Chapter 13

1289 Words
“Idi hindi!” Usal niya. “Umuwi na tayo!" Anas ko. Hinubad ko ang apron at nilapag ko ito sa mesa sabay tumalikod. "Kayo na bahala dito." Utos ko sa chef, at sa ibang staff ng reataurant. Nagmadali na akong lumabas, alam kong nakasunod lang sa akin si Jace. Hanggang sa nakarating ako sa sasakyan na seryoso lang ako. “Bakit ba ako nag kaka ganito? Ano ba ang ikina gagalit ko?” pabulong kong sambit sa aking sarili. “Ano nga ba?” Bigla akong naistatwa ng magsalita si Jace. Nakalimutan ko na naka sunod lang pala siya sa akin. Inis akong sumakay sa sasakyan, naka krus arm akong umupo at kita ko si Jace na nagpipigil lang ng tawa. “Bat ka natatawa?” Anas ko. “Bakit nga ba?” Aniya, pelosopo niyang tanong. Nagpakawala ako ng buntong hininga, tinalikuran ko siya at itinuon ko na lang ang aking paningin sa labas ng sasakyan. Bumabyahe na kami pauwi ng aking mansyon, pareho kaming walang imik. Hanggang sa nakarating kami sa mansiyon ay hindi ko pa rin siya inimik. Ayokong mag umpisang magsalita dahil alam kong aasarin lang ako ni Jace. “Aakyat ka na?” Napatigil ako sa pag akyat sa hagdan ng marinig kong magsalita si Jace. “Bakit?” Sumagot ako ng hindi siya nililingon. “Wala lang.” Tugon niya. Wala naman pala eh, ba’t kailangan pa niya akong tanungin. Kibit balikat akong muling humakbang paakyat ng hagdan. Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong naghubad ng aking saplot at dumiritso ako sa banyo, hindi ako nagsara ng pinto. Agad akong nag shower, gusto kong mawala ang init ng aking ulo. Bakit nga ba mainit ang ulo ko? Habang abala ako sa pagligo ay biglang may marinig akong yapak ng paa na pumasok sa banyo. “Jace?” Nagulat ako ng pagharap ko ay nakatapat na ang mukha ni Jace sa aking mukha. Nakahubad rin siya, nakatitig sa aking mga mata. “Mahal kita Scarlett, alam kong mahal mo na rin ako.” Saad niya. Mahal? Paano niya nasasabi ang salitang iyon? Napatunayan niya na ba? “P-Paano mo nasabi?” nauutal kong tanong. Hindi ako makagalaw dahil nakaharap ako sa kanya, pareho kaming nakahubad. Ayokong madidikit ang aking balat sa mga balat niya. Ngunit imbis na sumagot siya sa tanong ko ay nagulat ako ng bigla niya na lamang ako siniil ng halik. Mapusok ang halik na iyon, napaka pusok. Nag iinit ang aking katawan, dahil tela may nabuhay na sensasyon mula sa gitnang parte ng aking katawan. Ganito rin ang naramdaman ko noon kay Mikael, ngunit tela mas nasisiyahan ako ngayon. “Uhmmmm!” Impit na ungol ko. Kanina pa ako nagpipigil ng ungol pero ngayon ay bigla ko itong nailabas. Nakakahiya! “You want more?” Pabulong niyang tanong sa akin. “Uhmm, please…” diko alam kong paano ako pumayag. Basta naramdaman na lang ng katawan ko na kailangan nito ng higit sa halik na iyon. Nagulat ako ng maramdaman ko ang paglutang ko sa sahig, binuhat na pala ako ni Jace. Pinulupot ko ang aking braso sa leeg ni Jace. Hindi ako ganito tratuhin noon ni Mikael, malupit si Mikael. Walang respeto sa babae. Naramdaman ko ang pagdikit ng aking likod sa malambot na kama. “Napaka sexy mo,” bulong niya. Napangiti ako, marami na ang nagsabi sa akin ng salitang iyon pero parang naging kakaiba ang iyon ng bigkasin ni Jace. Muli akong siniil ng halik ni Jace, napaka lambot ng kanyang labi. Tela kay tamis ng halik niya, nadadala ako sa bawat pag buka nito. “Uhmmmm!” Ungol ko. Nakakapit parin ako sa kanyang leeg, pakiramdam ko kapag bumitaw ako ay aalis siya sa aking tabi. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang halik sa aking leeg, “ahhhhh…!” napasinghap ako ng hangin at iniliyad ko ang aking ulo. “Mahal kita Scarlett, noon pa man ay gusto na kita.” Sambit niya ng huminto ito sa kanyang ginagawa. “Ohh… Jace, please own me… ahhh!” Tugon ko. Tela nagsusumamo ako na angkinin niya ako sa oras na ito. “Mahal mo ba ako?” Tanong niya. Hindi ko siya sinagot, ayoko kasi na magkamali ako sa aking isasagot. Hindi ko pa sigurado kung gusto ko ba siya o hindi basta ang alam ko lang ay maangkin niya ako ngayong gabi. Ngunit bigla na lamang ay hindi ko na maramdaman ang presensya niya. Iminulat ko ang aking mata, wala na pala siya sa tabi ko. Ano ang mali ko? Tanong ko sa aking sarili. Tumagilid ako at niyakap ko ang aking sarili habang naka baluktot ang aking katawan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal ni Jace? Siya ang dahilan kung bakit nandito ako sa buhay na marangya, kung hindi ako nakawala kay Mikael, siguro hanggang ngayon ay isa parin akong s*x slave ni Mikael o baka nawala na ako sa mundong ito. Nakahubad lang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng nakaramdam ako ng malamig na hangin. Nakahubad pa pala ako at walang kahit na ano na nakatabing sa aking hubad na katawan. Bumangon ako at kumuha ng nightrobe, isinuot ko ito at lumapit ako sa may balcony. Dahil duon pala nagmumula ang hangin, hindi ko pa pala na isasara ang glass door. Ngunit isasara ko na sana iyon ng makita ko si Jace na lumalangoy sa infinity pool. Nakasuot lang ito ng panloob na saplot, tumingin ako sa orasan. 1am ng madaling araw. Bakit siya nag swimming ng ganitong oras? Hindi ba siya nilalamig? Dali-dali akong nag bihis at nagsuot lamang ako ng night robe saka ako lumabas ng kwarto at nagtungo ako sa labas ng mansyon kung nasaan si Jace. “Jace, pwede ba tayong mag usap?” Nakatayo ako kung saan umahon si Jace mula sa tubig. Kumuha siya ng towel at pinampunas ito sa kanyang basa na katawan at nagsuot ng bathrobe. Umupo siya sa upuan na nasa gilid ng pool, humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ako tumabi sa kanya. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita, siguro ay hinihintay niya ako na mag umpisa. “Jace, h-hindi ako sigurado kung ano ang aking totoong nararamdaman. Ayoko ng magmahal, yan ang nasa isip ko.” Sambit ko habang nakayuko. “Mahal mo pa ba siya?” Seryoso niyang tanong. Hindi ko siya sinagot sa tanong niya bagkus ay iniba ko ang aking sinabi. “Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko, ayokong maulit na naman ang mga nangyari noon.” Saad ko. “Iba ako sa kanila Scarlett …tandaan mo yan.” Sambit niya at bigla na lamang siyang tumayo at iniwan ako na hindi malaman kung ano ang isasagot. Bumuntong hininga ako, ano ba ang dapat kong gawin? KINABUKASAN ay tanghali na ako gumising, at agad kong hinanap si Jace. “Manang? Nakita niyo ho ba si Jace?” Tanong ko sa aking kasambahay. “Ahm, ma’am maaga po siya umalis kanina.” Tugon ni Lina. “Nagsabi po ba siya kung babalik siya mamaya?” “Hindi po eh,” aniya. “Sige manang salamat.” Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan ko ang numero ni Jace, ngunit hindi ko ito makontak. Pakiwari ko ay nakapatay ang kanyang numero. Siguro ay nagtampo si Jace sa akin dahil hindi ko siya sinagot kagabi sa tanong niya. Nagtungo ako sa kusina, “manang Lina, ano po ba ang pwedeng lutuin dyan?” Wala akong importing lakad ngayon kaya naisipan ko nalang na abalahin ang aking sarili sa kusina. Nagpatulong ako sa aking kasambahay na maghanda ng pagkain para kung sakaling umuwi si Jace mamaya ay may pagkain na nakahain sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD