Chapter 9

1404 Words
ESCAPE ***flashback*** “Scarlett, makinig ka. Katapos ng oras na ito ay sumama ka muna kay Mikael, gagawa ako ng paraan para maitakas kita sa kanya. Hindi siya pwedeng makahalata na may plano tayo at hindi niya pwedeng malaman na itatakas kita.” Saad niya habang nakahawak sa aking magkabilang braso. “Natatakot ako Jace, ayoko ng bumalik sa kanya. Baka hindi na kita makita, paano mo ako maitatakas mula sa kanya.” Umiiyak ako. Natatakot sa ano mang mangyayari. “Scarlett, makinig ka. Ako ang bahala sayo, tutulungan kita sa abot ng aking makakaya, magtiwala ka lang. Alam kong mahirap kalabanin si Mikael pero kung gugustuhin ko, magagawa kong tulungan ka. Basta magtiwala ka lang,” aniya. Kailangan kong magtiwala sa kanya. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago ako tumango, bilang pagtugon na pinagkakatiwalaan ko siya. Maya-maya ay may kumatok na sa pinto. Nanginginig ako, ngunit kailangan kong palakasin ang aking loob at pagkatiwalaan si Jace. Muli akong sumama sa tauhan ni Mikael na sumundo sa akin sa hotel. At dinala ako sa sasakyan ni Mikael. Seryoso siya at hindi ako pinapansin hanggang sa nakarating kami sa kanyang mansion. Ngunit bakit iba ang aking nararamdaman, bakit nasasaktan ako. Ayoko sa nararamdaman ko, hindi ko siya gusto. Ayoko sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto ay agad na nilock ang pinto ng tauhan ni Mikael nabatid ko ito dahil hindi na mapihit ang siradura ng subukan ko itong buksan. Nakakulong na naman ako. “Nagtitiwala ako sayo Jace, sana hindi mo ako biguin.” Saad ko sa aking sarili at nagtungo ako sa banyo. Umiiyak ako habang nasa ilalim ng umaagos na tubig sa shower. Alam kong hindi ako ginalaw ni Jace ngunit pakiramdam ko ay napaka dumi ko na. Pakiramdam ko ako na ang pinaka maruming babae sa mundo. Ngunit habang umiiyak ako at nasa ilalim ng shower ay narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto kaya mabilis kong tinapos ang aking pagligo at mabilis din na nakapag bihis. Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at nakita ko si Manang na palabas na ng kwarto, naglaho ang aking kaba. Ang akala ko ay si Mikael na ang pumasok. “Manang, sandali!” Huminto si manang ng hindi pa nabubuksan ang pinto. “Iha, nandyan ka pala. Hinatiran na kita ng pagkain baka nagugutom ka na,” aniya. “Salamat manang, nasaan po ba si Mikael.” Hindi ko maintindihan kung bakit ko pa hinahanap ang walang puso na lalaking yun. “Umalis siya kanina, limang minuto lang mula ng dumating kayo dahil tinawagan siya ng company, parang may problema yata. Bakit iha may kailangan ka ba?” Paliwanag niya. “May telepono ka po ba Manang?” “Meron iha, bakit?” “P-Pwede po ba makahiram?” Nag aalangan pa ako dahil baka hindi niya ako pahiramin. “Ahm iha, baka malaman ni sir Mikael. Malalagot ako,” aniya. “Ako po bahala Manang please, sandali lang naman po.” Giit ko. “Oh sige iha, bilisan mo lang. Mabuti nalang at wala ang mga alipuros ni Sir Mikael.” Aniya na mabilis na ibinigay ang keypad cellphone niya sa akin. “Bakit manang, nasaan po sila?” Nagtataka ako dahil ngayon lang nangyari na wala kahit ni isang bantay ang natira dito sa mansion. “Iwan, basta umalis silang lahat. Parang may problema si sir, nagmamadali silang umalis kanina. Nakakatakot nga eh,” aniya. “Bakit manang?” “May mga bitbit na mahahabang baril.” Pabulong pa niyang sinabi. “Ganun po ba?” Tela nabigyan naman ako ng pag asa para kontakin si Jace gamit ang calling card na binigay niya sa akin at tinago ko pa ito sa aking panty. Mabilis kong tinawagan ang numero ni Jace at mabuti na lang ay sumagot siya agad. “J-Jace, wala sila Mikael.” Nag aalangan pa ako na kausap siya. “Alam ko. Lumabas ka ng mansion at hinihintay kita dito sa labas. Ako na bahala sa security.” Aniya. “Bilisan mo at sa loob ng 45 minutes, nakabalik na si Mikael at ang kanyang mga tauhan.” Aniya. Para akong nataranta sa sinabi niya. “Manang, sumama ka sa akin. Bilis!” hinila ko ang braso ni Manang at mabilis kaming lumabas ng kwarto. “Teka iha. Anong ginagawa mo? Mapapatay ako ni Mikael,” tela takot siya na sumama sa akin. “Manang wala na tayong oras, halika na! Mamatay tayong dalawa kapag naabutan tayo dito ni Mikael!” Muli ko siyang hinila palabas na ng mansion. Tumatakbo kami papunta sa gate. “Saan kayo pupunta?” saad ng security ng harangin kami sa mataas na gate. “Padaanin mo k—---” hindi pa man natatapos ang aking sinasabi ay bumulagta na ang security. Nakita ko si Jace na may hawak na baril na ginamit niyang pagpalo sa batok ng security kaya ito nawalan ng malay at bumagsak sa lupa. “Tara na!” Aniya at hinawakan ako sa braso. Mabilis kaming nakalabas ng gate at nakasakay sa sasakyan. Agad na pinaharorot ni Jace ang sasakyan. “Paano ka nakapasok sa gate?” Paano nga ba? “Mamaya ko na ipapaliwanag, kailangan nating makalayo bago pa tayo maabutan ni Mikael. “Iha, Scarlett. Natatakot ako.” Saad ni manang na tela nanginginig sa nangyayari. “Manang, wag kang matakot. Ako na ang bahala sayo.” Niyakap ko siya at hinaplos ko ang kanyang likod para maibsan ang kanyang takot. Kahit naman ako ay natatakot sa ano mang pwedeng gawin ni Mikael sa amin kapag naabutan kami. ______________________________ MIKAEL’S POV “Bullshit!” Singhal ko sabay tapon ng vase sa sahig kaya nabasag ito. “Sir, hahanapin namin sila. Sigurado ako hindi pa sila nakakalayo.” Sambit ng aking tauhan. “Alam mo pala eh, bakit hindi pa kayo magsi kilos! Mga bobo!” kinuha ko ang baril na naka suksok sa tagiliran ng aking tauhan na nagsalita at walang awa ko itong ipinutok sa kanyang ulo. Kaya duguan siyang humandusay sa sahig. “Kayo? Anong hinihintay niyo. Gusto niyo rin ba matulad sa kanya?!” Galit kong tinutok sa kanila ang baril. Kaya naman ay mabilis silang nagsi alis. “Huwag kayong babalik ng hindi niyo dala ang p*t**g i***g babae na yun!” Sigaw ko. Kanina ay walang awa ko rin pinatay ang security na kakabangon palang mula sa pagkawala ng malay nito ng dumating kami. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung niloloko ako. Kaya nga walang mabubuhay sa mga kamay ko kapag nalaman kong tinatrahidor ako. Ilang babae na ang dumaan sa kamay ko, at hindi sila nakakawala ng buhay sa akin. Sa tuwing lumalabas kami ay may gustong lumapit at magpakilala sa kanila kaya ibinibinta ko nalang sila. Sa mga sumunod na babae ay ikinukulong ko na sa kwarto ngunit kapag mag tatangka silang tumakas ay agad kong binabaril sa ulo. Sinusunog ko ang mga katawan nila para walang ibidinsiya. Wala akong pakialam sa mga magulang nila na naghahanap sa kanila. Naging maluwag ako noon sa kanila pero, tinatrahidor nila ako, niloloko. Ngunit si Scarlett ay tela kakaiba. Ibininta ko siya dahil ang akala ko ay nagsawa na ako sa kanya, na wala na siyang silbi sa akin. Alam kong walang nangyari sa kanila ng lalaking pinag bentahan ko sa kanya. Nalaman ko ito dahil naglagay ako ng camera sa kwarto sa hotel. Inuwi ko siya dito sa bahay upang mabago ko ang lahat, babaguhin ko ang lahat ng pakikitungo ko sa kanya. Hindi niya ako pinindiho, pero bakit pagbalik ko ay wala na siya! Dahil sa galit at inis ko ay nagtungo ako sa kwarto upang kumuha ng jacket. Ngunit may napansin akong maliit na papel. Kinuha ko ito at binasa, isa itong calling card. “Bullshit! Papatayin kita!” Kinumos ko ang papel at agad akong lumabas ng kwarto. Kasama ang dalawa kong tauhan na natira dito sa mansion ay umalis kami at pinuntahan ang address na nakalagay sa calling card. Ngunit bigo ako ng hindi ko maabutan sa kompanya ang lalaking si Jace, ito ang pinag bentahan ko ng isang gabi kay Scarlett. Magkasama silang tumakas, kahit sa airport ay hindi ko na rin sila naabutan. Ang buong akala ko ay hindi ako trinahedor ni Scarlett ngunit pareho lang din pala siya sa mga babaeng pin***y ko. “Babalatan ko kayo ng buhay kapag nakita ko kayo! Ahhhhh!” Sigaw ko ng makabalik na ako sa mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD