Chapter 7

1313 Words
Limang buwan na ang lumipas. Limang buwan na rin akong nagtitiis sa ugali ni Mikael, sa araw araw na ginagamit niya ako. Hindi na kina kaya ng aking katawan, pakiramdam ko ayalapit ng bumigy ang aking katawan. Malaki na rin ang pinayat ko. Napakalayo na ng aking itsura noon ng malaya pa ako kesa ngayon. Kasalukuyan akong nasa harap ng malaking salamin dito sa loob ng banyo sa kwarto ni Mikael. Kanina ay nagising ako na wala na siya sa kama. Pakiramdam ko tuwing umaalis siya ay nagiging malaya ako, ngunit sa tuwing tutunog ang pinto ay bigla na lamang ako binabalot ng takot. Habang tinititigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin ay napansin ko ang mga pasa sa aking braso at dibdib. Kagagawan ito ni Mikael dahil sa tuwing nagpupumiglas ako ay mabilis ang kamay niyang nasusuntok ako. Hindi ko na rin makuha na suklayin ang aking magulong buhok, dahil sa sabunutan lang din naman niya ako. Limang buwan na ako naka kulong sa kwartong ito, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa labas ng malawak na kwartong ito. Malawak pero napakasikip nito para sa akin, masikip ang mundo ko simula ng ikulong ako ni Mikael sa kwarto na ito. Habang nakaharap ako sa salamin ay pinapahid ko ang mga luhang naglalandas sa aking pisngi, takot at pangamba ang nararamdaman ko. Ngunit sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat ako dahil hindi nagbubunga ang kahayupang ginagawa sa akin ni Mikael at yun ang tangi kong hinihiling parate sa diyos. Dahil hindi ko kakayanin kapag nagkaroon ako ng anak sa lalaking walang kaluluwa. Ilang saglit pa ay lumabas na ako ng banyo katapos kong maghilamos. Biglang tumunog ang pinto, at nandito na naman ako sa puntong nanginginig ang katawan dahil sa takot. Hinintay ko kung sino ang nagbukas ng pinto o kung sino ang papasok. “Scarlett, iha. Ito na ang almusal mo, kumain ka na.” Si manang pala, inilapag niya ang tray na may pagkain sa maliit na mesa. Napawi ang takot na aking nararamdaman, nginitian ko siya. “Salamat po,” nagpasalamat ako at umupo na para kumain dahil kumakalam na rin ang aking sikmura. “Ah siya nga pala, pinapasabi ni sir Mikael na mag ayos ka daw ng iyong sarili dahil may pupuntahan daw kayo mamayang gabi. Ito nga pala ang damit na isusuot mo,” inabot niya ang paper bag na kinuha niya mula sa naka awang na pinto ng kwarto. Kinuha ko naman ito mula kay manang, “salamat.” Saad ko. “Oh siya sige kain ka para makapag handa ka na,” utos niya sa akin saka ito umalis. “Babalikan nalang kita maya-maya.” Aniya. Tumango-tango lang ako saka siya umalis. Hindi ko alam kung ano na naman ang plano ni Mikael, ang pinag dadasal ko lang na sana makahanap ako ng paraan mamaya para matakasan ko ang buhay na ganito. Natapos ang kalahating araw, nasa harap ako ng salamin at sinusuklay ang basa kong mahabang buhok ng may pumasok sa pinto kaya mabilis akong napalingon, si manang. “Okay ka na, uhm iha ...napaka ganda mo, sayang nga lang at si sir Mikael lang ang nakatagpo mo.” Saad niya na parang may ipinahihiwatig. “Manang—-” “Youre ready? Let's go!” naputol ang aking sasabihin ng biglang pumasok si Mikael sa kwarto at bigla nalang akong hinawakan sa kamay saka hinila palabas ng kwarto. Nang makasakay na kami sa sasakyan ay nakatanaw ako sa labas ng sasakyan habang umaandar ito. Nakangiti akong tinitingnan ang paligid, sobra kong namiss ang ganito. Nakakulong ako ng ilang buwan sa kwartong iyon, pumatak ang aking luha ng makita ko ang gusali kong saan ako nagtatrabaho dahil nadaanan namin ito. Kumusta na kaya ang aking mga kaibigan at mga katrabaho? Hinahanap kaya nila ako? Ang mga kapatid ko, gusto ko na sila maka usap. Ngunit paano? Ilang oras kaming nasa byahe at nakarating kami sa isang kilalang hotel, mag gagabi na dahil palubog na ang araw ng lumabas ako sa sasakyan kasama si Mikael. “A-Anong gagawin natin dito?” Huminto ako sa paglalakad dahil bigla akong kinabahan. “Huwag ka ng magtanong kung ayaw mong masaktan, sumunod ka nalang.” Saad niya. Lumingon ako sa aking likuran, dalawang lalaki ang naka buntot. Paano ako makakatakas nito? Nauna ng nag lakad si Mikael papasok sa sikat na hotel. Nakasunod lang ako, pero kahit kinakabahan ako ay tela may bumubulong sa akin na sumunod ako ng hindi nagrereklamo. Nakarating kami sa isang kwarto na may nakalagay na room 365 sa labas ng pinto, pinindot ni Mikael ang doorbell. Maya-maya lang ay nagbukas ito. Sinalubong kami ng isang lalaki, nakangiti ito at maayos ang pananamit. May kagwapuhan ngunit parang iba ang awra ito, tela may lungkot akong nakita sa mga mata nito. “Nasaan ang pera?” Bigla akong napatingin kay Mikael, at kumabog nalng bigla ang aking dibdib. Pera? Bakit? “Relaks ka lang, masyado ka naman nagmamadali. So siya ba yan, nakaka siguro ba ako na fresh pa yan? Baka naman bilasa na yan?” Saad ng lalaki at nakatingin ito sakin. Kinakabahan ako, ano ang nangyayari? May kinuha ang lalaki na isang briefcase at inabot ito kay Mikael, “twenty million, walang labis walang kulang!” Saad ng lalaki. Ngumiti si Mikael at tiningnan pa ang laman ng briefcase. Maraming pera? Ano ‘to? Binebenta ba ako sa lalaking ito? “Mikael? A-Anong nangyayari?” Hinawakan ko ang braso ni Mikael ngunit tiningnan lang niya ako ng masama. “Hihintayin kita sa lobby,” sambit niya na nakatingin sa akin na kunot ang noo. “Tatlong oras lang ang usapan natin,” baling naman niya sa lalaki. “M-Mikael! Sandali! Wag mo gawin sakin ‘to, Mikael!” Hindi ako maka takbo para habulin si Mikael dahil hinawakan ng lalaki ang aking magkabilang braso. “Bitawan mo ako!” Nagpupumiglas ako. “Mikael!” Iyak na lang ang tangi kong magagawa, dahil sa nangyayari. Napakasama talaga ni Mikael, nakaya pa niya akong ibenta sa ibang lalaki matapos niya akong pagsawaan? Demonyo talaga siya! Umiiyak ako, nasasaktan ang aking damdamin. Sa ilang buwan na kasama ko si Mikael, kahit na masamang tao ang tingin ko sa kanya ay nasanay na ako na siya ang lagi kong kasama sa kama. Kahit na sinasaktan niya ako, ay palagay na ang aking loob na siya lang ang umaangkin sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero, siya na ang hinahanap ng aking katawan. Siya lang! Nang tuluyan ng isara ang pinto ay binitawan na ako ng lalaki. Bigla akong lumuhod sa harap niya, “maawa ka sa akin. Kung ano man ang binabalak mo, please wag mo na ituloy. Maawa ka!” Nagmamakaawa ako habang umiiyak at nakaluhod sa harap ng lalaki. Yumuko siya at malamlam ang nga mata na tinitigan ako, akma na sana niyang hahawakan ang aking pisngi ngunit umatras ako. “Miss, wag kang matakot sa akin. Hindi ako masamang tao, please …sabihin mo sa akin kung ano ang relasyon mo kay Mikael. Matutulungan kita, magtiwala ka,” saad niya. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, mukhang mabait naman ito, pero bakit kailangan niyang bumili ng babae? “Miss, hindi kita gagalawin hanggat hindi ka nag ke kwento.” Umiling-iling ako. “Sige na, mauubusan tayo ng oras.” Aniya. “B-bakit mo ako binili?” Diko sigurado, pero ito ng gusto kong malaman. “Hindi lang ikaw ang babae na bininta sa akin ni Mikael, pero kakaiba ka. Bakit parang may mali?” Saad niya. Hindi lang ako? “Ang ibig mong sabihin ay marami na kami?” Nauutal kong tanong. Tumango-tango ang lalaki. Lalo akong umiyak, ang buong akala ko ay ako lang ang babaeng ginanito ni Mikael. Bakit nasasaktan ako? Ang sakit, ang akala ko ay ako lang, maraming babae na ang biniktima ni Mikael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD