Chapter 17

1231 Words
SCARLETT POV “Scarlett, saan ka galing?” Natigil ako sa paglalakad at napalingon ako sa may couch ng marinig ko mula roon ang boses ni Jace. “Nakipagkita sa mga kaibigan ko,” direkta kong sagot. “Kumain ka na ba? Paghahanda kita ng makakain.” Saad niya. “Busog ako salamat,” nagpatuloy ako sa paglalakad. “Scarlett,” muli akong tumigil sa paglalakad ng marinig kong muli ang aking pangalan. “Pwede ba tayo mag usap?” Aniya. Humarap ako sa kanya ay tahimik lang ng lumapit, umupo ako sa couch ng kalmado. “Anong sasabihin mo? Pagod ako, kailangan ko ng magpahinga.” “Scarlett, kailangan mo ba talaga gawin ang mga pinaplano mo laban kay Mikael?” Seryoso niyang tanong sa akin. “Alam mo kung ano ang sagot ko sa tanong mo,” diritso akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita. “Bakit ka nakipagkita sa mga kaibigan mo? Wag mo sana silang idamay sa paghihiganti mo kay Mikael. Alam mong mapanganib na kalaban si Mikael, Scarlett.” At paano niya naman nasabi na idadamay ko sila Jaden at Jeanne sa paghihiganti ko kay Mikael? “Scarlett, alam mo na hindi ako sang ayon sa nais mo, pero dahil gusto na maging masaya ka ay hina hayaan kita sa gusto mong gawin, gusto kitang protektahan alam mo yan. Kaya tinutulungan kita para matapos na at para makampante na ako, pero sa ginagawa mo ayas lalo mo lang pinapa lala ang sitwasyon mo.” Litanyan niya. Tumayo ako, “magpa pahinga na ako.” saka ako tumuloy sa hagdan. Pagpasok ko sa kwarto ay nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Alam ko, ramdam ko na gusto akong protektahan ni Jacr noon pa man. Pero sinusunod ko lang kung ano ang gusto ng aking puso. Magiging masaya lang ako kapag nagawa ko na ang gusto kong paghihiganti laban kay Mikael. Malalim ang sugat na binigay niya sa akin kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko siya napapa bagsak. “Shaira, mag set ka ng meeting bukas kasama si mr. Keller.” “Yes ma’am.” Mabilis na sagot ni Shaira ng sagutin niya ang aking tawag sa telepono. Kinabukasan sa isang luxury restaurant kasama ng aking mga bodyguards ay dumating ako ng ontime, tulad ng plano ay napapayag ni Shaira na makipag meeting sa akin si Mikael. “Kumusta ka naman?” Tanong sa akin ni Mikael ng dumating iyong nakangiti, habang nakaupo ako. “Mabuti naman,” ngumiti ako sa kanya at bahagyang tumayo. “Umupo ka mr. Keller.” Saad ko. Kung kinakailangan kong maging mabait sa kanya ay gagawin ko at yun ay naaayon sa aking plano. “Salamat,” aniya. Sa ngayon ay malaya niyang kasama ang kanyang mga bodyguards kasi nasa ibang lugar kami na hindi ko pag aari. “So ano ang kailangan nating pag usapan?” Ngumiti ako sa kanya ng tipid. “May e o offer ako sayong business,” sambit ko at inabot ko sa kanya ang isang naka invelope na files. Binuksan niya ito at binasa. “Mukhang maganda ‘to ah, pero sigurado ka ba dito?” Aniya. “Matagal ko ng pinag isipan yan bago ako nag desisyon na makipag negociet sayo mr. Keller.” Nakangiti kong saad. May itinayo akong isang shopping mall at nais ko na maging business partner si Mikael. “Okay sige puma payag na ako, pero hindi mo kailangan na maging pormal. Tawagin mo akong Mikarl at mas lalo tayong magkakasundo.” Sambit niya sabay tumayo at inilahad ang kanyang kamay. Walang pag aalinlangan ko itong tinanggap at nakipag kamay ako sa kanya. Marami pa kaming pinag usapan bago ako nagpaalam. “Mauna na ako, maraming salamat.” Sambit ko saka ako tumalikod. “Scarlett!” Tumigil ako sa paglalakad ng tawagin niya ang aking pangalan. Saka ako himarap sa kanya may isang dipa pa lamang ang aming pagitan dahil hindi pa ako masyado nakakalayo sa kanya. “Yes?” “Maari ba kitang imbitahan sa bahay? Dinner?” Saad niyang nakangiti. “Sige,” nauutal ako ngunit mabilis akong nakapag isip na pagkakataon ko na ito para sa aking pinaplano. “Sabihan kita kung kailan ako bakanti.” Dagdag ko saka ako muling tumalikod at agad na umalis. Nawala dun ang mga ngiti sa aking labi at napalitan ito ng pag igting ng aking panga. Gusto kong maging matapang pero kapag kaharap ko na si Mikael ay nagiging marupok ako. Nang makarating ako sa aking mansiyon ay agad akong dumiritso sa aking kwarto, sa loob ng aking kwarto ay mayroong isang opisina. Pumasok ako sa aking office at tinawagan ko si Shaira. “Yes ma’am?” Aniya. “Nasaan ka?” “Nasa Restaurant po, nag aasikaso po sa mga bagong staff.” “Bakit ikaw ang gumagawa niyan!” Medyo uminit ang aking ulo dahil sa aking narinig. “Nasaan ang manager?” Tanong ko. “Ma’am, nag emergency off po.” “Kailangan kita ngayon, ihatid mo ang mga document ngayon na.” Utos ko, ahad ko rin ibinaba ang tawag at huminahon. Simasabay pa talaga sila sa init ng aking ulo. Maya’t-maya ay may narinig aking katok sa pinto ng aking opisina. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tumayo. “Ma’am, hinihintay ka po ni Sir Jace sa kusina. Naghanda po siya ng hapunan.” Saad ni manang. “Pasabi wala akong ganang kumain.” “Ahh sige po ma’am.” Nakayuko niyang sambit saka agad din itong lumabas ng aking opisina. Lumabas naman ako ng opisina at nagtungo sa banyo, hinubad ko ang aking saplot at lumibog ako sa bathtub. Sinandal ko ang aking ulo sa gilid ng bathtub at saka ako marahamg pumikit. Gusto kong e relaks ang aking sarili sa mga oras na iyon at gusto ko rin na mapag isa. Ngunit habang nakapikit ako ay may biglang nagsalita. “Anong ginagawa mo?” Sa gulat ay bigla akong tumayo at nakalimutan kong nakahubad pala ako at walang kahit na anong saplot sa katawan. “A-Anong ginagawa mo dito?” Nagtataka kong tanong. “Ayusin mo muna sarili bago ko sagutin ang tanong mo.” Aniya matapos tumalikod. Kaya napatingin ako sa aking sarili, sa gulat ay agad kong ipinantakip ang aking mga kamay sa aking maselang bahagi ng aking katawan. Paano ko maayos sarili ko kung nasa malayo ang tuwalya na pwede kong ipang tapis aa aking hubad na katawan? “Yan ba ang gustong sumabak sa giyera, hindi handa sa anumang mangyari?” Saad niya sabay tinapon sa may harap ko ang bathrobe. Mabilis ko itong sinuot ng makababa ako sa bathtub. “Bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang pumasok ng hindi kumakatok?” Galit kong tanong sa kanya. “Pinasundonkita kay manang kanina, hindi ka bumaba!” Anas niya. “Wala akong ganang kumain!” Singhal ko. “Bakit? Sabihin mo kung bakit?” “Bakit kailangan ko pang sabihin sayo?” “Kailangan kong malaman!” Medyo tumaas na ang kanyang boses kaya nagulat ako. “Jace, bakit ba? Ano ba ang pakialam mo sa gusto kong gawin?” Singhal ko. “Scarlett, wag kang magpadala sa emotion mo tuwing naaalala mo o makikita si Mikael. Pinapabayaan ko sarili mo! Paano ka gagante kung manghihina ka dahil dyan?” Saad niya sabay dinuro ang aking dibdib. Hindi ako nakasagot hanggang sa lumabas na rin siya sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD