3 days later…
Nagising si Glory na bali balita sa tabloids ang pagkamatay ng asawa ni Mrs. Samaniego na si Victor Samaniego.
“Mahal na mahal ko po ang asawa ko… hindi ko po alam kung sino ang gumawa sa kanya nito,”
Saad ni Mrs. Samaniego na umiiyak pa habang kinukuhanan siya ng panayam ng mga press.
Pinatay ni Glory ang TV at nagbihis na dahil may meeting sila ni Joaquin ng maaga sa Dela Vega Corp.
DELA VEGA CORP.
Nang makapasok doon si Glory ay iyon din ang usap usapan ng mga empleyado ni Joaquin. Kung ano ano ang mga naririnig niya.
“Kawawa naman si Sir Victor ano?”
“Napakabait na tao.. Iyon nga lang nakapag asawa ng demonyo,”
“Nagpagawa nga yan ng project at sobra sobra ang ibinayad nyan kay Sir Joaquin,”
“Malamang sa malamang pinlano iyon at hindi aksidente,”
“Aba oo naman, ikaw ba naman ang asawa ng bilyonaryo, alam mo ba malaking pera daw ang mapupunta kay Mrs. Samaniego ngayong namatay si Sir Victor,”
“Talaga? Magkano raw?”
“Nasa Fifty Billion, Sis! Kung ako iyon ipapapatay ko talaga ang asawa ko noh,”
“Gaga ka talaga! Hindi rin naman natin masasabi, ang alam ko kasi may babae daw yan si sir Victor at ibinibigay na doon ang lahat ng pera niya,”
“Naku, matinding galit at selos siguro yan, kaya pinapatay,”
Tulala lang si Glory habang nakikinig sa mga usap usapan na iyon. Matapos silang mag meeting ay nagulat si Glory ng higitin siya ni Renzo at dalhin sa isang sulok, hindi niya naman matawag si Joaquin at nakalayo na rin ito ng hindi sila namamalayang dalawa.
“Renzo, ano ba?!” singhal niya sa kaibigan.
“Joaquin told me that you are pregnant, totoo ba huh?! Kaya ba laging maluwag yang damit mo?! Who’s the guy, huh?! Kay Ralph ba yan?!” sunud sunod na tanong ni Renzo.
“This has nothing to do with Ralph, Renzo, I met a man, his name is Alaric, he was my client’s brother and we had s*x, simple as that,” palusot ni Glory.
Napa iling na lang si Renzo.
“Glory naman, hindi mo iniingatan ‘yang sarili mo, anong sabi ng tatay ng bata? Papanagutan daw ba yan?” tanong ni Renzo na nag aalala.
Gumana ang palusot ni Glory at napaniwala niya si Renzo.
“No, but don’t worry, I can take care of myself,” saad ni Glory na siniguro iyon kay Renzo.
Bumuntong hininga si Renzo at tila nahihilot ang sintido.
“Yeah, for sure, come on, your Glory San Juan,”
“What’s the problem Renzo? Hindi naman ako baldado, I’m just pregnant, I can still work my ass off,”
“It’s not that, Glory, the problem is you will raise your child alone,” saad ni Renzo na nasapo ang noo niya.
“What’s the big deal about that huh? Maraming gumagawa non Renzo,”
“Yes, but you deserve more Glory, college pa lang tayo magkakasama na tayong tatlo nila Joaquin, so don’t expect me to act normal about this, kita mo nga oh, kay Joaquin mo lang sinabi, parang wala tayong pinagsamahan nyan,” saad ni Renzo na naiinis.
“So, masama ang loob mo,” saad ni Glory.
“Yes! Masama talaga ang loob ko! Asan ba ang gago na yan na nakabuntis sayo?! bubugbugin ko yan sa harapan mo!” saad ni Renzo na nasipa pa ang pader.
“I’m sorry,” saad ni Glory at yumuko.
“You know how much we care about you, kami ni Joaquin, we're friends!" singhal ni Renzo.
"I know, that's why I'm sorry," saad ni Glory na mahinahon.
"Eh akala ko okay kayo ni Ralph eh, kaya hinahayaan ko lang kayo, I remember nagku-kwento siya sa akin kung gaano siya kasaya noong nakilala ka niya dito sa office, tapos nakipag break ka pala and that f*****g car accident happened," saad ni Renzo na nanlulumo na.
"I broke up with him dahil nalaman niya na buntis ako sa ibang lalaki. I don't want to be unfair to your brother Renzo, so I set him free," palusot ni Glory.
Marahas na tinanggal ni Renzo ang eye glasses niya at saka sinabunutan ang sarili at napakagat labi sa inis.
Ramdam niya kung gaano nasasaktan si Renzo sa nangyayari.
"Tapos dumagdag pa si Luz, umuwi daw siya ng States dahil bago maaksidente si Ralph pinangakuan daw siya ng kasal ng kapatid ko, hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko sa inyong dalawa," saad ni Renzo na litong lito.
So Luz is her name. Saad ni Glory sa isip.
"Wag kang mag alala, hinding hindi na ako lalapit kay Ralph, kahit kailan,” saad ni Glory sa malamig na boses, nadudurog ang puso niya sa isiping iyon ngunit kailangan niyang maging matatag.
"Tapos ngayon nag su suffer siya sa memory loss, hirap na hirap na ako Glory," saad ni Renzo na tumulo na ang luha at marahas na pinahid iyon.
Niyakap niya ang kaibigan.
"Hey big guy, don't cry now, wag ka na rin mag effort na ipaalala ako sa kanya, kung nakalimutan niya ako mas mabuti na iyon," saad niya rito na pilit pinapagaan ang kalooban nito.
Nang araw na iyon ay binisita niya ulit si Ralph sa ospital. Pinapakain siya ni Luz at masaya silang nagkukwentuhan.
Ralph, ako dapat yan… ako dapat ang kasama mo ngayon pero ginawa ko ‘to para sayo, sinakripisyo ko ang sarili kong kaligayahan para iligtas ang buhay mo. Ang hiling ko lang, sana maging masaya ka na ngayon, kahit pa nasa piling ka na ng iba. Magpapaubaya na lang ako, katulad ng parati kong ginagawa.
Napabuntong hininga siya at bagsak ang balikat na lumabas ng ospital ngunit may humigit na naman sa braso niya at pagtingin niya ay si Enrico na naman.
Hindi na maganda ang awra nito at mukhang lasing na dahil susuray suray na ito. Parang baliw itong tumawa sa kanya.
“Nandyan lalaki mo noh? Ang sweet mo naman, palagi mong dinadalaw,” saad ni Enrico.
“Pwede ba, Enrico, pumunta ako dito dahil may kliyente ako dito!” palusot ni Glory.
“Wag mo na akong lokohin, alam kong nandyan ang lalaki mo, sabihin mo naman, anong floor? Saang room? Para naman mas madali ko siyang mapatay!” saad ni Enrico na umiigting pa ang mga panga at galit na galit.
“Nababaliw ka na, Enrico, tigilan mo na ako!” singhal niya at saka hinawi ang kamay ni Enrico.
Mabilis siyang tumakbo papasok sa kotse niya.
“Ito tatandaan mo Glory, hindi ka magiging masaya, isinusumpa ko yan, isasama kita sa pagiging miserable ko, pangako yan,” saad pa nito ngunit hindi niya na iyon pinansin at kaagad na nagmaneho.
Pag uwi niya sa Condo Unit niya ay naalala niya na naman ang ginawa ng kliyente niyang si Mrs. Samaniego.
Kumuha siya ng envelope at picture ng asawa, at kapirasong papel. Nilagay niya doon ang impormasyon tungkol kay Enrico, ang buong pangalan nito at ang address ng bahay kung saan ito naglalagi. Magulo ang isip niya hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya.
Isinilid niya iyon sa envelope at naglagay ng sampung libo at saka hindi nag atubiling puntahan ang lugar na pinuntahan nila ni Mrs. Samaniego noong isang araw.
Bumaba siya ng kotse at nagsuot ng shades, dali dali siyang pumasok sa maliit na eskinita at tumapat sa bahay na iyon kung saan hinulog ni Mrs. Samaniego ang sobre.
“Misis, sigurado ka ba dyan sa gagawin mo?” tanong sa kanya ng tambay doon na naninigarilyo.
She felt so much hatred to Enrico at walang ano anong inihulog ang sobra sa bahay na iyon at nagdali daling umalis sa lugar na iyon.
Pagbalik niya sa Condo niya ay pilit niyang inaalis sa isip ang ginawa niya ngunit paulit ulit itong bumabalik. Gulong gulo na siya sa nangyayari, ang gusto niya lang ay hindi na siya guluhin ni Enrico, pero hindi niya alam na aabot siya sa ganong klase ng sitwasyon na ipapapatay niya ang dating asawa.