Chapter 14

1278 Words
Maghapon akong nagkulong sa aking kwarto, nagtatrabaho parin ako kahit na nasa bahay lang ako. Pakiramdam ko kasi ay wala akong gana na lumabas ng mansyon, niyaya ako ng aking mga kaibigan na lumabas para mag shopping pero wala akong lakas na ihakbang palabas ng mansyon ang aking mga paa. Naisipan kong bumaba ng makita ko na ika apat na ng hapon. “Manang, dumating na po ba si Jace?” “Ah ma’am hindi pa po,” sagot niya. “Ganun ba? Sige.” Matamlay kong sagot. Muli akong bumalik sa kwarto, mag hapon na hindi ko makontak ang telepono ni Jace. Tumawag din ako kanina sa kanyang opisina ngunit wala daw ito at may kliyente daw ito na ka meeting sa labas, sabi ng secretary niya. Kanina katapos kong maghanda ng pagkain ay inilatag ko ito sa mesa, ngayon ko lamang ito ginawa. Kaya pinag igihan ko at sinuguradong masarap ang pagkain na inihain ko sa kanya. Ngunit lumamig na ang pagkain ay hindi pa siya dumarating. Hanggang sa nakatulog na ako sa kakahintay sa kanya, nagising ako ng may marinig akong katok mula sa pinto. Bumangon ako para silipin baka si Jace na iyon. “Manang Lina?” Nadesmaya ako ng hindi si Jace ang kumatok. “Ma’am, iligpit ko na po ba ang pagkain sa mesa?” tanong niya. “Ako na ho ang bahala manang, magpahinga ka na.” Saad kong nakangiti. Isinara ko muna ang pinto at bumalik sa loob ng kwarto, tiningnan ko ang orasan. 9pm na wala pa rin si Jace, bakit ba ako naghihintay sa kanya? May sariling bahay si Jace, malamang duon ito umuwi. Nagpakawala ako ng buntong hininga at bumaba sa kusina. Napag isip-isip ko na iligpit na lamang ang mga nakalatag sa mesa. Ngunit hindi pa man ako nag umpisa ay nakarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan, naghintay ako ng ilang minuto. Alam kong si Jace ang dumating. Saan siya galing at bakit ngayon lamang siya nakauwi? Maya-maya ay nakarinig ako ng may pumipito, malamang si Jace nga ito at lasing ito. Yan ang lagi niyang ginagawa kapag nalalasing siya, pinipito niya ang isang kanta. “Ohh hi, my beautiful Scarlett?” Nauutal niyang sambit sa aking pangalan. “Ano yan? Pinagluto mo ako?” Aniya at tiningnan ang mga nakahain sa mesa. Nakatingin lang ako sa kanya. “Wow, mukhang masarap ah.” Aniya. Inamoy pa niya ang pagkain na nasa kutsara na sinandok nito bago sinubo. “Hmmm…” nakapikit pa siya habang nginunguya ang pagkain. “Jace? Bakit ka nag lasing?” “Wala lang, masaya lang ako. Sa wakas nakatikim rin ako ng luto mo,” aniya. Alam kong nagsisinungaling lang siya. “Jace, mag usap tayo.” “Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin, makikinig ako,” aniya. Nakangiti lang siya at umupo pa para kumain. “Kain tayo,” dagdag pa niya. Ngunit imbis na magsalita ako ay tela nawalan ako ng lakas ng loob para magsalita. Umalis ako at umakyat sa kwarto. Ano ba Scarlett, bakit napaka hina mo? Bakit natameme ka? Binagsak ko ang aking katawan sa kama ng padapa at parang bata na naglupasay. “Ahhhhh!” Inis ko sa aking sarili. *********************** JACE’S POV Nawala ang aking gana na kumain ng umalis si Scarlett, nabura ang ngiti sa aking labi. Ang akala ko ay sasabihin na niya na gusto rin niya ako. Tumayo ako at niligpit ang mga nakalatag sa mesa, sa totoo lang ay hindi masarap ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Noon ko pa alam na hindi marunong magluto si Scarlett, mahilig lang siya kumain ngunit hindi niya hilig ang magluto. Hindi ko alam kung sino ang nagluto ng mga pagkain na nakahain sa mesa pero ayon sa panlasa ko ay si Scarlett ang may gawa nito. Pinag lalagay ko sa refrigerator ang mga pagkain upang hindi masira. Kasalukuyan na akong nasa tapat ng pinto sa kwarto ni Scarlett, nagdadalawang isip ako na pumasok. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kagabi ng halikan ko siya at pareho kaming nakahubad. Ang akala ko ay kaya ko na siyang sipingan, dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay ayoko ko siyang saktan, ayokong ibigay sa kanya ang nais niya ng hindi niya ako minamahal. Tumalikod ako at nagtungo sa aking kwarto, baka sa mga oras na ito ay natutulog na si Scarlett. Naligo muna ako para maibsan ang aking kalasingan bago ako humiga sa kama. Nakatihaya ako at nakasuot lamang ako ng manipis na boxer short at walang damit pang taas, ipinikit ko ang aking mata, dinadalaw na rin kasi ako ng antok at dahil napuyat ako kagabi dahil sa nangyari ay hindi ako gaanong nakatulog. Maaga rin ako umalis kanina at nakipag kita sa aking client sa labas ng kompanya. Maaga pa ako nakatapos sa aking trabaho ngunit ayokong umuwi ng normal kaya nagtungo ako sa bar at uminom ng alak para may lakas ako na umuwi dito sa bahay ni Scarlett, may tahanan naman ako pero mas gusto kong dito sa bahay ni Scarlett umuwi. Itinuring ko na rin kasi na tahanan ang bahay ni Scarlett at komportable ako na kasama ko sa iisang bubong si Scarlett dahil nakasisiguro akong ligtas siya kapag nasa tabi ko siya. Habang nakapikit ako ay bigla kong naidilat ang aking mata ng biglang may pumatong sa akin. Si Scarlett, nakangiti at hinahaplos ang aking hubad na katawan. “Jace, gusto ko na paligayahin mo ako ngayong gabi.” Aniya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Ngunit wala na ako nagawa ng sunggaban niya ako ng halik. Ilang minuto ang halik na iyon bago siya lumayo sa akin at hinubad ang suot niyang nigthrobe, wala siyang suot na kahit na anong panloob. Kaya naman tumamabad sa akin ang mabibilog niyang dibdib na may kalakihan. Sa katunayan ay kagabi ko lamang nakita ang kanyang katawan, napaka seksi niya at ang kinis ng kanyang balat. Nakakaakit pero? “Scarlett?” “Uhmmmm!” Ungol lamang ang sagot niya. Umupo siya sa aking ibabaw, ramdam ko ang mainit niyang balat. Wala siyang suot na panty kaya ramdam ko ang kanyang p********e ng dumikit ito sa aking p*********i na nagtatago sa aking suot na boxer shorts kaya tela nabuhay ito. Nakapikit si Scarlett at tela ninanamnam ang kanyang sarili sa aking ibabaw, matigas na ang aking p*********i kaya alam kong ramdam niya ito. “Uhmmmm….” Nag umpisa siyang gumiling sa aking ibabaw habang nakapikit at nakaliyad. “Ahhhhh….” Ungol niya. “Ohhh… Jace, please enter me. Ahhhh..” daing niya. Paano ko ba sasabihin na ayokong gawin ang gusto niya hanggat hindi niya sinasabi na gusto niya rin ako. “Scarlett, gusto kong marinig mula sayo kung mahal mo ba ako.” Sambit ko. Sa totoo lang ay parang hindi ko na rin kayang magpigil, nalilibugan na rin kasi ako sa ginagawa niyang pag giling sa aking ibabaw. “I just want you to own me, Jace, ahhhh…” aniya, nakapikit lang siya at nakaliyad habang gumigiling. Ramdam ko na rin ang pamamasa niya. Manipis lang kasi ang suot kong boxer shorts kaya ramdam ko ang kanyang p********e na naglalawa na. “Ohhh Scarlett,” binangon ko ang aking katawan at niyakap ko siya saka ako na ang umibabaw sa kanya. Saka ko siya siniil ng halik habang nakayakap lang ako sa kanya. Gigil na ako sa kanya, gusto ko na rin na angkinin siya. Kaya bahala na kung ano ang mangyari samin basta ayoko na rin na mabitin pa, masakit kaya sa puson. Napangiti ako sa aking naisip. Habang hinahalikan ko siya ay unti-unti kong ibinababa ang aking suot na boxer shorts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD