Chapter 18

1244 Words
JACE POV “Manang, paki ligpit nalang ng mesa.” Utos ko sa kasambahay ni Scarlett. Pagka sambit ko ay diritso akong lumabas ng mansyon at agad na sumakay ng aking sasakyan at agad kong binuhay ang makina at mabilis kong pinaharorot ng takbo. Hanggang sa nakalayo ako sa mansyon at saka lang ako huminto sa gilid ng kalsada. Nagpakawala ako ng buntong hininga, ilang segundo pa akong tumahimik bago inis na tinawagan ang secretary ni Scarlett. “Shaira,” mabuti nalang at mabilis rin nito sinagot ang aking tawag. “Yes sir, bakit po?” Tanong niya na tela nagtataka. “Bigay mo sa akin ang lahat ng schedule ni Scarlett ngayong week.” Agad kong utos ko dito. “Ngayon na po ba?” “Ngayon na, maghihintay ako.” At agad ko rin pinaray ang tawag saka ko initsa ang aking cellphone sa bakanteng upuan sa aking tabi dito sa kotse. Maya-maya ay may dumating na mensahe. Muli kong kinuha ang cellphone at binasa ko ang mensahe, ang schedule ni Scarlett, ng bigla kong hinampas ang manibela ng mabasa ko ang dinner meeting nila ni Mikael bukas ng gabi. “Bullshit!” Umigting ang aking panga dahil sa galit. Ayokong mangialam, pero hindi ako kampante. Mabuti nalang at naka save pa rin ang numero ni Mikael at agad ko itong tinawagan, hindi pa rin siya nagpapalit ng numero sa loob ng ilang taon. Siguro ay natural na iyon sa mga katulad kong businessman. “Magkita tayo,” saad ko sa aking kausap sa telepono, si Mikael ng sagutin nito agad ang tawag. “Sino ka?” Tela nagtataka niyang tanong sa akin. “Jace Solace, bigay ko sayo ang address kung saan tayo magkikita.” at agad ko rin pinatay ang tawag. Alam kong hindi basta-bastang tao si Mikael at katulad ko ay hindi rin ito basta-bastang pumupunta sa mga imbitasyon. Nag padala ako ng mensahe ea lugar king saan kami magkikita. Muli kong pinaandar ang sasakyan at nagtungo ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Mikael. Alam ko rin na padalos-dalos ako sa aking ginagawa pero, nais kong ipaalam kay Mikael na hindi niya pwedeng galawin si Scarlett o saktan muli dahil ako na mismo ang makakalaban niya. Isang oras pa ako naghihintay bago ko nakita si Mikael kasama ang mga alipuros niya na dumating sa nasabing lugar. “Long time no see, Mr. Solace?” Nakangiti niyang bati sa akin. “Ano ba atin?” Dagdag pa nitong saad. “Maupo ka mr. Keller.” Pormal kong sambit at nakipag kamay pa ako. “Mukhang seryoso ang pag uusapan natin ah,” aniya sabay umupo. “Hmmm!” Tumikhim pa ito ng makapag ayos na ito sa pag upo. “Anong sadya mo, gusto mo ba ng babae?” tanong niyang naka ngiti. “Hindi ako interesado sa babae mr. Keller.” Seryoso kong saad habang deritso akong nakatitig sa kanyang mga mata. “Teka, sa unang pagkakataon. Inimbitahan mo ako hindi dahil sa babae? So …ano nga ang sadya mo at pinapunta mo pa ako rito. Medyo malayo ang lugar na ito kumpara sa dati nating lugar na pinupuntahan ahh ...at ang alam ko ay teritoryo ito ng pamilya mo.” Mahaba nitong saad, habang iniikot ang paningin sa paligid. Tama siya, nandito kami ngayon sa Villa Solace isa ito sa pagmamay ari ng aking magulang. Malapit rin dito ang resthouse namin. “Alam kung alam mo na nagbalik na sii Scarlett, masaya na siya ngayon. Kaya nakikiusap ako na lubayan mo siya.” Seryoso kong saad sa kanya. Tumikhim ito. “Hmp! Tela iba yata ang pinupunto mo mr. Solace.” Sambit nito at umayos sa pagkakaupo. “Binabalaan kita Mr. Mikael Keller, sa oras na malaman ko na sinaktan mo ulit si Scarlett ay ako ang makakalaban mo!” Seryoso kong banta sa kanya. “Pinagbabantaan mo ba ako? Alam mo ba kung sino at ano ako? Ganyan mo ako kausapin, pagkatapos mo ako imbitahan sa napakalayong lugar na ito. Yan ang maririnig ko sayo? Naririnig mo ba ang sarili mo?” Anas niya. “Mr. Keller, hindi ko iyon ikinakaila, sabihin na nating pinagbabantaan nga kita dahil ngayon ako na ang nagmamay ari kay Scarlett.” Dirikta kong sambit habang nakatitig sa kanyang mga mata. “I do what I want mr. Solace, so don’t act like my dad na kaya akong diktahan sa mga dapat kong gawin!” Igting ang panga nitong sambit sa akin habang kuyom ang mga kamao na idiniin sa mesa ng tumayo ito at nakatitig sa akin ng malapitan. Saka tumayo ng tuwid at inayos pa nito ang kanyang suot na necktie bago tumalikod at umalis. Alam kong hindi ko mapipigilan kung ano man ang binabalak ni Mikael laban kay Scarlett. Ngunit kailangan kong gumawa ng paraan para mawala ang aking pangamba. Inantay ko pang maka alis ng lubusan si Mikael bago ako tumayo at kumuha ng telepono saka ko tinawagan ang secretary ni Scarlett. “Shaira, alam mo ba kung nasaan ai Scarlett?” Tanong ko sa kanyang secretary habang hindi ako mapakali sa kakalakad. “Nandun po sa mansiyon sir, hanggang ngayon po ay hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto, hindi pa rin po siya kumakain.” Pagbabalita ni Shaira. “Tssk! Pasaway talaga.” Inis kong pinatay ang tawag saka nagmadali akong pumuta sa sasakyan. Pabalik na ako ng mansion at ginabi na ako sa daan. Medyo umuulan at may kaunting hangin. Parang may law pressure sa gabing iyon. Kailangan kong makabalik agad. Mas binilisan ko pa ang aking pagmamaneho. Hanggang sa nakarating na ako sa mansion ni Scarlett na may apat na palapag. Patakbo akong pumasok sa mansyon. “Manang, si Scarlett?” Tanong ko kay manang ng masalubong ko ito sa hagdan. “Nandun ho sa kwarto niya sir, nilalagnat po siya.” “Ano? Pinainom na po ba siya ng gamot?” Dali-dali akong umakyat sa taas papunta sa kwarto ni Scarlett, halos tig dalawang baitang na ng hagdan ang aking ginawa para mabilis akong makarating sa kwarto niya. “Scarlett!” Pagpasok ko pa lamang sa loob ng kwarto ng dalaga ay halos mawalan na ako ng lakas. Nakita ko si Scarlett na nakapikit at balot na balot ng kumot. “Scarlett, are you okay? Bakit hindi mo sinabi na may sakit ka pala!” Anas ko at hinawakan ko ang kanyang noo para kompermahin kong may sakit ba talaga siya, ngunit para siyang nagaapoy sa init. Sa totoo lang ay naiinis na ako sa pagiging malihim ni Scarlett, hindi ko gustong makita na nahihirapan siya. Nataranta na ako kaya mabilis akong nagtungo sa pinto. “Manang pasuyo ng maligamgam na tubig at bempo. Bilisan mo!” Pasigaw kong utos kay manang. Mabuti na lamang at mabilis na nakarating si manang at agad kong pinunasan ang noo at mga braso ni Scarlett para bumaba ang temperatura ng kanyang katawan. “Nandito lang ako Scarlett. Hindi mo kailangan na maging mahina, patawarin mo ako. Alam kong dahil sa akin kaya ka nagkaka ganyan." Saad ko. Ikinulong ko ang kanyang kamay sa aking mga palad at dinala ko ito sa aking labi saka hinalikan ko habang nakapikit. "Uhmmm...." narinig kong umungol ito kaya napadilat ako. "Scarlett, naririnig mo ba ako? Kumusta pakiramdam mo?" Nagaalala kong tanong sa kanya. "Jace?" aniya. "I'm here Scarlett... hindi kita iiwan, palagi lang ako nandito sa tabi mo. Mahal na mahal kita," saad ko na tumutulo ang luha.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD