nakataas ang isang kilay tanong ko. Narinig ko man ang sinabi niya ngunit gusto ko pa ring makasigurado kung hindi ako nabibingi.
Ngumisi si James sa akin sabay nagsalita, “Ang sabi ko po, sweetie pie ko, kung saan mo gustong mag-honeymoon?” Nanunudyo pa ang mga mata niya nang tingnan ako sandali.
“Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Hindi tayo mag-h-honeymoon kaya huwag kung ano-anong mahalay na kaisipan ang tumatakbo riyan sa isip mo!” inis kong wika.
“Ano ka sinusuwerte? At talagang naisip mo pa ang honeymoon! May pagkamanyak pa yata ang isang ito. Mukhang nagkamali nga akong magpakasal sa kaniya,” parang bubuyog na bulong ko sa sarili.
“Hala! Wala na nga tayong singsing, pati ba naman honeymoon wala rin?” tila batang reklamo niya. Sumimangot pa talaga siya nang muli akong tingnan.
Inirapan ko naman siya. “Teka, saan ba tayo pupunta, ha?” tanong ko nang makitang ibang daan yata ang tinatahak namin. Hindi iyon patungo sa aking bahay.
Hinarap ko siya. “Kung dadalhin mo ako sa isang hotel para mag-honeymoon, puwes, hindi mangyayari iyon. Iyan ang tandaan mo,” dagdag ko pa.
Tumawa naman siya nang nakaloloko. “Sinong may sabi na sa hotel kita dadalhin? Eh, para sabihin ko sa iyo, Mrs. Fuentabella, may condo ako. Puwede tayo roon mag-one to sawa kung—” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinampas ko agad siya sa braso.
“Sira ulo ka! Ang bastos mo talagang lalaki ka!” gigil kong turan rito.
“Ouch! Ang sakit noon, ah.” Napahawak ang isang kamay niya sa nasaktang braso. “Grabe ka namang mamalo! Ang bigat ng kamay mo!” Hindi na maipinta ang mukha niya.
“Manyak ka kasi! Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo, kaya iyan ang nababagay sa iyo.”
“Hala! Alin naman sa mga sinabi ko ang bastos?” tanong niya. “Ikaw kamo ang nag-iisip agad ng kung ano-ano. May pa-hotel-hotel ka pang nalalaman na dadalhin kita. Ikaw yata ang may lihim na pagnanasa sa akin, eh!” Nangaligkig pa ito na parang takot na takot.
“What?! Ako pa ngayon?! Ang hilig mo talagang magturo!” naaasar kong turan rito.
“Hindi pa naman kasi ako tapos, eh. Ang sabi ko sa condo kita dadalhin para roon puwede tayo—” Hindi na naman niya natapos ang sasabihin nang makatanggap muli siya ng palo sa akin.
“Aray naman! Ano ba?! Napakabayolente mo namang babae ka!”
“Eh, bakit kailangan mo pa kasing sabihin iyon? Kapag hindi ka tumigil talagang masasaktan ka sa akin,” usal ko.
“Ano bang masama sa sasabihin ko, eh, ang sasabihin ko lang naman ay puwede kang mag-one to sawa ng pahinga sa condo ko? Dahil puwede kang matulog o humilata roon maghapon na walang sisita sa iyo. Ano bang nasa isip mo, ah?” tanong niya na agad iginilid ang sasakyan. Humarap siya sa akin na nakataas ang isang kilay.
Napatanga ako sa narinig. Walang salitang lumabas sa bibig ko.
“Oh, ’di ba tama ako?” anas pa niya.
“Ikaw ang masyadong berde ang utak,” paasik niyang wika sabay labas ng kotse at umikot sa tapat ko para buksan ang pintuan.
Namumula ang mukha ko sa kahihiyan. “S**t ka, Selina. Kung ano-anong nasa isip mo, nakakahiya ka!
“Haist!” Akmang tatanggalin ko na ang seatbelt sa aking katawan nang may kamay na naunang humawak doon at narinig ko na lamang ang pag-click nito. Pag-angat ng ulo ko, ang mapupungay na mga mata ni James ang aking nakikita.
Lihim akong napalunok dahil gahibla na lamang ang pagitan at maglalapat na ang aming mga labi. Bigla ring tumatahimik. Wala kaming ibang naririnig kun’di ang t***k ng mga puso namin.