Chapter 16

1351 Words
SCARLETT’S POV Nang labasan ako ay huminto siya sa kanyang ginagawa ng pagsipsip sa aking naglalawang hiyas. Desmayado ako syempre. Nauwi lang kasi sa pagka bitin ang aming ginagawa, Oo nabitin ako kahit na nilabasan ako. Naghahanap kasi ang katawan ko ng mas higit pa sa inakala kong mangyayari sa aming dalawa. Humiga sa kama si Jace na tela pagod, tumihaya siya at tela naghahabol ng hininga. Desmayado akong nakatingin sa kanya. Ano ba ang iniisip niya? Natanong ko sa aking sarili habang naka kunot ang aking noo. “Jace?” Tawag ko sa kanya sa mahinang boses. “Hmmm!” Tipid niyang tugon. “Nasabi mo kanina na birhen ka, pero bakit? Bakit wala ka pang karanasan?” Hindi na ako nahiya na tanungin siya kung ano ang gumugulo sa aking isipan ngayon. “Gusto ko kasi na …sa babaeng mapapangasawa ko lang iaalay ang aking katawan,” aniya. Tela kinilig ako sa aking narinig. Ako ba ang babaeng tinutukoy niya? “Pero bakit mo ako binili nung gabing iyon?” Direkta kong tanong sa kanya. “Si Mikael ang kilala kong tao na may babae na pwede kong rentahan o bilhin. Hindi ako nanghihinayang sa pera para kay Lolo. At alam kong hindi basta-vasta ang mga babaeng nabibihag niya, nagkaraon na ikaw ang babaeng naibinta sa akin. Ang gabing iyon ay itinuturing kong isang pagkakamali kung sakaling may nangyari nga sa atin.” Panimula niya, tumagilid siya ng higa ng nakaharap sa akin. “Nung nabubuhay pa ang aking lolo ay sinabihan ako na mag asawa na ako o kaya naman mag anak na ako na siyang makakasama ko kung sakaling mawala na siya sa mundo, naisip kong mag bayad na lang ng babae para maibigay ko ang gusto ni Lolo.” Seryoso niyang kwento habang nakatitig siya sa akin. “Pero nabigo ako sa nais ko ng makilala kita, nagbago ang lahat, ang binuo kong plano para lang matupad ko ang hiling ng aking lolo.” Dagdag pa niya. “Alam mo ba na pursigido na ako na gawin ang aking plano? Pero ikaw ang nataon na babaeng bininta sa akin? Hindi ko alam pero mula noon ay isang beses lang akong hindi sumunod sa gusto ng aking Lolo.” Patuloy niya. Nakaramdam ako ng guilt sa sarili, dahil sa akin ay hindi niya natupad ang hiling ng kanyang Lolo. “Isang linggo lang ang lumipas nung nangyari ang gabing iyon ay namatay si Lolo, labis kong pinagsisihan ang nangyari. Dahil hindi ko man lang binigay sa kanya ang kanyang huling hiling. Pero sa kabila ng lahat ay nagpapasalamat din ako dahil nagsisi man ako ay iniisip kong tama lang ang ginawa ko.” Makahuligan niya na sambit. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi na ako nagtanong pang muli, inisip ko nalang na siguro kong nakatagpo ko si Jace ng ibang panahon at ibang pagkakataon ay sana hindi ganito ang sitwasyon namin. Napaka sarap sigurong maging kabiyak si Jace, ngunit gustuhin ko man na ako ang babaeng swerte na makakatuluyan niya ay hindi pa rin ako nababagay sa kanya. Isa akong maruming babae, dinungisan ni Mikael ang aking p********e yan ang nakatatak sa aking isip mula ng ginahasa niya ako noon sa night club. Dumaloy sa aking pisngi ang aking luha mula sa aking mata na agad ko naman itong pinunasan gamit ang aking palad. Naaalala ko na naman kung paano ako pasakitan ni Mikael kung paano niya winasak ang aking p********e at pangarap. Agad akong tumayo at mabilis na kinuha ang aking night robe at pinantakip ko ito sa aking hubad na katawan at patakbo akong lumabas ng kwarto ni Jace at nagtungo ako sa aking silid at dumiritso sa banyo habang umiiyak ng hindi nalalaman ni Jace. Nahihiya ako, naiinis sa aking sarili. Bakit ko ba ginawa ang bagay na iyon kanina. Dahil sa kapilyahan ko ay nagsisi ako na nilapat ko ang aking katawan sa inosenteng si Jace. Hindi niya deserve ang katulad ko. Lumipas ang halos isang oras na pagkukulong ko sa banyo ay saka lang ako lumabas. Hindi pa man natutuyo ang aking buhok ay humiga na ako sa kama. ************************** “Scarlett!” Tumitili na binanggit ni Jaden ang aking pangalan. “Oh my gosh, napaka ganda mo!” Aniya sabay akong niyakap ng mahigpit. Tipid na ngiti lamang ang naitugon ko sa kanya, matagal na panahon na nung huli kaming nagkita. Nung araw na sapilitan akong kinuha ng mga tauhan ni Mikae. “Ikaw lang?” Tanong ko ng mapansin ko na wala si Jeanne. “Traffic daw kaya medyo mali late siya ng dating.” Saad niya na tinanguan ko. “Ang balita ko ay nakapag asawa na si Jeanne at may dalawa na itong anak na babae at lalaki?” Saad ko kay Jaden, “tama ba?” “Oo, happy married ang baklang yun. Nakakainggit nga diba?” Sambit naman ni Jaden. “Samantalang ako ito nakapag patayo nga ng maliit na negosyo at may kinakasama itong boylit pero never naman ako naging happy.” Desmayado nitong saad. Napakunot ang noo ko sa kwento niya. “Bakit naman?” Nagtataka kong tanong. “Hay nako mahabang kwento bakla.” Aniya. “Halika dito tayo,” niyaya ko siya sa isang mesa na naka reserve para sa amin. Nandito kami ngayon sa restaurant na pag aari ko, nakaraang linggo ay naisipan ko na ipahanap sila para kumustahin hanggang nakapag desisyon ako na makipag kita sa kanila para makahingi na rin ako ng tawad sa nangyari noon, at pasasalamat dahil kahit papano ay ninais rin nila akong maligtas, ngunit nauwi din sa pagkabigo dahil mga armado ang mga tauhan ni Mikael at malakas ang kapit sa itaas. “Kwentuhan mo muna ako, mukhang matatagalan pa kasi si Jeanne.” Excited kong sambit kay Jaden dahil sa totoo lang ay sobra ko siya na miss at ganun din kay Jeanne. Halos kalahating oras pa kami nagkwentuhan at naghintay kay Jeanne bago ito nakarating at bitbit pa nito ang kanyang mga anak, isang lalaki at babae. “Andyan na ang bruha!” Sambit ni Jaden na nakataas ang dulo ng isa nitong kilay. “Mag mano kayo sa tita Scarlett niyo dali,” utos ni Jeanne sa kanyang mga anak ng nakalapit na sila sa amin. “Ang galing naman, mga mababait ang mga baby mo.” nakangiti kong saad. “Kambal ba sila?” tanong ko ng matapos silang magmano sa akin. “Hindi beshy, magkasunod lang kaya nagmukha silang kambal. Alam mo na, sobrang nagagandahan si hubby sa akin kaya ang resulta.” Tugon ni Jeanne. Nakatawa ako ng bahagya sa kanyang sinabi. Maganda naman talaga si Jeanne, seksi pa kaya siguro masyado nahumaling sa kanya ang kanyang asawa. “Pero ginawa niyo akong matanda, eh magkasing edad lang naman tayo.” Pabiro kong anas. “Hoy, di kami inform na bawal na ka na pala magpa mano. Samantalang dati halos araw-araw yan nangyayari sayo kapag napunta tayo sa orphan.” Sambit ni Jaden at tinapik pa ako sa balikat. Napapatawa habang naka kunot ang aking noo na hinimas ang aking balikat na tinamaan ng hampas ni Jaden. “Masakit yun ha!” Saad ko. “Iba na kasi ngayon, kailangan paurong na tayo hindi patanda.” Sambit sabay tawa ng malakas. “Kaloka ka!” Sambit ni Jaden habang nagtataray. “Pero inferness ang ganda mo ngayon bakla, kung dati isa kang dyosa ngayon para ka nang angel na bumaba galing sa langit. Kung hindi lang kita kilala, mag iingat ako na mahawakan ka. Nakakatakot kasi ang suot mo akala mo pag hinawakan ko ay pag babayarin mo na ako ng dolyar!” mahabang sambit ni Jaden. Hanggang ngayon di pa rin nagbabago ang kaibigan kong bakla na ito. Palabero pa rin. Pero nakaka tuwa dahil kahit papano ay nakakagaan ng damdamin ang pagiging palabero niya. “Gusto mo ba ng ganitong damit?” “Oo naman, sino ba ang tatanggi lalo na pag libre.” Sambit niya sabay nagtatawanan kaming tatlo. “Sige at mag sa shopping tayo.” nakangiti kong sambit. Sabay niyakap nila ako ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD