Chapter 10

1409 Words
SCARLETT POV Hinila ako ni Jace papasok ng bar, "tara na!" “Kailangan mong mag relaks, ako bahala sayo!” Aniya ng pasigaw dahil sa lakas ng tugtog sa loob ng mausok at madilim na bar. “Jace, hindi na ako umiinom diba?” “Ano ka ba Scarlett, diba ang sabi ko basta kasama mo ako ay ako ang bahala sayo kahit na lupaypay ka na sa kalasingan ay walang mangyayaring masama sa iyo?” Tama naman siya, ilang beses na akong nalasing ng kasama siya. Ligtas akong umuuwi ng bahay noon nung nasa Italy pa kami. Basta marinig ko na sa kanya ang salitang “ako ang bahala sayo” ay mabilis na akong nagtitiwala sa kanya. “Okay sige, pero konti lang ha? May jetlag pa talaga ako.” Saad ko. Para na kaming naging mag bestfriend ni Jace, pakiramdam ko nga ay naging kuya ko na siya. Si Jeanne at Jaden ay kaibigan ko pa rin ngunit hindi na katulad noon ang samahan namin. Ako ang nagbago ang lumayo sa kanila, dahil sa nangyari sa akin ay nadamay sila sa gulo ng buhay ko. Pinagtangkaan kasi sila noon ng makatakas ako sa kamay ni Mikael, dahil sa inakala ni Mikael na kasabwat silang dalawa sa pagtakas ko. Inilayo ko ang aking sarili sa kanila. Samantalang si Jace ay tinulungan sila na makalabas ng bansa at duon na magtrabaho para lang maging safe sila at ganun din ang aking mga kapatid ay hanggang ngayon ay nag aaral pa rin sa bansang italy, kasama nila si Manang Linda na siyang umaalalay sa kanila sa gawaing bahay at sa pag aasikaso ng kanilang mga baon sa skwela. Kaya sobrang malaki ang utang na loob ko kay Jace, kaya naman ay hindi ko siya matanggihan sa bawat aya niya sa akin sa kung saan niya gustong pumunta para lang malibang ako. Maliban lang sa pagmamahal, sa ngayon ay hindi ko siya kayang mahalin, maliban sa pagmamahal ko sa kanya bilang kapatid, kuya. “Hoy! Ang lalim ng iniisip mo! Kalimutan mo muna yan at nandito tayo para mag saya.” Saad niya at tinaas ang baso na may alak. “Cheers!” Aniya. “Tara sayaw tayo.” Inaya niya ako matapos kaming uminom ng alak. Hinila niya ako papunta sa dance floor at kahit na nag aalangan ako ay pinagbigyan ko na lamang siya. Sa katunayan ay nawala na ang amor ko sa pagsasayaw sa bar, hindi tulad noon na halos tumalon na ako sa tuwa sa tuwing kasama ko ang aking mga tropa na nagsasayaw sa bar. “Yu hooooo!” sigaw niya habang nag eenjoy at sumasayaw. Pasimple lang ako na ngumingiti habang sinasabayan siyang sumayaw ngunit limitado ang aking galaw. Para akong nag transform sa pagiging mahinhin na babae. ______________________ “Nag enjoy ka ba?” Nasa sasakyan na kami at pauwi sa mansyon. “Hanggang kailan ka mag lalagi sa mansion?” Imbis na sagutin ko siya ay iniba ko ang tanong. “Bakit, nagsawa ka na ba agad sa pagmumukha ko?” Aniya. Bahagya akong napangiti. “Gusto ko lang malaman, baka kasi kung saan saan mo na naman ako dalhin.” Giit ko. “Ngayon lang naman, alam ko naman na magiging abala ka na sa mga susunod na araw eh.” Aniya. “Basta mag i ingat ka sa mga lakad mo, kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako Scarlett. Alam mong hinding-hindi kita pababayaan,” aniya at hinawakan ang aking kamay at ngumiti sa akin. _____________ “Goodnight!” Paalam ko. “Goodnight, salamat sa gabing ito.” Nakangiti niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi. Kumaway pa siya ng umalis sa harap ko. Pagkasara ko ng pinto ay sumandal ako sa pinto ay huminga ng malalim. Naaawa na ako sa kanya, alam kong hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya ng aking sagot. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya sa akin, sobrang dami at malaki na ang naitulong niya sa akin. Ngunit hindi ako ang babaeng nararapat sa kanya. KINABUKASAN ay maaga akong nag gayak. Plano kung bisitahin ang aking pinatayong restaurant. Nasa sasakyan na ako at kasama ko si Shaira ang aking secretary at ang dalawang bodyguard. Hindi kasi ako pinapayagan ni Jace na umalis ng walang kasamang bodyguards. Habang abala ako sa harap ng aking cellphone ay nagsalita si Shaira, “ma’am. May appointment na po kayo kay Mr. Keller.” Aniya. Bigla akong kinabahan sa kanyang binalita sa akin. Ito na ba ang simula ng aking paghihiganti? Tumikhim muna ako bago nagtanong. “Hmmm! Kailan?” Seryoso kong tanong. “Bukas po, 6pm po sa villa Amoroso. Dinner date,” aniya. “Okay.” Maikli kong tugon. Maya-maya ay nakarating na kami sa aking restaurant. Ang Villa Amoroso, yes! Sa lugar kung saan pag aari ko, kikitain si Mikael. Ipamukha ko sa kanya na nasa lugar ko siya kaya kung oras na may balakin siyang masama sa akin ay safe ako, dahil nakapaligid sa akin ang aking mga tauhan at ni isang tauhan niya ay bawal makapasok sa loob ng restaurant. Ipapahold ko sila sa labas. Alam kong kaduwagan ito, pero gusto ko lang makisigurado na ligtas ako. ________________________ “Mr. Keller. Pasensya na at pinaghintay kita.” Saad ko ng lumapit ako sa mesa kung saan halos isang oras na naghihintay si Mikael at sinadya ko talaga na ma late para mainis siya. “S-Scarlett?!” Tela gulat na gulat siya ng makita ako. “Ako nga! Long time no see Mikael.” Saad ko at inilahad ko pa ang aking palad para makipag kamay sa kanya. “Ikaw at si Jeya ay iisa?” “Tama ka dyan. Bakit parang gulat na gulat kang makita ako?” Saad ko. May kaba akong nararamdaman ngunit kailangan kong maging matapang. “Ahm, hindi naman sa ganun, medyo lang.” Aniya. “Ahm, matagal kitang hinanap Scarlett.” Saad niya na tela anghel. “Ohh talaga? Maupo ka muna.” “Scarlett, ang laki ng pinagbago mo. G-Gusto ko lang na humingi ng sorry sayo, bisita ka naman sa bahay ng magkausap tayo ng maayos.” At sinong niloko mo Mikael? Alam ko ang halang ng bituka mo kaya hindi mo ako maloloko. Bahagya akong ngumiti. “Sure!” Saad ko ng nakangiti. Kailangan ko siyang sakyan. “Natutuwa ako na nagkita tayo ulit Scarlett.” Dumating ang pagkain. “Kumain ka na, tikman mo ang pagkain ng aking restaurant. Tiyak akong masarap yan, tulad ko. Masarap,” saad kong nakangiti. Tumingin siya sa akin at tela lumunok pa ng laway, “ahm. Masarap nga, parang ikaw.” Aniya na ngumiti din sa akin. Ganyan nga, kailangan ko siyang akitin at para kumagat siya sa pain ko. “Uhm, gusto mo pa bang tumikim?” “Nang alin?” Tela gulat niyang tanong. “Pagkain, magpapa serve ako ng iba pa.” Napapa hagikhik akong nagsalita. “Ah, okay sige.” Aniya. “Shaira?” Tinawag ko ang aking secretary para umorder ng panibagong pagkain. “Ipa serve mo nga ang pinaka espesyal na menu,” utos ko sa kanya. “Okay ma'am.” Agad naman siyang sumunod. “Talagang ibang-iba ka na ngayon. Paano ka naging mayaman? Dahil ba kay Jace?” Seryoso niyang tanong at tumitig pa sa akin. “Hmmm!” Tumikhim ako upang maibsan ang kaba. “No, hindi ko kilala ang Jace na tinutukoy mo.” Pagkukunwari ko. Ayokong madawit ang pangalan ni Jace, para na rin sa kaligtasan niya. “Are you sure?” Aniya. “Yeah, bumalik ako sa pagiging modelo. International, at ayun naging successful ako hanggang sa nakapangasawa ako ng bilyonaryo.” Diniinan ko pa ang pagbigkas ko ng salitang “bilyonaryo” para marinig niya ng maayos. “Uhm, okay. So you are a billionaire now? Nice.” Aniya nakangiti habang tumatango. Tela natuwa pa siya sa kanyang nalaman. Alam kong may namuo na naman na plano sa isip niya ng ilang minuto siyang nanahimik. “Pwede bang sa susunod papasukin ko na ang mga tao ko, kasi tulad niyan naiwan ko pala ang aking cellphone sa car. Wala akong mautusan na kunin.” Pakiusap niya. “No, bawal ang bodyguard dito sa loob ng restaurant. Maliban sa mga bodyguards ko.” seryoso akong tumingin sa kanya. “Bakit naman?” “May rules ang restaurant ko Mr. Keller.” Ipinaliwanag ko sa kanya ang rules and regulations ng restaurant. “Okay, I got it.” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD