Chapter 12

1318 Words
SCARLETT POV “Mr. De Guzman,” lumapit ako sa kanya at nakipag kamay. “Magandang araw po.” Sambit ko. “Miss Montealvo, mabuti naman at nakarating ka.” Nakangiti niyang sambit. “Jace, si Mr. De Guzman. Mr. De Guzman si Jace Solace, matalik kong kaibigan.” Pinakilala ko si Jace sa lalaking kausap ko. Nasa opisina kami ni Mr. De Guzman ang may ari ng casino hotel. “Maupo kayo.” Aniya. Umupo kami sa sofa dito sa loob ng opisina. “Salamat.” Nag bow ako at naupo na rin kami ni Jace. Nakipag kita ako kay Mr. De Guzman dahil balak niyang ibinta sa akin ang kanyang negosyo dahil balak na nitong mag migrate sa amerika at hindi na niya maasikasi ang kanyang negosyo rito. Natapos ang usapan namin na nagkasundo sa presyo ng buong gusali. Kapag nabayaran ko na ang hotel na ito ay may balak akong gawin dito. Naibalita kasi sakin ni mr. De Guzman na dito ang paboritong puntahan ni Mikael. Gusto kong ipamukha sa kanya ang bawat paborito nyang lugar ay pag aari ko na. “Maraming salamat Mr. De Guzman. Paano magkita na lang tayo ulit sa susunod.” Saad ko at muli ko siyang kinamayan. Lumabas kami ni Jace sa gusali ng walang imikan. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. “Scarlett, sigurado ka ba sa gagawin mo?” Napatingin ako sa kanya ng magsalita siya. “Sinama kita para malaman mo kung ano ang balak ko, para alam mo ang bawat galaw ko, ayokong dumating ang panahon na pag aawayan natin ang mga bagay na ito kapag sinikreto ko sayo.” Saad ko. “At anong gagawin mo kapag nabili mo na ang gusaling ito?” Malalim ninyang tanong. “Kasama ang casino hotel sa mga plano ko Jace.” Saad ko. Alam kong hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin. Itinuturing ko ng kasangga sa lahat si Jace kaya ayaw kong maglilihim sa kanya. “Lahat ng ginagawa mo ay pwede mong ipahamak Scarlett, hindi basta-basta na kalaban si Mikael. Marami siyang koneksyons, at ikaw ako lang ang kumukonekta sayo. Isa lang akong hamak na negosyante. Kaya kitang protektahan pero hindi sa lahat ng oras.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito, “Scarlett, gusto kitang protektahan sa abot ng makakaya ko, itataya ko pa nga buhay ko para sayo. Pero hindi ko masisiguro na magagawa yun sa lahat ng oras kaya kailangan mong pag isipan ang bawat galaw mo laban kay Mikael.” Aniya. “Alam ko ang ginagawa ko Jace, magtiwala ka.” Kasalukuyan na kaming bumabyahe papunta sa restaurant. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Restaurant. “Ngayon ito ang assignment mo ngayon,” nakangiti kong sambit habang inaabot ang apron sa kanya. “At ano na naman ang binabalak mo?” Tela inis niyang saad. “Tutulungan mo ako sa mga orders at hindi kaya ni Chef dahil maraming tao ngayon.” Saad ko. “Scarlett, negosyante ako hindi Chef!” Reklamo niya. “Sana hindi mo ako pinatikim ng mga luto mo, para hindi kita dinala dito sa kusina.” Natatawa kong sambit. Kanina ko lang ito naisip dahil gusto kong mabawasan ang tensyon sa nangyari kanina. “Ako ang assistant mo kaya alam kong magugustuhan ng mga kostumer ang mga luto mo.” Maya-maya lang ay nag umpisa na kaming magluto. Ako talaga ang walang alam sa pagluluto, mahirap ang buhay namin ng lumaki ako pero hindi ako inasahan ng nanay namin sa kusina. Mahilig akong kumain kaya binalak ko rin ang ganitong negosyo. Isa rin kasi ito sa nagpapa alala sa akin ng aking magulang dahil si papa ang mahilig magluto at nilalako namin iyon sa mga kapitbahay namin, ang mga lutong ulam ni papa. Naisip ko kung buhay ba ang mga magulang ko, mararating ko ba ang buhay na meron ako ngayon, kasama ng mga kapatid ko? “Wow, naman. Baka gusto mo ng mag resign sa company mo at maging chef na lang dito sa restaurant?” Nakangiti kong sambit habang nanunuod kung paano magluto si Jace. Isa si Jace sa mga pangarap ng mga babae na maging asawa, kaya hindi na ako magtataka na maraming babae ang tumitili kapag napapadaan siya sa harap ng mga ito. “Wag mo nga ako inuuto, hindi ko ito pinangarap. Baka dito mapatay na ako ng aking ama.” Seryoso niyang sambit. Yes, buhay pa ang mga magulang ni Jace ngunit matatanda na ang mga ito. Walang ginawa ang magulang niya kundi maglibot ng mundo. Dahil ayun kay Jace ay ngayon lamang nila nagawa ang bagay na iyon dahil buong buhay nila ay inilaan lang sa pagtatrabaho para maabot ang mga pangarap. Nag iisang anak lang si Jace at lumaki rin siyang mahirap, matiyaga at masipag ang mga magulang ni Jace kaya gumanda ang buhay nila at nakapagtapos sa maganda at sikat na unibersidad si Jace. Ng makapag trabaho ay nakapag ipon silang mag anak at ito ang ipinatayo ng maliit na negosyo hanggang sa lumago. Ngayon ay isa na sila sa nabibilang sa mga mayayaman dito sa pilipinas. Hindi basta basta ang yaman nila dahil ang pagkakaalam ko ay halos trillion na ang assits nila. “Baka naman matunaw na ako sa kakatitig mo.” Aniya. Napilig ko ang aking ulo dahil sa narinig ko. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. “Ah may kukunin pala ako,” pagkukunwari ko. Nagpunta ako sa powder room. “Ano bang nangyayari sayo Scarlett. Hindi ka pwedeng ma inlove sa kanya. Hindi ka nababagay sa kanya!” Saad ko sa aking sarili habang tinatampal ang aking sariling noo. Ngunit nagulat ako ng paglabas ko sa banyo ay napansin ko na mas lalong dumami ang kostumer ng restaurant. Ayon sa receptionist ay marami na rin daw ang nag check in. Kaya dumami ang order na pagkain. “Ano ang meron? Bakit dumami yata ang mga tao?” Nagtataka akong lumapit sa counter. “Ma’am,” sambit ng isa sa mga staff ko. “Mukhang mapapasubo yata kayo ngayong araw.” Saad ko sa aking staff. “Kaya nga po ma’am. Bigla hong dumami ang tao dahil dun sa babaeng iyon.” Nilingon ko ang tinuro ng aking staff. Isang babae ang may hawak ng camera at tela nakalive ito ngayon sa social media. “Jace?” Naka arkong “O” ang aking bibig ng makita ko si Jace. Tela masaya itong nakaharap sa camera. Nakahubad na siya ngayon at tanging apron lang ang suot na pang taas. Alam kong hindi iyon pormal dahil nasa highclass reataurant siya, puro mga mayayaman at ang iba ay mga kilalang tao ang kostumer, kaya laking gulat ko ng makita ko siya na nakikisaya sa mga kostumer. Napaka ganda ng kanyang katawan. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya, eh halos lahat ng katangian ng lalaki nasa kanya na. Tela ipinangangalandakan ng babae na masasarap ang pagkain dito sa restaurant at gwapo pa ang chef, si Jace. Ngunit bakit parang naiinis ako? “Jace!” Tinawag ko siya. Nakangiti naman siya na patakbo ng lumapit sa akin. “Scarlett, ang daming tao. Yung babaeng yun ang dahilan. Sikat siyang vlogger, pinapakita niya sa social media na masarap ang pagkain dito kaya dumayo na ang mga tao.” Nakangiti siyang nag kwento sa akin. “Hmp, tuwang tuwa ka naman.” Bulong ko sa aking sarili. Inirapan ko siya at tinalikuran. Nagtungo ako sa kusina. “Umalis lang ako saglit lumandi na! Hmp! Mahal daw, sino niloko niya!” Inis kong sambit sa mahinang boses. “Anong binubulong mo dyan?” “Ahy!" Sigaw ko. "Ano ba yan! Bigla ka nalang sumusulpot!” Anas ko. “May narinig ako, nagseselos ka ba?” Tanong niya ng nakangiti. Tela nang aasar. “In your face! Wala akong dapat na i pag selos!” Inis kong sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD