Chapter 11

1413 Words
SCARLETT POV “Jace?” Tinawagan ko siya. “Pwede ka bang pumunta dito sa mansion?” Alam kong hindi niya ako matanggihan. “Sure.” Maikli niyang tugon. Naghintay ako ng halos isang oras kay Jace. ________________________ “Nasaan ang ma’am mo?” Narinig ko ang boses ni Jace ng hanapin ako sa aking kasambahay. “Nandito ako,” tinawag ko na siya. Nasa living room ako. Sinalubong ko siya at humalik siya sa pisngi. “Kumusta?” Aniya. “Umupo ka muna.” Nakangiti ako. “Manang, pakuha naman ng maiinom, salamat!” Saad ko sa kasambahay. Nag bow naman ito sa akin at mabilis na sumunod sa utos ko. “Hindi ba kita naabala?” Tanong ko kay Jace. “Scarlett, alam kong hindi ka abala sa akin. Kailanman ay hindi ka magiging abala sa akin,” nakangiti niyang sambit. “Samalat,” nakangiti ako ngunit tipid lang. “Tungkol kay Mikael?” Aniya. Alam kong sa mga mata ko palang ay alam na niya kung ano ang iniisip ko. “Uhmm,” tumango ako sa seryosong mukha. “Nagkita kayo kanina diba?” Seryoso siyang nagtanong. “Salamat,” sambit niya sa kasambahay na naghatid ng juice drink. “Jace, ibang-iba na siya sa dati.” “Inlove ka na ulit sa kanya?” Aniya. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Alam kong hindi niya gusto ang pakikipag kita ko kay Mikael kahit ang balak kong paghihiganti ay hindi niya gusto. Wala siyang magawa kaya pinagbibigyan niya lang ako sa mga gusto at balak kong gawin. “Hindi mo na kailangan sagutin Scarlett, alam ko na ang sagot.” Aniya saka uminom ng juice. “So anong balak mo sa susunod?” Tanong niya. “Diko pa alam pero, parang nawalan ako ng gana sa kung ano mang binabalak ko.” “Bakit? Naaawa ka sa kanya? Scarlett, alam mong hindi ko gusto ang plano mong paghihiganti sa kanya. Pero kung ano ang makakagaan sa kalooban mo, naka soporta lang ako sayo.” Aniya. “Sa tuwing naaalala ko ang mga ginawa niya sa akin ay gustong-gusto ko siyang ipabagsak. Pero nanghihina ako kapag nakikita ko na siya,” nakayuko akong nagsasalita. “Hindi ko gusto ang nararamdaman kong ito Jace,” dagdag ko pa. “Alam mo kung ano ang sagot ko dyan Scarlett, nasa sayo pa rin ang desisyon.” Aniya. Hindi ako makasagot, ang totoo hindi ko na alam kung ano ang susunod kung gagawin para magawa ang plano kong paghihiganti kay Mikael. “Ummm. Hindi na ako uuwi, ano gusto mong dinner? Pagluluto kita.” saad niya. Napangiti ako. Alam na alam kasi ni Jace kung ano ang mag papawala ng lungkot ko. Tumayo siya at nagtungo sa kusina. Nakangiti pa rin ako habang tinitingnan ko siya palayo. Sana siya na lang ang unang lalaki na nakilala ko, sana si Jace nalang. “Hayst…. Nabusog ako, salamat sa napakasarap na hapunan Jace.” Saad kong nakangiti. “Walang anuman mahal kong prinsesa.” Aniya at nag bow pa. Nawala ang aking ngiti sa sinabi niya. Nahihiya ako sa tuwing tinatawag niya akong “mahal na prinsesa” hindi ko iyon deserve. Hindi niya deserve ang katulad kong babae. “Jace, may tanong lang sana ako sayo?” “Yes, go ahead.” Aniya. “Kailan ka mag aasawa?” Tumingin siya sa akin ng seryoso at umupo ng malapitan sa akin. “Scarlett, may tanong din ako sayo.” Saad niyang seryoso ang mukha. “Kailan mo ako tatanggapin na maging asawa mo?” Tanong niya. “Jace, hindi ako ang babaeng nararapat sayo. Alam mo ang mga pinagdaanan ko, marami pa namang babae dyan na pwede kang mahalin. Yung hindi tulad ko na may bahid sa nakaraan.” Saad ko. “Ikaw ang gusto ko Scarlett, at kahit bali baliktarin pa ang mundo hindi na iyon magbabago.” Saad niya at tumayo saka ako iniwan sa hapag kainan. Sinundan ko na lamang siya ng tingin, sa katunayan napakaswerte ko na sa kanya. Ngunit hindi ko siya kayang mahalin at tanggapin dahil hindi ako nararapat sa katulad niya. KINABUKASAN ….Nasa kasarapan pa ako ng tulog. “Scarlett! Scarlett! Gising ka na!” Boses ni Jace ang naririnig ko. “Bakit ba? Inaantok pa ako.” Reklamo ko. “Bumangon ka na, may ipapakita ako sayo.” Aniya habang niyuyogyog niya ako sa balikat. “Ano ba kasi yun?” Angal ko. “Bumangon ka muna. Bilisan mo!” Aniya. Bumangon na ako dahil nawala na rin ang aking antok sa kakulitan niya. “Halika dali!” Kinukusot ko pa ang aking mata ng hilain niya ako papunta sa harap ng tv. “Panoorin mo ‘to.” Binuksan niya ang tv at tumambad ang balita. Si Mikael na sangkot sa malaking kaso ng droga at mga smuggling na baril. “Hindi na bago yan sa akin,” tela walang pakialam kong sambit. “Bakit naman?” “Dahil kay Manang, nae kwento niya sa akin noon ng nakakulong pa ako sa kwarto ni Mikael. Lahat ng mga negosyo niya. Lahat ng iyon ay alam ni Manang Linda, ang dating mayor doma ni Mikael. “Ngayon alam ko na kung bakit ganun siya. Siya na yata ang pinakamasamang tao na nakilala ko.” Aniya. Tela umaayon na ang panahon sa akin ngayon. Unti-unti ng bumabagsak si Mikael kahit na hindi pa ako gumagalaw ay may ibang nilalang ang nagpapa bagsak sa kanya. “Teka nga pala, tinawagan mo na ba ang mga kapatid mo?” Bigla niyang tanong sa akin. “Dimo na kailangan ipaalam sa akin yan, dahil makalimutan ko na ang lahat, wag lang mga kapatid ko.” Saad ko. “Maliligo na ako, sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo.” Sambit ko bago ako pumasok sa banyo. ************************* JACE’S POV “Ang akala ko naman na sa banyo ako sasama,” pabulong kong saad habang kumakamot sa ulo. Lumabas na ako ng kwarto ni Scarlett at bumalik sa guest room, dito ako natutulog habang nandito ako sa mansion ni Scarlett. Sa katunayan ang gusto ni Scarlett sa isang kwarto na malaki niya ako pinapatulog ngunit hindi ako pumayag. Kwarto kasi iyon ng mga kapatid ni Scarlett, sa susunod na taon uuwi na ng pilipinas ang mga kapatid niya dahil dito na sila maninirahan kung sakali na maayos na ni Scarlett ang gusot ng buhay niya. Naligo na ako at nag ayos ng sarili ko. Nakaharap ako sa malaking salamin. Matangkad, gwapo at mayaman ako, maraming babae ang nagkakagusto sa akin. Ang totoo ay pasok na pasok sila sa standard ko pero hindi ko sila gusto. Si Scarlett lang ang nilalaman ng aking puso, diko alam pero may kakaiba sa babaeng yun na wala sa ibang babae. “Jace, tapos ka na?” Alam ko si Scarlett iyon. “Pumasok ka muna, matatapos na ako.” Inaayos ko lang ang aking necktie at matatapos na akong magbihis. Lumapit siya sa akin at kinuha niya ang necktie saka siya ang naglagay nito sa akin. Pakiramdam ko ay para kaming mag asawa na sweet sa isa’t-isa, inaalagaan ako at mahal na mahal. “Bakit nakangiti ka dyan!” Nawala ang ngiti ko ng magsalita siya. “Hintayin kita sa labas.” Aniya at lumabas ng kwarto. Awkward ang nangyari pero yan na yata ang pinakamasaya sa buhay ko. Ngayon lamang niya ito ginawa sa akin kaya nakakapanibago. Nailing at nakangiti akong lumabas ng kwarto. “Let’s go?” Aya ko sa kanya. Nauna na siyang naglakad palabas ng mansion saka ako sumunod. “Saan ba tayo pupunta?” Pakli ko. “Ako ang bahala, sumunod ka nalang.” Aniya. Hindi na ako nagtanong pa. Sa luxury car kami sumakay. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya, naka formal attire kami pareho. Nakaputi siya na dress, simple but elegant. Yan ang itsura niya sa suot niya. Iwan ko, para akong nakakakita ng anghel kapag nagsusuot siya ng puti, simula kasi noong nakawala siya sa mga kamay ni Mikael ay naging paborito na niya ang puting damit. Halos isang oras ang byahe namin bago kami nakarating sa aming pupuntahan. “Tara na?” Aniya. “Ano naman ang gagawin natin dito?” Sa isang casino hotel kami nagpunta sa napaka agang oras na ito, ano kaya ang gagawin namin dito? Wala akong magawa kundi sumunod nalang sa kanya, may tiwala naman ako sa kanya, sa kung anong gagawin niya sa klase ng lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD