Chapter 8

1329 Words
(After 10 years) "Ma'am welcome home po," bati niya ng salubungin ako. "Thank you," bahagyang ngiti lang ang tinugon ko sa kanya at sumakay na sa aking sasakyan. Isang puting lemusen ang pinabili ko sa kanya bago ako nag desisyon na umuwi ng bansa. Kasalukuyan akong nasa airport, nagpa sundo sa aking secretary kasama ang bagong hire na driver. Tatlong taon akong nag balik trabaho bilang modelo ng makatakas ako kay Mikael at mapunta ako sa Italy. Naging maayos naman ang aking buhay sa Italy sa tulong ni Jace bago ko nakilala ang amerikanong bilyonaryo na kalaunan ay nasawi sa isang car accident, isang araw lang matapos ang aming kasal. Kinailangan kong lumipat sa amireka upang ayusin ang pagkamatay ni Smith. Pitong taon din ako namalagi sa Amirica bago ako nakabalik ngayon dito sa pilipinas. Lahat ng ari-arian ng aking yumaong asawa na dayuhan ay nasalin sa'kin dahil wala naman siyang ibang pamilya na pwedeng pamanahan. "Ma'am ito na po ang files ni Mr. Keller." Kinuha ko ang folder na inabot sa akin ng aking secretary, si Shaira. Si Shaira Belmondo ay nakilala ko sa US, isa siyang ofw. Inalok ko siya bilang aking secretary, hindi naman siya nag alinlangan na tanggapin ang alok kong trabaho dahil kumpara sa dati niyang trabaho ay triple ang sahod na natatanggap niya mula sa akin. "Nakahanda na ba ang mansyon sa aking pagdating?" Pakling tanong ko sa kanya. "Yes ma'am," tipid niyang tugon. Isa ang mansyon sa aking ipinabili sa kanya para sa aking pagbabalik dito sa pilipinas. Baon ko sa aking pagbabalik ang planong paghihiganti sa isang lalaking nang hamak at nag alipusta sa aking pagkatao nung akoy labin walong taon pa lamang. Pagkarating sa mansyon ay agad bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto ng aking sasakyan. Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago ko inilabas ang aking kanang paa at bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan. Inikot ko ang aking paningin sa paligid ng mansyon; napaka ganda, nasunod ang gusto ko na magkaroon ng malawak na harden at infinity pool. Saka tiningnan ko ang kabuuan ng mansyon napaka laki nito, sa pinto pa lang ay makikita na ang pagka elegante nito. Hindi ko inakala na darating ang araw na ito sa aking buhay. Humakbang ako papunta sa malaking pinto ng bigla itong nagbukas at niluwa dito si Jace. "Welcome back to the Philippines Scarlett at welcome sa bago mong mansyon," patiling sigaw ng lalaking matangkad at gwapo, may pagka moreno at makisig. Ngunit kung hindi mo siya kilala, o kaibigan ay mapag kakamalan mo siyang bakla dahil sa galaw niya at sa paraan ng kanyang pagsasalita Lumapit ako sa kanya at agad niya naman akong niyakap ng mahigpit. Binati rin ako ng mga kasambahay n nakatayo sa gilid ng pinto. Sanay na ako sa pagiging sweet niya sa'kin, kung hindi nga lang ito matipuno ang katawan ay napagkamalan ko na siguro siyang bakla. "Thank you Jace, feeling ko mas excited ka pa sakin," wika ko habang tipid lang ng naging ngiti ko sa kanya. "Excited akong makita ka ulit, mas maganda ka pa rin sa personal kisa sa camera. At saka sobra kitang namiss alam mo naman na ikaw lang ang babaeng mahal ko," sambit niya kasabay ng pag kindat ng kaliwa niyang mata. Inirapan ko lang siya, ganun lang talaga si Jace. Mahilig magpa cute; ang pamamaraan niya na ipakita ang pagmamahal niya sa akin. Pagmamahal na binabalewala ko lang ng ilang taon. Nuong nasa ibang bansa ako ay palagi kaming naguusap sa Skype halos araw araw nga ehh. Pero iwan koba wala yata itong kasawa sawa sa pagmumukha ko. "Halika, nagpahanda ako ng pagkain para sayo, lahat ng pagkaing paborito mo ay ipinahanda ko." Aya niya at hinila ako papunta sa kusina. Dito naman ako bilib sa kanya kasi alam na alam niya ang nagpapasaya sa'kin. Nagkaroon kasi ako ng entirest sa pagkain mula ng makakatas ako sa kamay ni Mikael, feeling ko ay lagi akong gutom sa mga oras na yun. "Thank you Jace? sana hindi kana nag abala, andito naman si Shaira para gawin yan," nakangiti kong sambit. Pinaghila pa niya ako ng upuan para maka upo ako. "Ipaubaya mo na lang sakin, minsan lang naman 'to eh. Ngayon umupo kana at kumain para makapag pahinga kana bago mo gawin ang mga plano mo." Giit pa niya. Umupo narin siya at nag umpisa na kaming kumain. Kasalukuyan na akong nasa kwarto. Napakalaki nito, at tulad ng sabi ko mula sa labas hanggang sa loob ay kulay puti ang pintura ng mansyon, napahanga ako sa loob ng aking kwarto dahil nasunod ang gusto kung disenyo nito. Lumapit ako sa kama at hinaplos ko ito mula sa paanan patungo sa headboard ng kama. Bilyonaryo ang naging asawa ko sa ibang bansa pero hindi ito nakatira sa mansyon, dahil ayaw ni Henry ng malaking bahay. Napakabait niyang tao, magalang at maalalahanin, alam niya ang lahat ng buong pagkatao ko, ang aking nakaraan. Inilapag ko ang aking luxury bag sa kama at humiga ako sa malambot na kama saka hinaplos-haplos ko ang kama ng naka pikit, ninanamnam ko ang buhay na ngayon ko lang naranasan. Pitong taon na akong naging bilyonaryo dahil sa mana ng yumao kong naging asawa pero dito ko lang sa pilipinas naramdaman ang pagiging mayaman. Sa pamamalagi ko sa ibang bansa ng maraming taon ay nagbalik modelo ako. Para makalimutan ko ng bahagya ang aking mga problemang pinagdaanan. Habang nakapikit ako ay pumasok na naman sa alaala ko ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan. May mga nabuo na akong plano para mag higante sa kanya pero hindi ko pa alam kung paano ako mag uumpisa. Sa ngayon inalam ko muna kung saan na siya nakatira at kung anong klase ng buhay na ang meron siya. Kung dati na mahirap pa ako sa daga dahil sa kagagawan niya. Natanggal ako sa trabaho dahil sa pang aabuso niya sa akin at ikinulong sa kanyang kwarto ng ilang buwan. At hindi ko namalayan na unti-unting naubos ang aking ipon dahil sa kanya, sapilitan niya itong kinuha para walang matira sa akin. Ngunit ngayon ay hinding-hindi na niya ako kaya dahil mas triple na ang yaman ko kisa sa kanya. Tumagilid ako ng higa at iminulat ang aking mata may isang luha ang pumatak mula sa aking mata. Hinayaan ko ito at muling ipinikit ang aking mata, hanggang sa dinalaw na ako ng antok. "Scarlett... Scarlett are you awake?" Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa pinto ng aking kwarto. Pupungay pungay pa ang aking mata ng tumayo ako at nag tungo sa pinto para buksan ang kumakatok. "Why?" Tanong ko sa kanya sa paos na boses. "Gusto mong sumama? sa bar tayo," aya ni Jace sakin. "Anong oras naba?" Medyo napapahikab pa ako na sumagot. "It's already nine o'clock in the evening. So, let's go?" Nakangiti pa siya sakin at parang bata na nagmamakaawa na samahan ko siya. "Okay, hintayin mo ako sa ibaba ng hagdan at mag bibihis lang ako," pagka sambit ko ay isinara ko ang pinto saka ako nag tungo sa banyo. Winisik wisik ko pa ang tubig sa shower gamit ang aking daliri bago ako tuluyang nagbasa ng katawan. "Wohohhhh... Ang lamig," sambit ko, saka ko lang naisip pindutin ang heater ng shower para uminit ang tubig. Sa totoo lang ay ayaw ko sana na sumama sa bar, pero noon pa man ay makulit na si Jace na samahan ko siya sa bar. Ang dahilan niya ay nais niya na mawala ang trauma ko sa mga lugar na iyon, night club, bar at kung saan pa marami ang naglalasing. Dahil kay Jace kaya nagbago ang aking buhay, siya ang dahilan kung bakit ako nakawala kay Mikael. Kaya malaki ang aking utang na loob sa kanya, ipinagpasalamat ko sa taas na nakilala ko siya at siya ang lalaking pinag bentahan sa akin ni Mikael. Dahil dun ay nagawa niya akong tulungan na makawala sa mga kamay ni Mikael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD